Kabanata 3

1458 Words
AVEL Hanggang ngayon ay naroon pa rin sa akin ang weirdong pakiramdam. Naiinis ako dahil hanggang ngayon ay naaapektuhan pa rin ako ng panaginip kong ‘yon. Hindi ko alam kung anong meron doon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay. Sa lahat nang naging panaginip ko, ‘yon lamang ang ang nakapagpataas ng balahibo ko. Para kasing totoong totoo. Simula nang araw na rin na ‘yon, hindi na ako tinigilan ng masamang panaginip. Lagi na lamang akong nanaginip na ako raw ang huling pag-asa ng mundo. Na ako raw ang susi para sa kapayapaan. Natatawa ako, s’yempre. Pero hindi ko pa rin maiwasan hindi mag-isip. Iyon lang ‘yung naging panaginip ko na sunod-sunod at parang teleserye na may continuation pa sa ibang araw. Hindi ko nga alam kung matatawa ako o kung ano. Naramdaman ko ang pagtapik ng isang kamay sa balikat ko. Paglingon, nakita ko si Theo. Nakakunot ang noo nito sa akin. “Okay ka lang ba, Avel? Parang ang layo ng iniisip mo, eh. Tinatawag kita pero parang wala kang naririnig,” Napalunok ako. “O-Okay lang ako,” Ngumisi si Theo. “Hindi mo ako maloloko, Avel. Alam kong hindi ka okay. Alam kong may mali. Tara, ililibre kita ng kape. Sabihin mo ‘yan sa akin,” At dahil alam talaga ni Theo na kahinaan ko ang kape, wala na akong nagawa kundi magpaakay sa kanya. Sa labas ng University ay meron namang coffee shop doon. Tumawid kami at pumasok doon. “Maghanap ka na ng upuan, ako na ang oorder para sayo,” ngumuso ito sa mga upuan doon. Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Umupo ako malapit sa salamin. Hinintay ko si Theo na bumalik dala-dala ang cappuccino latte ko. Green tea naman ang inorder nito para sa sarili. “Salamat,” aniya ko at sumipsip sa inumin. Seryosong tinignan ako ni Theo sa mata. “What is it, Avel? Hindi ka ganyan. Nagaalala na ako sayo. Wala ka talaga sa sarili mo nitong mga nakaraan. Parang nand’yan lang ‘yung katawan mo, pero ‘yung isip mo lumilipad. Ano ba talaga ang nangyayari sayo? Kung may problema ka, pwede ka naman magsabi sa amin. Kaibigan mo kami, Avel,” paalala nito. Napangiti ako kahit papaano. Na-a-appreciate ko ang ginagawa ni Theo. Huminga ako nang malalim. “Meron lang akong iniisip nitong nakaraan,” Nagtaas ito ng kilay. “Tungkol sa?” “Panaginip,” maikling tugon ko. Hindi ko alam ang ekspresyon na tumatakbo ngayon sa mukha niya. Para siyang natatawa na hindi ko mawari. “Anong meron sa panaginip mo?” Sinandal ko ang likuran ko sa upuan. Isipin ko pa lamang ay parang nanghihina na ako. “Lately, nagkaroon ako ng masamang panaginip. As in masamang panaginip.” “Lahat naman ng tao ay nagkakaroon ng masamang panaginip, Avel,” “Oo nga, naroroon na ako. Pero kakaiba ‘to sa lahat. Mantakin mo para siyang teleserye na may continuation. Kunyari, noong Monday, ang panaginip ko tumatakbo ako at nagtapos sa nakakita ako ng liwanag. Sa susunod na araw naman, ang panaginip ko ay ‘yung ano ang nasa likod ng liwanag. Continuation talaga, Theo,” Napasinghap ito. Nagpatuloy ako. “Akala ko nga, OA lang ako. ‘Yung isa, dalawa, tatlong araw na continuation na panaginip, pinagwalang bahala ko pa. Pero ngayon, mag-iisang linggo na. Kaya natatakot na akong matulog. Buti sana, kung magandang panaginip na tipong yayaman ako tapos matutupad lahat ng panagarap ko. Eh hindi e,” “Tungkol saan ba ang napapanaginipan mo?” Sumipsip muna ako ng kape bago nagpatuloy. “Tungkol sa katapusan ng mundo. May mga kakaibang nilalang daw na nagbabanta na pupuksain ang lahat ng tao at sisirain ito. At ang matindi pa roon, ako raw ang lalaking magliligtas sa sanglibutan!” Natawa si Theo. “Wow, magiging si superman ka pa pala, Avel. Mantakin mo ‘yun, ikaw ang bida,” Kiniling ko ang ulo ko. “Theo, I’m serious right now. Hindi ko talaga alam ang gagawin at mararamdaman ko. Iba ang impact sa akin ng panaginip na ‘yon, to think na ilang araw na ang lumipas. Natatakot ako,” pag-amin ko. “Sa lahat. Kasi baka may ibig sabihin na ang panaginip na ‘to. Hindi naman ako ganito noon eh. Araw-araw ganoon lang