Pagkagising ulit ni Amanda ay laking pasasalamat namin dahil hindi na siya nagwawala. Marahil ay nawala na rin ang panic niya at naging diretso na ang pag-iisip niya kaya kalmado na siya. Pinatawag niya ang doktor at nag-usap sila sa loob ng kanyang kuwarto na silang dalawa lang.
Nang lumabas ang doktor ay agad akong pumasok. Nadatnan kong nakatitig lamang si Amanda sa puting pader ng kanyang kuwarto ngunit pansin na pansin ko na namumula ang kanyang mga mata. Umiyak na naman siya at tila ako sinuntok nang malakas sa kaalamang iyon.
Naglakad ako nang tahimik palapit sa kanya. Umupo ako sa naghihintay na upuan sa gilid ng kanyang higaan at hinawakan ko ang kanyang palad. Hinalikan ito na hindi inaalis ang aking paningin sa kanyang mukha. Maganda pa rin siya kahit na hapis ang kanyang mga pisngi.
"Mandy," I called her name.
Hindi pa rin niya ako nililingon.
"Terrence, hindi na yata ako makakalakad. Walang kasiguraduhan ang therapy ayon sa doktor." Mahina ang boses niya ngunit tila bomba ko iyong narinig.
Hindi ako makapagsalita. I don't know what to say. Pinisil ko na lamang ang kanyang mga palad.
After two days ay hiningi niyang makausap ang kanyang mga magulang. Hindi nila kasama ang kanyang kapatid nang dumating sila sa ospital. I felt bad about it. Ganon ba talaga kasama ang ugali nito na hindi man lang nito kayang bisitahin ang kanyang kapatid na nararatay sa ospital? Makailang ulit na nagpabalik-balik ang mga magulang niya para dalawin siya. Ngunit... Wala man lang ni anino ni Casey.
Nagalit ako nang tuluyan sa kapatid ni Mandy dahil doon. I can't believe she is that inconsiderate. And I've started to hate her even more sa tuwing nakikita kong nahihirapan si Amanda sa therapy sessions niya. After three weeks ay bumalik na kami sa aming chapter. Naka-wheelchair man si Amanda ay ramdam pa rin ang kanyang power and authority sa loob ng organisasyon. Nakausap na rin niya ang mga nakatataas namin. Kung hindi na raw siya makasama sa mga misyon, at least mapapakinabangan pa rin namin ang kanyang talino. Hindi siya pinayagang umalis sa organisasyon ngunit may hininging kapalit ang aming mga pinuno na hindi sinabi sa amin ni Amanda kung ano.
Matuling lumipas ang mga araw. Tatlong buwan na rin mula nang mangyari ang aksidente kay Amanda. Nagulat na lang ako isang araw nang ipatawag niya ako para kausapin.
"Terrence, alam kong nahihirapan na kayo na kayong tatlo lang nina Julie at Marc ang magkakasama sa misyon," bungad niya nang maupo ako sa harap ng kanyang lamesa.
"Kinakaya namin, Mandy. Wala akong makita sa mga recruits na papantay sa'yo," I told her.
Tumawa naman siya sa naging sagot ko.
"Terrence, wala talagang makakapantay sa akin."
Nakangiti siya habang nagsasalita na nagpangiti na rin sa akin.
"Unless..." pambibitin niya sa kanyang balak sabihin.
"Unless what, Mandy?" I asked her, hindi ko na kasi mahintay ang karugtong ng sasabihin niya.
"Unless you personally train someone who can qualify to be my replacement."
Napahinga ako nang malalim sa sinabi niya.
"Who?" I asked her.
My curiosity was already starting to bug me. Ramdam kong may napipisil na siya para maging kapalit niya sa aming team.
"My sister," nakangiti siya nang sabihin iyon at ako naman ay napanganga sa aking narinig.
...
Hindi ko na namalayang nakalabas ako sa opisina ni Amanda. ‘Yung Casey na ‘yun ang magiging kapalit ni Amanda sa team namin? Hell, no! Galit ako sa taong iyon dahil hindi man lang niya nagawang kumustahin si Amanda noong nasa ospital pa ito. Anong klase siyang kapatid? Alam ng lahat na indifferent siya sa kapatid niya ngunit ano ba naman ‘yung silipin niya kung buhay pa ba o patay na si Amanda? Naiinis talaga ako. At ako pa raw ang personal na magti-train sa kanya. The hell! Kung sakali man na darating siya rito para palitan sa team namin ang kapatid niya ay pahihirapan ko siya sa training para malaman niya ang malaking pagkakaiba nila ng Ate niya na binabastos-bastos lang niya. Pero wala na akong magagawa, naka-oo na ako kay Amanda kanina.
