Three

1549 Words
'BORACAY' "Where are you?" Kanina pa tawag ng tawag si Griffin kay Pyre, naiirita na nga sya sa kakulitan nito. Wala naman sa plano nyang puntahan at tulungan ito sa problema daw nito sa Ex. Kaya lang narinig nyang pupunta din ng Boracay ang kapitbahay nya, kaya ayun sumugod din sya pa Boracay. "Malapit na sa hotel." "Oh God, thanks! I thought your not coming!" "May bayad to ha! Di ito libre." "Yeah, yeah.. Whatever! see you, bye." Huminto sa paglalakad ang dalawang babae na sinusundan nya , kaya napahinto din sya at nagkunwaring may kinukuha sa knapsack nya. Ang totoo malayo pa sya sa hotel kung saan naka book si Griffin. Nalihis sya ng daan kakasunod sa kapitbahay nyang puro reklamo sa kasama nito na naiinis na rin. "Bff, anu na? san ba talaga tayo pupunta? kapagod maglakad ha! gutom na rin ako!." Naririnig nyang desperadong boses ni Daphne, sinilip nya ito mula sa pinagkukublihang halaman. Ikinainis nya ng makitang marami ng pantal ang legs nito at panay na rin ang kamot nito sa nagsusugat na balat. Kung bakit naman kasi ang hilig hilig nitong magsuot ng maiiksing damit. Takaw pansin tuloy sa mga lalake. "Eh Bff, naligaw yata tayo." "Naku naman! Nangangati nako eh! Tawagan mo na kasi yung boylet mo! Naiinis na panay hampas ni Daphne sa binti nya, minsan sa braso. Napatingin tuloy sa kanya si Ivy, namilog ang mga mata nito ng makitang dumudugo ng mga kinamot ni Daphne, palibhasa mahahaba kasing mga kuku nito. "Bff, tigilan mo na nga yang pagkakamot mo! Tingnan mo dumudugo ng mga sugat mo." "Nangangati kasi ako at nanlalagkit, kaya bilisan mo na please! di'ko na kaya talagaaaa Bff." "Yan kasi, dika nakikinig sakin, sinabi ko na kasi sa'yong mag pants at long sleeve ka, kasi malayong byahe, saka maalikabok, sobrang sensitive pa naman ng balat mo. Hmp, tigas ng ulo mo may allergy ka pa naman." Si Pyre na nakikinig lang sa usapan ng dalawa ay naaawa sa sitwasyon ng dalaga. Ilang minuto pang lumipas bago may humintong sasakyan sa harapan ng dalawa. May bumabang lalake at tiinulungan si Ivy na isakay sa sasakyan si Daphne. Kaagad nyang kinuhanan ng picture ang plate number ng kotse. "Bff, ok ka lang ba? kaya mo pa ba? Sorry ha! Sana hindi na lang kita isinama.!" Nag aalalang sabi ni Ivy, habang binubuhat ang bag ni Daphne. "Ok lang ako Bff, para bang matitiis kong hayaan kang mag isa na pumunta dito. Hay, salamat dumating din yang jowa mo, pero antagal ha!" "At least, dumating diba!" "Oo na! tara na bff gutom na'ko." "Let's go girls, hop in!" Nakamasid lang si Pyre habang papalayo ng sasakyan ng mga ito. 'Hay, para naman akong tangang sunod ng sunod sa mga mahaderang yun. Makapunta na nga kay Griffin, at baka lunod ng isang yun sa alak tsk.' Nakasimangot na si Griffin pagdating nya sa hotel kung saan ito naka book. "What took you so long?" "Naligaw ako eh! sensya na! Hays gutom na'ko. Pagkalapag nya pa lang sa bag na dala hinila na agad sya ng kaibigan palabas ng silid, sa isang restobar sila bumagsak. "Hmm mukhang masarap dito ah! Bro, eat all you can ba'to?' "Yeah!" "Yes!" Napasuntok pa sya sa hangin. Napansin nyang parang di mapakali si Griffin. Nagmatyag lang sya habang omo order ng pagkain. Habang naghihintay nagtanong na sya sa kaibigan. Unang tingin halatang problemado talaga ito. "So, anong agenda natin dito? anong maitutulong ko sa'yo?." "Pyre, she's here." "Sino? "My Ex, Kissy Gornican" "Huh! Ex mo si Kissy, yung sikat na international model? Weeh! di ako naniniwala." "It's true." "Eh diba friends sila ni Hydra? isa lang ibig sabihin nun Bro. Demonyita rin ang babaeng yan." Napaismid pa sya ng maalala ang hirap at kahihiyang dinanas ni Keros mula kay Hydra. At ngayon heto na naman ang isa pa nyang kaibigan na dadanas ng impyerno sa kamay ng Kissy na yun. "Maybe, sometimes she's a b***h but she's the most amazing woman I've ever had in my life." "Sometimes pwe! Most of the time kamu, pagtatakpan mo pa eh!." "Bro, I love her so much!, and I want her back!" "Bahala ka! Kung gusto mong maging marter bahala ka! Nakakairita kayo ni Keros pareho lang kayong baliw tsk tsk." Sakto namang dumating ng order nila kaya pareho na silang kumain ng tahimik. Maya maya narinig nyang nag beep ang celpon ni Griffin. Agad naman nitong kinuha sa bulsa ng pantalon nito saka tiningnan yun. "Ano yun?" "Alert navigator." "Ha?" Pinakita nito ang celpon kay Pyre. tinuro nito ang pulang dot na nagbi blink. "This is Kissy, she's moving now! Fuck." "Ha! panu mo nagawa yan?" "Simple, she's still wearing the necklace with a tracker that I gave her before." "Nilagyan mo ng tracking device ang binigay mong necklace sa kanya?" "Yap! I'm genius right?" Namamanghang napabaling ang tingin nya kay Griffin na nakangisi. Napailing na lang sya sa ka weirdohan ng kaibigan. "Anyway, I have to go, just finish your food and relax for awhile. See you later Pyre." Natatawang ipinagpatuloy na lang ni Pyre ang pagkain. Nagtagal pa sya ng mga kalating oras bago nagpasyang hanapin si Griffin. Kung saan saan sya napasuot bago natagpuan ang kaibigan na may kausap na babae. ' Teka! si Kissy ba yun?" Lumapit pa sya ng kunti para makompirma kung si Kissy ngang kausap ng kaibigan. "Wow hanep! sya ngang ex ni Griffin kung ganun." Hindi nya ugaling makinig sa usapan ng iba lalo na kapag personal at seryoso ng usapan. Pero natulos sya sa pagkakatayo ng biglang tumaas ang boses ni Kissy. Napalingon sya sa dalawa at dun nya nakitang umiiyak na si Kissy habang pinupunasan naman ng daliri ni Griffin ang pisngi ng dalaga. Akala nya nagkaayos ng dalawa pero nakita nyang pag atras ni Kissy, at bago nito tinalikuran si Griffin may sinabi pa ito. "Not every disrespect can be forgotten, not every mistake can be ignored and not every damage can be recovered." Kahit sya nakaramdam ng sakit sa mga salitang binigkas ni Kissy bago ito naglakad palayo kay Griffin. Nakita nyang natulala ang kaibigan kaya nilapitan na nya ito para damayan. "Bro, dito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. O, ano na, nagkita na ba kayo ng Ex mo?" Tumango at ngumiti si Griffin sa kanya, bago sinapo ang sariling buhok at sinabunutan ng mahigpit. "Ahhhhhhhhhhhh.." Sigaw nito para siguro maibsan ang sakit na nararamdaman. Tahimik lang si Pyre, hinayaan nya lang ang kaibigan hanggang sa kumalma ito, maya maya naramdaman nyang pagtapik nito sa balikat nya. "Let's go! I need alcohol to ease the pain and burden that I'm feeling right now." "Oh Yeah! Let's get wasted tonight." Magkaakbay pang naglakad patungo sa unang bar na nadaanan nila, konti lang ang tao kaya nakahanap agad sila ng magandang pwesto, yung malapit sa dagat at nakikita ang mga taong nag eenjoy sa dagat. "Bro, alalay lang ang inom ha! At bukas babalik na tayo sa Maynila, may misyon tayo sa makalawa wag mo kakalimutan." Paalala nya sa kaibigan na panay ang lagok sa bote ng alak na hawak nito. ""f**k!, Why is it so much to ask for someones love? But so easy to earn someone’s hate? Why is it that we lose sleep and beat ourselves up for the love of someone we think we deserve it from.." Hinayaan nya lang maglabas ng sama ng loob si Griffin. Nakikinig lang sya dito hindi sya nag komento ng kahit na ano. Ng makita nyang pumatak ang luha sa mga mata ni Griffin, inabot nya ito at tinapik tapik sa balikat. "Bro, the best things in life are worth waiting for, fighting for, believing in, and just never letting go of, just wait for the right time, give your Ex a time to heal, maybe until now she's still in pain, anyway moving on is a long process. I know that you were hurt badly, and those scars will be with you forever. I feel sorry for you, I really do. But think of it like this: it’s not too late to recover. You’re young, you’re tough. You’re adaptable. You can patch up your wounds, lift up your head and move on too! Learn from the past, prepare for the future, and perform in the moment." Napailing iling na lang si Pyre, ang galing galing nyang mag advice pero sarili nyang suliranin hindi nya maayos ayos. Tahimik lang si Griffin, tuloy lang ang pag iyak nito habang lumalaklak ng alak. Naiintindihan nyang pinagdadaanan nito ngayon kasi napagdaanan nya na rin ito nung mawala ng sabay ang fiance nyang ipinag bubuntis ang sana unang baby nila. Napabaling ang tingin nya kay Griffin ng biglang magsalita ito. "You know what Bro, the most painful thing is losing yourself in the process of loving someone too much, and forgetting that you are special too. " "Yeah! your absolutely right bro, so let's drink to that, cheerssss..." "Hell, Yeah! Cheersss.." Minsan pala nakakagaan ng loob ang may makausap ka, yung may karamay ka, yung alam mong hindi ka nag iisa.. Masarap sa pakiramdam kapag mayroon kang kaibigan na masasandalan. Naisip nyang maswerte sya kasi may mga kaibigan syang maaasahan at hindi nang iiwan sa kahit na anumang laban. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD