Chapter 5 Come With Me

1456 Words
Tulala pa rin ako nang makita ko siyang kumaway sa audience. At sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko na naman 'yung maangas niyang ngiti na bumagay sa kanyang mukha. "See you in a while, guys!" masaya niyang bati sa nagpapalakpakang tao. Nakipag-high five sa kanya ang mga umakyat na banda na susunod na tutugtog. Nakita kong bumaba na siya at dumiretso sa bar counter. Binigyan siya agad ng kulay asul na inumin ng bartender. Nagmamadali akong lumapit sa kanya pero nang ilang hakbang na lang ako mula sa kinauupuan niya ay bigla akong natigilan. May posibilidad kasi na hindi na niya ako natatandaan at baka magdulot lang ako ng gulo sa kanya kaya nagdesisyon akong obserbahan na muna siya. Mabuti na lamang at may bakanteng table sa tabi ko. Umupo ako roon at sumenyas sa waiter. "One glass of gin tonic," sinabi ko nang makalapit ito sakin. Habang hinihintay ang order ko ay pinagmamasdan ko ang bawat galaw ni Casey. Masaya siyang nakikipag-usap sa bartender at mukhang nakikipagbiruan pa. Nang mailapag ang alak na inorder ko sa table ay dahan-dahan ko itong inabot at dahan-dahan itong sinimsim habang patuloy ako sa pagmamasid na ginagawa ko sa kapatid ni Amanda. Naibaba ko ang baso na aking hawak nang may makita akong lumapit sa kanyang dalawang lasing na lalake at may sinasabi sa kanya na tila ikinainis niya. Napatayo ako nang tuluyan nang makita kong hinawakan ng isa sa mga lalake ang braso niya at pilit siyang hinihila patayo. Tuluyan na akong napalakad papunta sa kanila ngunit bigla akong napatigil nang walang anu-ano'y biglang dinaklot ni Casey ang braso ng lalaking humawak sa kanya at ibinalibag niya ito! Hindi ako makapaniwala sa kanyang ginawa. Napakaliit ng katawan niya kumpara sa lalaking nambabastos sa kanya ngunit nakaya niya itong ibato. Nang akmang susugurin na siya ng kasama nito ay nagmamadali akong pumunta sa likuran ng lalaki at tinapik ito sa balikat. Nagulat ang lalaki at akma akong susuntukin nang biglang magdatingan ang mga bouncers at hinila palayo ang lalaki. Itinayo na rin ng iba pang bouncers ang lalaking ihinagis ni Casey kanina. Natahimik pa nga ang club dahil sa nangyaring munting kaguluhan na iyon. Muli lang na bumalik sa normal ang lahat nang magsimula ang banda ng isang masiglang tugtog. Ako naman ay napatingin kay Casey. Nagkasalubong ang aming tingin dahil nakatingin din pala siya sa akin. Tuluyan na akong lumapit sa kanya na hindi pinuputol ang ugnayan ng aming mga mata. Inaasahan ko na magpapasalamat siya sa akin ngunit imbes na ngitian ako ay tinaasan lang niya ako ng kilay at saka siya bumalik sa kinauupuan na parang walang nangyari sa kanyang gulo kanina. "Tss," narinig ko pang ismid niya nang maramdamang nasa likuran na niya ako. Tumabi ako sa kanya sa counter at muli siyang nilingon. Umiinom ulit siya ng asul na likido mula sa kanyang baso. "Are you expecting me to say thank you?" nakatingin pa rin siya sa kanyang baso nang sabihin sa akin ang mga salitang iyon. Nagulat ako. Iba siya kaninang kumakanta siya at iba ang pinapakita niya sa akin ngayon. "What do you want?!" she snapped at me nang mapansin niyang hindi pa rin ako nagsasalita. Nakatingin na siya sakin ngayon. "I'm Terrence Kim," pagpapakilala ko. Inilahad ko ang aking palad ngunit tinignan niya lang ito. Bumalik ang tingin niya sa mukha ko pagkaraan ng ilang segundo. Ibinaba ko na lamang ang kamay ko nang matiyak kong wala siyang balak na abutin ito. "We've already met," I informed her. Mukha yata kasing hindi na niya ako natatandaan. "Wrong choice of words, Mr. Kim. I've seen you, you've seen me. We were not properly introduced by Mandy," malamig niyang sagot. Ikinagulat ko ang kanyang sinabi. It means na natatandaan niya nga ako ngunit bakit malamig siyang makitungo sa akin? Nadadamay ba ako sa galit niya sa kapatid niya? "But since I already knew that she has already told you a lot of things about me, bakit 'di mo na lang ako diretsuhin sa kung anong rason ang ipinunta mo ngayon rito?" pagpapatuloy niya. Muli siyang sumimsim sa kanyang inumin pagkatapos niya akong ismiran. "Do you know your sister's work?" tanong ko sa kanya. "Cassandra," untag ko sa kanya nang hindi siya lumingon para sagutin ako. "I'm not interested," malamig pa ring sagot niya sa katanungan ko. "Excuse me?" Hindi iyon ang inaasahan kong isasagot niya kaya nawala ako sa kinabisado kong speech para makumbinsi siyang sumali sa Phoenix. "I said I'm not interested. Iyon ang ipinunta mo rito, ‘di ba? O baka naman nagkakamali ako at ang totoong iniutos ni Mandy sa'yo ay ang patayin ako?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "That's ridiculous! Your sister will not hurt you!" Bakit ba ganito siyang magsalita? Bakit napakasama yata ng iniisip nito sa kapatid at napunta pa sa kokote niya na gusto siyang ipapatay ng ate niya? "I will not be surprised kung ipapagawa niya nga iyon." Her eyes looked intently at my eyes as if trying to see the truth behind them. "How could you say those nasty things about your sister samantalang ikaw ang nagpapakita kung anong klaseng kapatid ka? Ni hindi mo siya nagawang silipin noong maospital siya!" I snapped at her. Hindi na ako nakapagpigil na hindi siya sumbatan. Tumawa siya sa sinabi ko. I felt very insulted and offended sa ginawa niyang iyon. Gusto ko siyang sakalin para matigil siya sa pagtawa ngunit bago ko pa magawa ang binabalak ko ay bigla na lang siyang tumahimik. "So tell me what does she want from me this time?" She was serious nang itanong iyon sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago sabihin ang totoong pakay ko sa kanya. "She wants you to join Phoenix." Sinabi ko iyon nang may diin na tila hindi niya mababali ang kagustuhang mangyari ng kapatid niya. "That manipulative wench. Ayoko. Hindi ako interesado. At ano ang gagawin ko roon? Masaya na ako sa buhay ko. Malaya akong gawin ang gusto ko. Kaya nga ako umalis sa San Diego ay para makawala sa kanila tapos ngayon ay pasasalihin niya ako dyan para paglaruan? No f*****g way. Ayoko!" Nagulat na lang ako sa naging outburst niya. "But there are perks when you join us!" nagmamadali kong saad. I got near her and spoke the way that she can only hear what I'm going to say. Inisa-isa ko sa kanya ang mga makukuha niya kung sasali siya sa amin like a fat bank account, trainings and adventures. I tried to sound very convincing. I really did. And I prayed hard na pumayag siya para hindi naman ako nagsayang lang ng pagod sa pagpunta rito para kausapin siya. Matagal bago siya nakasagot pagkatapos kong ibigay sa kanya ang lahat ng importanteng impormasyon na dapat niyang malaman. Tinitigan ko siya ngunit hindi ko mabasa ang kanyang mukha. Inabot niya ang kanyang iniinom at diretsong nilagok ang natitirang laman na 'di na nag-abalang gumagamit pa ng straw. Huminga siya nang malalim pagkatapos. Alam kong pinag-iisipan niyang mabuti ang alok ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Halos magkalapit na magkalapit na ang aming mga katawan. Hinaplos niya ang mga pisngi ko. Hindi ako makagalaw mula sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko tuloy naiwasang mag-isip ng iba. Is she going to kiss me? Tinitigan niya nang malalim ang aking mga mata na parang hinihipnotismo niya ako. Nararamdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking batok na humahagod. Inilapit pa niya ang kanyang mukha sa mukha ko. This time, nakatitig na siya sa nakabuka kong mga labi. Amoy na amoy ko na ang kanyang hininga na may halong alak na para bang mas lalo pang nagpabango rito. Napatingin na rin ako sa kanyang mga labi. Nawala na sakin ang lahat ng iniisip ko. Nakatuon na ang buo kong atensyon sa kanyang labi na anumang saglit ay lalapat na sa akin. "Hinding-hindi ako sasama sa'yo para sa gusto ni Amanda. Mas gugustuhin ko pa na mapunta ako sa demonyo kesa magpasailalim sa kanya." Nagulat ako sa kanyang sinabi dahil hindi iyon ang inaasahan ko. Ni hindi ako nakagalawa nang bigla siyang bumitaw sa akin at naglakad palayo. Tumigil siya pagkatapos ng ilang hakbang at hindi lumilingong sinabi, "I will never go with you to be with her. My answer is no and it will always be a no. I don't want to end my life as her mere shadow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD