SA MUNDO naman ng mga Enchanted, pinatawag ni Zero ang mga miyembro ng Demethos. Ang Demethos ay isang secret criminal organization sa mundo ng mga Enchanted at karamihan sa mga miyembro nito ay ang nagtataglay ng malalakas at kakaibang kapangyarihan. Dalawa lamang ang rason ng mga ito sa pagtatag nito: patayin ang lahat ng nilalang at sirain ang mundo.
Para sa Demethos, ang paniniwala ng mga ito ay upang matapos na ang paghihirap ng mundong ito ay ang puksain ang buhay ng lahat. Hindi lamang sa mundo ng mga tao, kundi sa ibang mundo pa ng mga ibang species.
Matagal na silang mainit sa mata ng mga taga Ereve. Alam nila, ginagawa ng mga ito ang lahat ng paraan para mahanap sila at patayin. Pero hindi naman kaya ng mga itong puksain sila.
Mahihinang nilalang ang mga ito. Kahit pa magsanib pwersa ang mga ito ay walang makakatalo sa lakas ng Demethos.
Ngunit hindi pa nila gagawin ngayon ang pag-atake. May hinihintay silang araw na kung saan ay magiging labis na makapangyarihan silang mga Enchanted. Kung sa normal na araw lamang sila aatake, natitiyak nilang mapapalaban sila at baka maubusan ng lakas.
Kaya naman dapat nilang hintayin ang "Predestined Day". Pinaniniwalaan nila ang araw na ito na magiging doble ang lakas nila at wala nang sinuman ang makakatalo sa kanila. Kahit ang lalaki pa sa propesiya.
"Lord Zero, pinapatawag niyo raw kami," magalang na lumuhod sa harap niya si Dark.
Si Dark ay ang maituturing niyang kanang-kamay niya at labis na pinagkakatiwalaan sa lahat. Tulad niya, nagmamanifest din ito ng napakalakas na kapangyarihan.
Si Dark ay isang pure-blooded human. Ngunit pinag-eksperimentuhan nila ito at sa buong gulat nila ay naging successful 'yon at ngayon ay parte na rito na Enchanted na rin. Kinaya ng katawan nito ang eksperimento nila at hindi namatay. Pero masasabi pa rin niyang failed experiment ito dahil hindi naman ito tuluyan naging isang Enchanted.
Mabilis nitong na-adapt ang naging pagbabago rito at naging kasapi na nila.
Kasunod ni Dark sila Matilda, Roro, Eckhart na siyang miyembro rin sa Demethos na may kakaibang kapangyarihan.
"Maupo kayo. Mahalaga ang sasabihin ko," seryosong sambit ni Zero.
Masunurin namang umupo ang mga ito. "Nararamdaman ko na ang pagdating ng takdang araw. Nararamdaman ko na ang pagbabago ng katawan ko. Nararamdaman ko ang kakaibang enerhiya, ang lakas,"
Gulat na napatitig sa kanya si Matilda. Ang nag-iisang babae sa Demethos. "Huh? Malapit na ang Predestined Day?" Si Matilda lamang ang tanging hindi tumatawag sa kanya ng Lord Zero. At wala namang problema 'yon sa kanya. Alam niyang napakatapat ni Matilda sa kanya.
"May dapat bang ikabahala, Lord Zero?" Tanong naman ni Roro.
Huminga nang malalim si Zero. "Alam kong malapit nang dumating ang araw na pinakahihintay natin. Ngunit, nararamdaman ko na rin ang pagdating ng lalaki sa propesiya,"
Nanglaki ang mga mata ng lahat. "Hindi maari! Hindi niya pwedeng sirain ang matagal na nating plano! Hindi isang hamak na mortal ang tatalo sa atin!" Sambit ni Dark na madilim ang mukha.
"Kaya dapat nating maunahan ang pagdating ng lalaki sa propesiya. Dapat nating maisagawa ang plano bago pa siya makarating sa mundo natin,"
"Lord Zero, paumanhin sa tanong ko, pero bakit hindi nalang natin gawin ang plano kahit wala pa ang Predestined Day?" Tanong naman ni Eckhart.
Si Dark ang sumagot para sa kanya. "Ilang beses bang kailangan ulitin ni Lord Zero na hindi kakayanin ng pwersa natin kung susugod tayo ng walang alas? Kahit sabihin mong malakas ang mga kapangyarihan niyo, kayang tapatan 'yon ng marami,"
Tumango si Roro. "Tama si Dark. At isa pa, tingin mo ba ang mundo lang ng mga Enchanted ang makakaharap natin? Oo, walang panama ang mga armas ng mga tao, pero paano naman ang ibang mga nilalang? Malalakas din sila,"
Hindi na nakakibo pa si Eckhart.
"Ang hindi ko maintindihan kung bakit isang normal na tao ang makakapagpabagsak sa atin. I mean, ano ang magagawa ng isang tao?" Takang tanong na rin ni Roro.
Kahit isa sakanila ay walang nakakaalam na sagot sa katanungan na 'yon. Malaking palaisipan din sa kanila kung bakit isang hamak na tao lang ang makakapigil sa kanila.
"Wala na akong paki kung tao lang siya o kung ano pa man, ang gusto ko ay maghanda tayo. Ayaw kong maging kampante tayo at pwede nating ikatalo ito. Isang banta sa atin ang lalaki sa propesiya. Naiintindihan niyo ba?"
"I got it," sabay sabay na sagot ng mga ito.
Dinismiss na ni Zero ang mga tauhan niya. Sa pag-iisa niya ay nagtagis ang mga bagang niya.
"Hindi ko hahayaan na matalo mo ako. Hindi ko hahayaan na masira mo ang plano ko. Ikaw ang unang-una kong papatayin!" Pangako ni Zero sa sarili.
Samantala, pinapanood naman ni Cygnus ang mga nilalang sa Ereve gamit ang kanyang bolang crystal. Napakapayapa ng Ereve. Parang isang paraiso ang lugar. Hindi na ito nalalayo sa mundo ng mga tao. Moderno ang kabuhayan at kumikilos na parang mga tao. May mga propesyon din at mga pangarap.
Wala namang makakapagsabi na hindi sila tao. Dahil ang kanilang anyo ay katulad sa mga mortal na tao.
Sa iba niyang lugar tinutok ang bolang crystal. Nakita naman niya ang mga bata na masayang umuuwi galing sa Academy.
Napuno ng matinding kalungkutan ang puso ni Cygnus. Hindi niya makakaya ang kaisipan na balang araw ang mga ngiting 'yon ay mawawala at mapapalitan ng pighati at sakit.
Hindi niya kayang makita na ang lahat ay mapupuksa. Naniniwala siya ang bawat nilalang ay may karapatan mabuhay nang payapa at maligaya sa mundong ito.
Nanikip ang dibdib niya. Ang tanging pag-asa na lang ng mundo upang mailigtas sa maitim na balak ng mga Demethos ay ang lalaki sa propesiya. Ang huling lalaki ang pag-asa nila.
At kung hindi nila maagapan ang Demethos, ang sanlibutan ay mapupuno ang karagatan ng dugo!
Pero paano niya mapapapunta ang isang mortal na tao sa kaharian nila? Maaring hindi ito maniwala sa kanya. Maaring isipin nito na siya ay kathang-isip lamang. Kahit naman sino siguro na makakakita sa kanya ay 'yon ang maiisip. Lalo na't sa mundo ng mga tao, ang mga nilalang na katulad niya ay isang alamat o kwento lamang sa mga ito.
Muling nalipat ng lugar ang kanyang bolang crystal. Sa pagkakataon na ito ay nakita niya ang Hari at Reyna ng Ereve na sila Alcaster at Amoria Ginemoux.
Kahit ang Hari at Reyna ng Ereve ay walang magagawa kapag sumalakay na ang mga kalaban. Napakalakas ng mga ito.
Kaya naman talagang kakailanganin nila ang tulong ng lalaki sa propesiya. Pero paano kung hindi ito maniwala o tumulong sa kanila?
Ahh, hindi pwede. Gagawin niya ang lahat nang makakaya niya para mapaniwala niya ang binata na ito nga ang huling lalaki sa propesiya. Ito lamang ang tanging pag-asa nila. Naririto nakasalalay ang kaligtasan ng mundo.
Pero bago niya mapaniwala na ito nga lalaking sa propesiya, ang tagapagligtas ng mundo, dapat magkaroon muna ito ng mga panaginip na tungkol roon.
At dahil panaginip ang kapangyarihan niya, hindi na naging mahirap para sa kanya na saliksikin ang utak nito. Sinigurado niyang mapapanaginipan nito ang premonisyon niya. Hanggang sa ito na mismo maniwala sa kanya.
Naging successful naman ang ginawa niya dahil hindi na makalimutan ng lalaki sa propesiya ang naging panaginip nito.
At wala na siyang nakikitang problema. Tumatakbo ang oras. Soon or later, kailangan na niyang dalhin ito sa Ereve.
Isang bagay ang napagdesisyunan niya: kailangan na niyang magpakita sa lalaki at ipaaalam kung ano ang magiging papel nito.
Kailangan nang malaman ni Avel na ito ang huling lalaki na makakapagligtas sa buong mundo!
~
A/N: Free pa habang inuupdate pa, kaya naman add niyo na sa library :)