ang panaginip ko. Parang minsan, ayaw ko na ngang matulog. Atsaka, hindi lang ‘yon, nakakatakot ang pangyayari. Parang nakikinita ko kung ano magiging hinaharap. Nakikita ko ang pagkamatay ng lahat. Maging ang magulang ko. Tapos, ‘yung paligid wala kang makikita kundi mga usok at patay na mga katawan. Ako na lang ang natitirang tao sa mundo. Ikaw kaya magkaroon ng ganoong panaginip. Tignan ko lang kung hindi ka manginig sa takot,” Napatango si Theo. “Sabagay. Hindi naman ako ang nanaginip eh, kaya hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin. Hindi kita masisisi, ‘yung isang araw nga binangungot ako, hindi ako makagalaw. Kung hindi lang ako sumigaw sa panaginip, hindi ako magigising. ‘Yan pa kaya na paulit-ulit mong napapanaginipan?” “See?” Inubos ni Theo ang green tea nito sabay tumingin sa akin. “Ano ngayon ang balak mo?”’ Nagkibit-balikat ako. Sa totoo lang, hindi ko alam. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ko. “Kung subukan mo kayang huwag munang matulog? Para maputol na ‘yang panaginip mo.” “Impossible, Theo. Hindi ko kaya. Alam mo namang pagod na pagod ako lagi, at humilata lang ako ng kaunti talagang tatangayin ako ng antok,” “Edi magkape ka, para hindi ka antukin,” “Impossible. Kahit uminom ako ng kape, inaantok pa rin ako. Walang silbi sa akin ang kape,” Huminga nang malalim si Theo. “Edi sige, doon muna ako makikitulog sainyo ngayon. Hindi tayo matutulog. Kukwentuhan kita ng kukuwentuhan. Para hindi ka maantok. Game ka ba?” “S-Sure ka ba?” “Oo naman. Nagaalala na kasi kami sayo eh,” Napangiti na rin ako. “Sige ba. Para may kausap rin ako mamaya. Ang boring minsan, eh.” Inubos ko ang kape at muli kaming bumalik sa University. Marami pa kasing gagawin. Kahit papaano naman ay nalibang ako at nawala sa isip ko ang masamang panaginip. Nang matapos na ang shift naming ay nakita kong nagaabang na si Theo sa labas ng faculty room. “Pahiramin mo na lang ako ng damit mo, ah.” Ani Theo. Natawa ako. “Sure, halos magkasing katawan lang naman tayo eh,” Ngumuso si Theo. “Bumili tayo ng pizza. Para naman may makain tayo mamaya. Magmovie marathon kaya tayo? Weekend naman bukas eh,” “Okay, sige,” Kotse ko ang ginamit naming at humantong nga kami sa isang pizza parlor. Si Theo ang nag-order. Ilang oras pa ang lumipas, humantong na kami sa unit ko. Mabilis na binuksan at nilantakan ni Theo ang pizza. Nagbukas naman ako ng soda sa pridyider at dinala sa kanya. “Ano bang magandang panoorin ngayon?” Nagkibit-balikat ako. Sa sobrang busy naming sa University, hindi na ako masyado nakakanood ng movie. Hindi ko na rin alam kung ano ang latest na palabas. “Tignan mo na lang kung ano bago ngayon, ‘yun panoorin natin,” “Ano bang genre gusto mo?” tanong nito. “Kahit ano, basta huwag lang lovestory. Sawa na ako, eh,” Natawa ito sa akin. “Oh, sige. Ito na lang panoorin natin, fantasy. Ang tagal ko nang hindi nakakapanood ng ganitong genre eh. Tapos nakikita ko pa sa social media na maganda raw ‘to. Ang ganda ng rating at maraming magandang feedback,” Napangiwi ako. “Fantasy? Naku, never ako nanood ng ganyang genre,” “Akala ko ba kahit ano?” “Eh hindi ko naman alam na gusto mong manood ng fantasy. Iba na lang, horror na lang,” Umirap siya sa akin. “Huwag ng horror. Wala naman tayo mapupulot na aral, puro katatakutan na lang. Fantasy na lang, para may lesson,” “Grabe ka naman, may lesson naman ang horror ah,” “Oo,lesson na huwag kang bumili ng bahay na napakalaki tapos tatatlo lang kayong nakatira. O kaya, huwag bumili ng bahay na walang kapitbahay tapos nasa gitna pa ng gubat. Kasi ‘yun ang madalas na may multo eh,” sarkastikong sambit nito. Napahalakhak ako. Natatawa talaga ako sa sinabi ni Theo. “Ang OA mo, ha.” “Bakit, may point naman diba?” “Oo na, oo na. Sige na panoorin na natin ‘yang fantasy at kainin na natin ‘yung papizza mo. Thanks, man,” nginitian ko siya. Malawak ang ngiti ni Theo sa labi at binuksan sinimulan na isalang ang sinasabi nitong movie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD