Two

1661 Words
"Bff, time out muna! Hahh.. Hahh,. pagod na'kooo!" Napahiga si Ivy sa bermuda grass na hinihingal at pawis na pawis. "Anong pagod, ha? kauumpisa pa lang natin pagod kana agad? Hala! bumangon ka dyan, pag dika tumayo sisipain kita dyan." "Pero bff naman, kahit isang minuto lang pagpahingahin mo naman ako plis!" Naiinis na pinatay ni Daphne ang ipad nya. Ganado pa naman syang mag exercise ngayon. "Bff, may work ka ba sa wednesday?" Inabot nyang tuwalya at nagpunas ng pawis. "Bakit?" "Basta! sagutin mo na lang ang tanong ko kasi, dali na!" 'Ano na naman kayang binabalak ng talandeng to?' "Wala! Bakit, may lakad ka?" "Punta tayong Boracay!" Napaismid sya, siguradong may bago na naman itong kinalolokohan kaya stalker lady na naman ang papel nila. "Kung libre, abay go ako. Pero kapag hindi, mag isa kang mag bora hitad. Hmp kung diko pa alam style mo bulok bff." Napangisi si Ivy saka tumayo mula sa pagkakahiga sa bermuda, namewang pa ito sa harap nya saka gumiling giling na ikinatawa nya. "Syempre akong taya bff, O! halika na, exercise na ulit tayo." "Wala na kayo ni George?" "Hmp wag mo ng banggitin ulit ang hudas na yun sakin! naiinis lang ako." "Hahaha, la pang isang buwan, hiwalay na! At sure ako may bago kana, kaya tayo mag bo boracay diba? "Mismo! kaya kaylangan paghandaan ang susunod na kabanata at siguradong bakbakan to the max ang susunod na eksina yeah yeah yeah." Ini on nitong ipad. ♪ ♪ This is my fight song Take back my life song Prove I'm alright song My power's turned on Starting right now I'll be strong I'll play my fight song And I don't really care if nobody else believes 'Cause I've still got a lot of fight left in me.♪ ♪ "Ano ba yang music mo bff, ampangit palitan mo ng dancing queen ginaganahan akong gumiling eh! " "Ganda kaya ng fight song, parang sinasabi ng kanta na.. fight fight fight Ivy, maaabot mo rin ang santol hahaha." "Hahaha, talande ka talaga." Natatawa nyang tiningnan si Ivy na sumasayaw ng fight song. Ang harot eh nag iisplit pang bruha. Pinalitan nyang tugtog ng dancing queen, saka tinapatan ang sayaw ni Ivy. ♪ ♪ You are the dancing queen Young and sweet Only seventeen Dancing queen Feel the beat from the tambourine, oh yeah You can dance You can jive Having the time of your life Ooh, see that girl Watch that scene Digging the dancing queen♪ ♪ "Wooh, dancing queen, ohhh yeaah." Pakanta kanta pa sya habang gumigiling at minsan tinataas taas pang isang paa. Wala syang pakialam kung lumabas man ang di dapat makita , basta masaya lang silang nagsasayaw ni Ivy sa hardin ng bahay nya. ⚔⚔ Nagising si Pyre dahil sa ingay na nanggaling sa labas ng balkonahe nya. dinampot nyang unan at itinakip sa mukha nya , madaling araw na syang nakauwi galing sa kasal ni Keros at Hydra. Ang baliw na yun sinwerte din sa wakas. "Fuck..!" Naiinis na bumangon sa kama si Pyre at tinungo ang balkonahe. Tumingin sya sa baba at dun nakita nyang mahaderang kapitbahay na pabuka bukaka. "Tangnaaa! ke aga aga namang mambulahaw ng mga ito." Sinulyapan nyang oras sa wall clock na nakakabit sa dingding, taas ng lampshade nya. 'Grabe! 5:40am pa langgg.. nagbibilad na ng katawan ang dalawang ito. At ang suot, tangnaaa.. pekpek shorts na kita ng singit at anuba naman yan s**t! naka b*a lanngg.' Lalong napamura si Pyre ng unti unting nabuhay ang alaga nya. Lalo na ng biglang gumiling at lumiyad si Daphne. Booommm. Labas ang kalahati ng dibdib nito. Sinapo ni Pyre ang alaga sabay pasok at takbo patungong banyo. Kahit malamig pang tubig naligo na sya para mahimasmasan. ⚔⚔ Habang ang dalawa naman walang kamalay malay na nabusohan na sila ng kanilang kapitbahay. "Bff, kayo na ba ni Zeke?" Tanong ni Ivy na nagpupunas ng pawis at inilalagay na isa isa ang mga gamit sa bag nito. "Hindi! bakit mo natanong, crush mo sya?" Panunukso nya sa kaibigang naghuhubad na ngayon ng shorts nito. "Ngeee, napakalibog ng lalakeng yun, baka isang lingo lang tuyot at laspag ng beauty ko!" "Hoy! Teka lang bff, wag kang mag burles dito sa labas at baka makita ka ng kapitbahay ko! Nakuuu maiskandalo yun." Napatingala pa si Daphne para tingnan kung gising ng kapitbahay. "Hala! bukas ng ilaw nya, ibig sabihin gising na sya bff." "So?" Natatarantang hinablot nyang towel na nakasampay sa sandalan ng upuan saka hinagis kay Ivy na ngayon ay inaabot ng hook ng b*a nito. "Bff, naman! mapapalayas ako ng brgy. sa ginagawa mong yan eh!" "At bakit naman ha! Diba bakla naman yang kapitbahay mo? Yan ang chika mo sakin diba? kaya di kami talo kasi pareho lang kami ng pinag nanasaan bff., araaayyy" Nahila nya bigla sa buhok ang kaibigan dahil sa kadaldalan nito. "Bunganga mo naman.. nakakainis ka naman eh!" Nagpapadyak pa syang lalong nilapitan si Ivy at sinabunutan. "Arayyy, hoy Daphne! kapapa reband ko lang ng buhok ko ha! Sinisira mo na kaagad!" Panay ang ilag ni Ivy hanggang sa tumagal na ay nagtatatakbo na ito habang hinahabol ni Daphne. "Reband pala ha! kakalbuhin na kitang bruha kaaa." At yun ang sunod na natanawan ni Pyre ng matapos maligo at makapag timpla ng kape, napag pasyahan nyang tumambay sa balkonahe nya. "Tsk... Para talagang bata kung umasta ang babaeng ito." Umupo sya at inilapag ang tasa ng kape sa mesa saka hinugot sa bulsa ng short ang celpon nito. Napabuntong hininga na lang sya ng makitang may tatlong email syang natanggap. Isa galing kay Keros na naka honeymoon leave. Isa galing kay Griffin at ang huling email galing sa Hainsha. "Yow! Pyre, could you come here in Bora this coming Wednesday and help me court my woman please! If you can, open the attachment to see all the information. Thanks Bro, I'll wait you here!" Binuksan nyang attachment, napakunot ang noo nya ng mabasa kung nasaan ngayon si Griffin. "Boracay! Goodness! ibig sabihin mula sa kasal ni Keros kahapon dumeretso na sya sa Boracay? Tsk! baliw na talaga ang singkit na'to." Sunod nyang binuksan na email yung galing Hainsha, akala nya bagong misyon pero hindi dahil isang letter of recognition lang ito. Ang huli ay ang kay Keros. Isang picture yun na kuha sa beach, nakahiga ang baliw sa buhangin at si Hydra naman ay nakahiga sa ibabaw nito, nakatingin ang dalawa sa papalubog na araw. Binasa nyang caption ng picture na nakasulat sa ibabang bahagi ng picture. 'Find arms that will hold you at your weakest, Eyes that will see you at your ugliest, and a heart that will love you at your worst, then you have found TRUE LOVE, like me.' Goodluck! Bro, Keros Napangiti sya sa kakornehan ng kaibigan. Naging ganito lang ito ng makilala si Hydra. At bumilib sya sa dedekasyon nito mapa ibig lang ang matayog pa sa Eiffel Tower ng Paris na babaeng yun. Isa sya sa naging piping saksi sa rollercoaster na pag iibigan ng dalawa, at ikinasaya nya ng mauwi sa kasalan ang dalawa. 'Ako kaya? mararanasan ko pa kaya ang ganung kaligayahan? gayung wala na sa piling ko ang mag ina kong pinangarap na makasama habang buhay?' Napatingala sya sa kalangitan na nag uumpisa ng lumiwanag. Pero agad ding napabaling sa baba ang tingin nya ng marinig ang boses ng mahadirang kapitbahay. "Bff, daanan moko dito maya ha! Hiindi ako masusundo ni Mang Danny eh! Sira ang shuttle bus kaya wala kaming service pa office." "Oo na! paulit ulit? Kasi naman bakit hindi mo pa pirmahan yung pakotse ng kompanya nyu, para may sarili kang sasakyan." Nakasimangot na palabas ng gate si Ivy. "Yoko! may hinihinging kapalit si Boss eh! saka andyan ka naman, alam kong hindi moko matitiis." "Hmp ewan ko sayo! ginagawa mo lang akong driver mo, lam mo, kung nagkataon na ako ang nagustuhan ng boss mo, naku game ako! Madatung eh!" "Heh! tumigil kana nga dyan, napakaharot mo." "At sya hindi! Hahaha, kunwari kapa, eh pailalim ka kung tumira beh!" "Bunganga mo! Baka may makarinig satin." Pinandilatan nya ng mga mata ang kaibigan. Na ngayon ay pasakay na sa kotse nito. "Sus, sino naman? yung bakla mo lang namang kapitbahay ang makakarinig eh! kaya ayos lang yun, di naman talo yun hahaha." Napakunot ang noo ni Pyre sa narinig, 'Baklang kapitbahay? Sino yun? Eh ako lang naman ang kapitbahay ng babaeng yun.' "Gaga ka! Umalis kana nga, kainis ka panira ng umaga." "Hoy Daphne, palitan mo na yang Dream Boy mo, kasi hindi kayo talo, baka mamya nyan maging mahigpit mo pang karibal yan sa jowa muh haha!" "Lumayas kana nga! kainis ka, sana pala diko na lang sinabi sayo mga secrets ko!" "Hahaha, mababawi mo pa ba? eh nasabi mo na nga sakin lahat lahat,. Nakakaloka ka bff, sige alis nako bye." Nahila pa nyang buhok nito dahil sa inis. "Bff, pag di mo'ko sinundo dito mamaya, di kita sasamahan sa Bora, mag isa kang pumunta dun bruhaaaa!." Habol nyang sigaw sa kaibigan, na humahalakhak habang humaharorot ang sasakyan nito palayo. Nagmarcha sya papasok ng gate nila at isinara iyun. At dahil nagdadabog napalakas ang pagkakasara nya ng gate na lumikha ng malakas na ingay. Sa naisip na baka na istorbo na naman nyang kapitbahay agad syang napatingala sa terrace nito, na nakaharap naman sa bahay nya. Natulala sya ng makitang naka upo at nagkakape ang kapitbahay nya dun. "Hala! Hi neighbor," feeling close lang. Kumaway pa sya kay Pyre na magkasalubong na naman ang makakapal na kilay. Patay malisya pa nyang nginitian ito. Pero kahit anong pagpapa cute nya dito hindi man lang nagbago ang reaksyon ng mukha nito. Ganun pa rin gaya pa rin ng dati nakatingin lang ito sa kanya. "Sorry!" Nakalabi pang sabi nya dito saka kumaripas ng takbo papasok ng bahay nya. Hindi nya tuloy nakita ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Pyre, na kahit minsan, hindi pa nya nakikitang ngumiti ito. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD