Chapter 1 First Time
TERRENCE
Trey Academy
San Diego, California
Kanina ko pa pinagmamasdan si Amanda. Isa siya sa mga miyembro ng departamentong kinabibilangan ko sa Phoenix Organization. Pareho kaming assassin sa organisasyong iyon. Nakakunot ang noo niya at panay ang sulyap sa kanyang suot na relo. Kanina pa siya naiinip ngunit kahit kababakasan ng inis ang kanyang mukha ay maganda pa rin siya sa pinagsanib ng lahi ng Mexican at American.
Kaakit-akit. Sexy. Matangkad. Hindi na nagkakalayo ang height naming dalawa ngayong naka-heels siya ng four inches: 5'6 siya, 6 footer ako. Bagsak ang maitim niyang buhok. Hanggang balikat niya iyon na lalo pang dumagdag sa kanyang kaakit-akit na ganda. She is wearing a red blouse and everyone could take a peek at her cleavage. Ilang beses nga akong napapalunok sa tuwing mapapasulyap ako roon sa bandang dibdib niya. Tila siya isang modelo ngayon na handa nang rumampsa sa entablado. Ngunit ang hindi alam ng mga taong kanina pa pasulyap-sulyap sa kanya na isa siyang magaling na assassin; na kaya niyang patayin ang kahit na sino gamit lamang ang kanyang mga daliri; na napakagaling niya sa pakikipaglaban; na kaya niyang humarap sa sino mang kalaban.
Bukod sa maganda ay matalino rin siya. Maraming members ng Phoenix ang naaakit sa kanya. Hindi ko sila masisisi. Ako man ay may lihim na pagtingin sa kanya. Ngunit walang makaporma sa kanya dahil may pagkapormal siya. Hindi siya palakaibigan at hindi malapit sa mga miyembro ng organisasyon. Ni hindi nga siya ngumingiti. Siya kasi ang leader ng chapter na kinabibilangan ko. Marahil ay isa iyon sa mga techniques niya upang hindi maging at ease ang lahat sa kanya at upang may takot at paggalang pa rin ang lahat sa kanya.
Nakita kong kinuha niya ang kanyang cellphone sa dala niyang mamahaling hand bag at tila may hinahanap na numero. Napangiti ako sa aking sarili. Kahit kasi nakasiamangot si Amanda ay napakaganda pa rin niya sa aking mga mata..
Makalipas ang ilang segundo ay narinig ko na ang kanyang malamyos na tinig.
"Where is she?" tanong niya kaagad sa sumagot ng kanyang tawag.
Mas lalong kumunot ang kanyang noo habang pinakikinggan ang nagsasalita sa kabilang liniya.
"Kapag wala pa siya rito after 15 minutes, then I'm out of here."
Hindi niya na binigyan ng pagkakataon ang kausap niya. Agad niya nang pinatay ang tawag at padabog na isinuksok na lang ito bigla sa dala niyang bag.
"Mandy, relax."
Tinapik siya sa balikat ng best friend niya na si Julie. Napatitig siya rito at pagkatapos ay malakas siyang bumuntong-hininga.
"How can I relax if the program is about to start, Juls!"
Halatang-halata na talaga ang inis sa boses niya nang sagutin niya ang kaibigan. Napailing na lang ako dahil maging ako ay nakadarama na rin ng inip.
Andito kami sa Trey Academy ngayon para um-attend ng graduation program ng bunsong kapatid niya dahil busy ang mga magulang nila sa business nila. Since wala pa kaming assignments at pagkakataon na rin namin ito na makalabas sa building ng aming organisasyon ay sinamahan namin siya. Kaming grupo kasi ang palaging magkakasama sa assignments kaya kung nasaan ang isa ay naroon din ang iba pa.
Mayaman ang pamilya nina Mandy according from what I've heard. She doesn't have to work in the organization to have ten or more digits on her bank account pero may prinsipyo siya. Gusto rin daw niya ng action at adventure sa kakaibang paraan. At luckily, naibibigay ng Phoenix ang pangarap niyang iyon. She worked hard for years upang marating niya ang posisyon niya ngayon sa organization. Naging saksi kaming mga itinuturing niyang mga kaibigan sa lahat ng paghihirap niya kaya naman mataas ang respeto namin sa kanya. Being woth her and knowing ow she is skilled at everything made me fall for her. Iyon nga lang, kahit na isa ako sa pinakamagaling sa aming organisasyon, ay tila naduwag akong umamin sa kanya. Lumalabas din talaga ang pagiging half-Pinoy ko. Lumalabas ang pagiging torpe ko pagdating kay Amanda.
Muli kong inilibot ang aking paningin sa malawak na parking area ng academy. Wala pa rin ang kapatid ni Amanda. Base sa mga kwento niya kaninang papunta kami rito, masiyado raw spoiled at pasaway ang kanyang kapatid. Wala na raw itong ibang ginawa kundi ang bigyan ng sakit ng ulo ang mga magulang nila. Sixteen lamang ito kaya nagtaka si Amanda nang malamang gra-graduate ito nang maaga dahil sa pagkakakilala raw nito sa kapatid, wala itong ginagawang matino sa tanang buhay nito. Nagbigay na lamang ito ng haka-haka na siguro'y gusto lamang ng pamunuan ng paaralan na umalis na ito ng academy upang mabawasan ang mga sakit sa ulong estudyante.
Nang muli akong mapasulyap kina Amanda ay nakangiti na ito dahil binibiro siya ni Marc, isa rin sa grupo namin. Napapasunod ang mga mata ko sa bawat buka ng kanyang bibig sa pagtawa nang bigla akong makarinig ng komusyon. Napaharap ako at nakita ang isang humaharurot na pulang kotse papunta sa kinatatayuan nina Amanda. Papuputukan ko na sana ito nang maalala kong nasa loob ng van ang aking baril. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kinatatayuan nila upang iligtas sila. Itutulak ko na lamang sana sila nang biglang magpreno ang kotse sa aming harapan ilang pulgada na lang ang layo nito sa paanan namin. Pare-pareho kaming napatanga dala ng shock. Nanggagalaiti kaming lahat nang biglang bumakas ang pinto ng kotse at lumabas ang driver ng sasakyan ngunit napatanga ako sa taong nasilayan ng aking mga mata. Nakita ko ang isang maliit na babae with wild curls wearing a white midriff blouse and short shorts. Naka-sandals lamang siya.
Nabingi ako nang marinig ko ang pangalang isinigaw ni Amanda.
"CASEY!"
Napalingon rinang lahat ng dumaraan sa lakas ng boses ni Amanda.
"You b***h! You scared the hell out of me!" hinigit ni Amanda ang kuwelyo ng blouse ng batang babae na sa tingin ko ay kinse anyos lamang.
Tumawa lamang ito nang nakakaloko at isa-isang pinadaan ang mga mata sa amin. Ngunit napansin kong nagtagal ang tingin niya sa akin bago nito muling ibinalik ang may kasingkitang mga mata kay Amanda.
"So you finally admitted that I can scare you, huh, Mandy?" nang-uuyam nitong sagot sa kapatid bago nito tinabig ang mga kamay ni Amanda at inayos ang kwelyo ng damit nito.
Muli niya akong nilingon at saka siya ngumisi sa akin na ikinadikit ng mga kilay ko.
"Have you forgotten that this is your graduation day? And why are you wearing that stupid outfit as if you are just going to the mall?" madiin ang bigkas ni Amanda sa bawat salita niya dala ng galit at inis na nadarama nito sa kapatid.
Hindi ko siya masisisi. Bukod sa tinakot kami ng kapatid niya at sa pagbabalewala nito sa galit ni Amanda ay tila wala rin itong pakialam sa graduation nito.
Ibinaling ni Casey ang kanyang paningin pabalik sa kapatid. Hindi pa rin nawawala ang ngisi nitong tila nangungutya.
"Its just my graduation, Mandy. Why fuss over it?"
Mahinahon man ang boses nito nang bitawan ang mga salitang iyon ngunit dama ko na tila may itinatago itong mensahe na ang kapatid lang nito ang makakaintindi.
Hindi ko maintindihan kung bakit pinagdiinan nito ang salitang 'my'. Hindi ko maiwasang isipin na may issue silang magkapatid. Hindi ko napigilang pagkumparahin silang dalawa habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Casey is the exact opposite of Amanda. Kulot ang buhok nito na may pagka-brown. Alam kong natural ang kulay nito. May pagka-tan ang kanyang balat kumapara kay Amanda na mala-porselana ang kutis ng balat. Matapang ang singkit na mga mata na tila kayang hilahin paalis sa katawan mo ang iyong kaluluwa. She has upturned nose na hindi katangusan. At higit sa lahat, kapansin-pansin ang kanyang labi na tila ba galing sa pakikipaghalikan. Maliit lamang ito. Siguro'y nasa 5'3 lang ang height. Kunsabagay, sabi ko nga kanina ay nasa 16 lamang ang batang babae. Marami pa siyang oras para tumangkad sa pagdaanan ng mga taon sa kanyang buhay.
"Whatever, Casey. Mom asked me to be here kaya aattend ako ng graduation mo. Talaga bang magmamartsa ka? Sixteen ka pa lang kaya bakit gra-graduate ka na? And where is your damned programme, anyway? Tingin ko isa na naman ito sa mga tricks mo para mang-istorbo."
Mandy crossed her arms. Marahil sa inis na rin ay hindi na niya isinaalang-alang na narito kami para iparating sa kapatid ang pagdududa niya rito. Ngunit sa mga sandaling iyon ay nagugulat ako sa ugaling ipinapakita ni Amanda sa nakababatang kapatid. Tila bukod sa galit nito kanina sa ginawa ni Casey ay may iba pa itong pinaghuhugutan ng galit nito.
Ngunit tila balewala naman ito sa punagsasabihan nito. Tumawa nang malakas si Casey na nagpababa sa mga braso ni Amanda. Nakita kong unti-unti na siyang nagngingitngit sa pagtawa ng kapatid at ilang sandali na lang ay tuluyan na itong magpapakawala ng galit kaya naghanda ako para mamagitan sa anumang mangyayaring gulo sa pagitan nilang dalawa.
"I'm sorry to disappoint you sis, pero talagang gra-graduate ako ngayon whether you like it or not. Wala man kayo, sinisigurado kong magtatapos ako ng high school sa araw na ito."
Casey was very confident in her words that made me admire her bravery ngunit hindi nakawala sa paningin ko ang bahagyang paglambong ng mga mata niya na kaagad niyang itinago sa pamamagitan ng pag-iwas ng tingin sa amin.
Bago pa humaba ang bangayan ng magkapatid ay hinila na ni Julie si Amanda papasok ng academy. Nagkibit-balikat na lamang si Casey at sumunod sa mga ito. Nagkatinginan na lamang kami ni Marc at naglakad na rin papasok pasunod sa kanilang tatlo.
Nang makarating kami sa loob ng maluwang na bulwagan kung saan gaganapin ang graduation ng mahigit tatlong daang mag-aaral ay nag-uumpisa na ang programa. Dumiretso na si Casey sa upuan ng mga graduates. Nakasunod ang mga mata ko sa kanya kaya nakita kong may nag-abot sa kanya ng toga na kaagad niyang isinuot. Naupo naman kami sa lugar kung saan nakapuwesto ang mga parents at bisita ng mga graduates.
Tinawag ang class salutatorian para magbigay ng speech. Nagkaingay ang mga manunuod dahil sa mga bulung-bulungan. Nagkatinginan kaming magkakasama dahil class valedictorian ang usually na nagbibigay ng graduation speech sa programang ganito. Nagkaroon din ng usap-usapan ang mga parents at hindi namin maiwasang makinig dala ng sarili naming curiousity. At narinig namin ang dahilan kung bakit ang salutatorian ang magbibigay ng speech mula sa nagtsitsismisang mga magulang mula sa aming likuran.
And damn, we heard the lamest excuse in our entire life.
Ayaw raw mag-speech ng Class Valedictorian dahil . . .
TINATAMAD ITO.