Now, first things first. I have to find her. Inilabas ko ang phone ko at nag-dial ng numero. May kaibigan ako mula sa Phoenix chapter sa San Diego sa siyang makakatulong sa akin para sa personal na misyon na ito na utos na rin mula kay Amanda. Kailangang maipahanap ko na ang babaeng ‘yun bago ako bumiyahe para hindi na ako mag-aksaya ng panahon, oras at pagod sa paghahanap sa kinaroroonan niya. I don't want to waste my time looking for that b***h.
Maraming naghihintay na misyon at hindi pa ganon ka-ready ang mga new recruits na ite-train ko. Kung kinakailangang bitbitin ko ang Casey na iyon mula San Diego papuntang Chicago ay gagawin ko para mapagbigyan ang kahilingan ni Amanda. Natigilan ako sa pagpaplano nang mag-ring na sa kabilang linya.
"Hello, Max. I need you to find someone for me. Her name? Cassandra Yvonne Aldrich."
….
Maxi Club, Los Angeles, California
Kanina pa ako nakatayo sa labas ng club na ito. Ayon sa report ni Max, dito raw nagtratrabaho si Casey. It took him two weeks to track down her whereabouts. Natagalan dahil inakala ni Max na sa San Diego ito makikita. Who would have thought na rito pala sa maliit na club siya matatagpuan. Lumayas daw ito sa kanilang bahay sa San Diego a month after her high school graduation at dito nga sa Los Angeles ito napadpad. That may be the reason why she wasn't able to visit her sister. And maybe, she doesn't even know what had happened to Amanda. Ano kaya ang naisipan nito at dito niya napiling magtrabaho sa maliit na club na ito? At ano ba ang trabaho niya rito? Cook? Sa itsura niya ay hindi siya marunong magluto. Maybe she's a waitress here.
Pagpasok ko sa loob ay maraming tao. Halos mapuno ng mga customers ang club. Iginagala ko ang aking paningin, tinitignan ang bawat taga-silbi upang hanapin ang taong target ko sa gabing ito nang makarinig ako ng strum ng gitara hudyat ng pag-uumpisa ng kantang paborito ko. Napahinto ako sa paghakbang at dumiretso ang tingin ko sa stage. Nakita ko ang isang babaeng naka-bull cap suot ang isang simpleng red shirt, leather jacket at black pants. Alam kong babae ito kahit nasa loob ng cap ang kanyang buhok at walang shape ang kanyang dibdib. Bihasa ako sa pagkilatis ng katawan ng tao kahit malayo ito mula sa kinatatayuan ko. Nakatapat naman sa bandang taas niya ang ilaw ng stage kaya kitang-kita ko ang katawan niya. Nakaupo siya sa isang stool habang hawak ang gitarang nakapatong sa mga hita niya. Na-curious akong makinig dahil hindi ko inakalang babae ang kakanta sa paborito kong kanta na Stigmatized ng The Calling na live na at acoustic version pa.
Wooh oh, woh… oh oh
If I give up on you, you give up on me
If we fight what's true will we ever be?
Nagtayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang malamyos na boses ng singer. Nanunuot ito sa aking kalamnan. Kasinglamig ng boses niya ang klima ngayon sa LA. Ngunit may kakaibang init akong nararamdaman sa loob ko na nagsusumiksik sa aking puso and it's f*****g weird.
Tease me, by holding out your hand,
And leave me or take me as I am
And live our lives, stigmatized.
Napatanga talaga ako. Pakiramdam ko ay nag-freeze lahat ng nasa paligid ko at ang singer na lang ang gumagalaw. Nawala na nga sa isip ko kung bakit ako naririto sa club na ito ngayon. Nasabi ko bang weird? Mali ang description ko sa moment na iyon kanina. It should be magical.
We live our lives, we take the punches everyday
We live our lives, I know we'll gonna find a way
Natapos ang kanta na hindi ko namamalayan. Gusto kong sumigaw ng pagtutol nang tumigil ang singer at tumayo. Para akong nagising mula sa isang napakagandang panaginip nang magpalakpakan nang malakas ang mga customers. Inalis ng singer ang kanyang cap at bumagsak ang mahaba at kulot na buhok niya. Naghiyawan ang mga tao nang makita ang mukha nito na natamaan ng spot light. Apparisyon ba siya ng isang anghel na bumaba mula sa langit upang kantahan ang mga tao? Ang ganda niya! Napanganga ako nang ma-realize ko kung sino siya. Hindi ako maaaring magkamali. Si Casey! Siya ang singer na nagpatulala sa akin.