One

3307 Words
"Ahhhhhhhhh... Hahh..." Humahangos na napabangon si Pyre, pawis na pawis at nanginginig. Binangongot na naman sya. Bakit ba kahit sampung taon ng nakakaraan hindi pa rin nya makalimutan ang nangyaring iyun? Dahil ba sa hanggang ngayon hindi pa nya nakakamit ang hustisya sa pagkamatay ng sana mag ina nya? "f**k!" sinapo nyang ulo ng biglang kumirot ito. 'Hindi na talaga ako iinom.' Laging sinasabi nya, pero hindi naman natutupad. Tumayo sya sa kama, kinuha ang isang kaha ng sigarilyo at lighter na nakapatong sa bedside table, saka naglakad papuntang terrace, umupo sa paborito nyang upuan saka nagsindi ng sigarilyo. Nakatingala na naman sya sa langit, nakatingin sa mga bituin at kapag may makita syang falling star, pipikit sya kaagad at magwi wish. Sinong mag aakala na sa edad nyang 27 naniniwala at nagwi wish pa rin sya kapag may falling star? Dati hindi sya mapaniwalain sa mga kasabihan, pero ng makilala nya si Franz, maraming nagbago sa kanya. Naging masaya at naging makulay ang buhay nya. "Franz... kumusta na kayo ni baby dyan? Miss na miss na kita alam mo ba yun?" Namasa kaagad ang mga mata nya ng maalala ang fiance nya. Hinanap ng mga mata nya ang pinaka maningning na bituin sa langit , napangiti sya ng makita iyon at may katabi pang isang maliit na bituin. "Franz, dyan lang kayo ni baby ha! dyan lang kayo lagi pumwesto para makita ko kayo kaagad." Pinatay nyang sigarilyo saka huminga ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili, pinahid nyang ilang butil ng luha na pumatak sa pisngi nya saka tinapiktapik ang dibdib ng mahirapang huminga. "Pasensya na baby, kung hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nyu, pinapangako ko, hindi ako titigil hanggat hindi ko napagbayad ang gumawa nito sa inyo!" Nagtatagis ang ngipin nya sa galit, nanginginig ang kamao nya sa sobrang emosyon na nararamdaman nya ngayon. Naputol ang pag iisip nya ng may marinig na ingay galing sa baba, sa may kalsada. Sumilip sya ng bahagya at nakita ang mahadira nyang kapitbahay. Agad syang napasimangot ng makita ang suot nito na kulang sa tela. "Daphne, bukas ulit ah! agahan mo naman kasi, parati kana lang late! nakakainis kana." "Oo na, ang kulit!" Naiinis na sagot nya kay Ivy, ang kanyang bff, na kahit makulit at mainipin lab na lab nya. "Hoy bruha! nakalimutan mo, oh!" sabay abot sa bag nya. Bumalik naman sya at hinablot ang bag na inaabot ni Ivy sa kanya. "Naku! sinabi ko na kasing konti lang ang inumin mo eh! laklakera ka talaga." "Sssss, ingay mo, baka magising si sungit. Ma turn off na yun pag nakita akong ganito." Saway pa nya, at sabay tingala sa bahay ng dream man nya. Nanlaki ang mga mata nya at napaawang ang labi ng makita ang kapitbahay na nakatingin sa kanila habang salubong ang makakapal nitong kilay. "Sus, Sino naman? yung si Mr. sungit s***h antipatiko mong kapitbahay?" Agad nyang tinakpan ang bibig ni bff. at saka binulungan pa ito. "Bff, nasa terrace sya at nakatingin satin." "Ha!" Agad sanang titingala ang kaibigan pero hinila na nya ito papasok ng gate at kinaladkad papasok ng bahay nya. "A - arayko naman bff, dahan dahan lang naman at naka high heels ako oh!" Reklamo pa nito pero hindi nya pinansin, basta dere deretso lang sya papasok ng bahay nya. ===⚔=== "Grabeng makasira ng katahimikan ang babaeng yun, mag uumaga na nag eeskandalo pa tsk tsk." Naiiling na pumasok sya sa loob ng kwarto nya saka isinara't ini lock ang sliding crystal door ng balkonahe nya. Tinungo nyang kama saka padapang pumwesto sa gitnang bahagi. Ipinikit nya ulit ang mga mata nagbabaka sakaling makatulog ulit para maipahinga naman ang utak nya. Pagod na pagod na kasi syang mag isip, kaya dadaanin na lang nya sa pagtulog. Ng biglang tumunog ang celpon nya, agad nya itong inabot at tiningnan kong sinong tumatawag sa kanya ng ganitong oras. Ng makitang si Keros kaagad nyang sinagot ang tawag nito. " Boss K! napatawag ka? "Pyre, alam ko na kung san nagtatago ang matagal mo ng hinahanap." "Talaga! Saan? Anong address?" "Punta kang Headquarters, kita tayo dun! Bye." Pinatay nyang tawag saka dali daling bumangon at nagtungo sa banyo at naligo. Napapiksi't nanginig sya ng pagbukas nya ng shower ang lamig ng tubig na parang nagyeyelo. "Woooohhh.. s**t, nakalimutan kong ipaayos ang heater, kainis." Patalon talon sya habang naliligo, wala pang 5 minutes tapos na sya. Pagkalabas nya ng shower at tumapat sa salamin, natawa sya dahil ang putla ng kanyang hitsura. Napapailing na agad syang nagbihis at dali daling lumabas ng bahay. "Hmmm.. Kotse o motor?" tanong nya sa sarili. Bumaling sya sa gate at binuksan ito, saka bumalik sa garahe at sumakay sa kanyang motor, pinaandar ito palabas ng gate bago ipinarada muna, bumaba at isinara ang gate. Napa ismid si Pyre ng masulyapan sa bintana ang kapitbahay na sumisilip. 'Tssssk chismosa talaga!' Bubulong bulong syang umalis. ===⚔=== "Anuna Daphne, umalis na ba si sungit?" Ani Ivy. "Oo, halika na sa labas hatid na kita." "Wag na! ako na lang, basta mamya ha! Wag ka ng malelate utang na loob!" "Hahaha Oo sige, magpapa alarm nako, para magising agad." Nakangisi pa nyang sabi, habang ang kaibigan naman ay nakasimagot. Lumabas na ito ng bahay at hatid tanaw nya hanggang gate. "Hoy, Ivy! Yung gate pakisara na lang! Thanks." Isinara naman nito at kumaway pa sa kanya bago sumakay sa kotse nito, sinara naman nyang pinto saka dumeretso na paakyat ng kwarto para maligo at ng makapagpahinga na rin sya. Mamaya party party na naman sila sa BOYZONE at birthday ni Zeke. Buhay na buhay na naman ang kanyang gabi, ito ang masarap na buhay kapag malaya ka, walang hassle walang problema! 'Hay sarap ng lyf koooo!" Nilundag nyang kama saka pahilatang nahiga dun. Saka hinagilap sa bedside table ang remote control ng mini stereo nya at ini on. Agad narinig nyang kanta ng Westlife yung "Flying without wings", isa sa mga favorite songs nya. Nakikinig lang sya hanggang sa antukin at makatulog ng mahimbing. ===⚔=== Papasok na si Pyre ng Hainsha, agad nyang nakita si Keros na may bitbit ng dalawang Starbucks coffee. "Boss K." Kuha nya sa pansin nito, kumaway pa sya bago nilapitan at tinapik sa balikat ang boss na kaibigan nya. "O!" Tumango lang ito, sabay abot ng kape sa kanya. Naglakad na ito patungo sa private office nito, nakasunod naman si Pyre. Agad na nagtanong sya pagkaupo nila. "Ilan sila?" "Lima pa lang ang nahanap ko." "Saan ang hide out?" Huminga ng malalim si Keros saka tinitigan ang kaibigan. "Anong gagawin mo kapag sinabi ko sa'yo ang buong detalye?" Kumuyom ang kamao ni Pyre na nakapatong sa lamesa ni Keros, nagtatagis ang bagang nya sa sobrang galit. "Kill them." "Pyre, ipapaalala ko lang sa'yo ang rules ng organisasyong kinabibilangan mo." "I know loud and clear, Boss K." "Yun naman pala alam mo, eh baki --." "Kailangan pa bang ipaalam sa itaas, kung pwede namang ako lang ang gagawa, at tayong dalawa lang ang may alam?" Nakataas ang sulok ng labi ni Pyre habang matiim na nakatingin ito sa kanya. Alam nya na kapag tungkol sa pamilya nito ang kaso, mag isa nitong nilulutas. Pero ngayon hindi nya ito pababayaang mag iisa, sasamahan nya ito sa laban, para na rin sa ikatatahimik ng kaibigan. "So... K., ano na? Patatagalin paba natin to? Ibigay mo na sakin ng matapos ko na agad ito!" Napatayo si K. at namulsa, naglakad ito patungo sa pinto at binuksan yun. Naguguluhan namang nakatanga lang sa kanya si Pyre. Nilingon nya ito ng mapansing nakaupo pa rin ito at nakatanga lang sa kanya. "Hindi kapa ba tatayo dyan? Anong hinihintay mo imbitasyon? tsk tsk." Nakangiti na itong tumayo at hinabol si Keros na palabas ng headquarters. Naabutan na ni Pyre sa labas na pasakay ito ng kotse. Umikot naman ito sa kabilang bahagi at sumakay sa passenger seat at agad nag seatbelt. "Ibig bang sabihin nito Boss, eh! sasamahan moko?" Agad nyang tanong sa nagmamanehong kaibigan. Napaka seryoso ng mukha nito na nakatutok lang sa daan, tila malalim ang iniisip. Isang kanto pa lang ang nilagpasan nila ng huminto ito sa pagda drive saka bumaba ng walang pasabi. Naguguluhan namang sumunod na bumaba si Pyre at hinabol ang Boss nyang baliw yata, kasi hininto lang basta ang sasakyan nito sa harap ng laundry shop. Nakita nyang naglalakad ito papasok sa isang talyer. Hinabol nya ito ng makapasok na sa loob. "Boss K., sandali!" Sumakay ito sa tented na sasakyan at sumenyas sa kanya na sumakay na rin sya. Kaya nagmamadali syang pumasok ng kotse. "Una, ayoko ng maraming tanong, kaya manahimik kana lang dyan." 'Ganun!' Kahit nagtataka sa kilos ng Boss nya tumahimik at nagmatyag na lang sya sa susunod na mga gagawin nito. Mahaba ang binyahe nila, at ngayon palabas na ng Manila ang tinatahak nilang daan, gustuhin man nyang magtanong sa katabi pinili na lang nyang manahimik, hanggang sa huminto ang sasakyan sa harap ng abandonadong bahay. "O, halika na, bilisan mo na ng matapos na ito!" Inabot sa kanya ang isang earpiece. Kinuha naman nya ito saka nagtanong ng hindi na makatiis. "Teka Boss! Kahit summary lang, bigyan mo naman ako ng konting kaalaman please lang!" "Hay, Pyre, pumurol na ba yang utak mo ha? Diba sabi mo kanina, "Kill them". O, eh! Anupang tinutunganga mo dyan? Tara na!" Nanlalaki ang mga mata nyang tiningnan ang abandonadong bahay. Saka tinuro ito kay Keros na nakataas naman ang kilay sa kanya, pero tumango rin bilang sagot sa tanong nya. Sumilay ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi. "Ibig bang sabihin nito Boss K., tutulungan mo'ko?" Tumango si Keros na may pinipigilang ngiti sa labi. "Tsk.. Alam ko ng ibig sabihin ng ngiting yan, may kapalit itong gagawin mong tulong sakin diba?" "Aba'y syempre naman, wala ng libre sa mundo lahat may bayad." Napailing iling naman si Pyre bago ikinabit sa tenga ang earpiece nito. "Ano?" "Mamaya na natin yan pag usapan kapag nakalabas na tayo ng buhay sa bahay na yan!" Inabot ni Keros ang dalawang katana nya sa backseat ng kotse. "May dala ka bang armas?" Baling nya kay Pyre na ikinakabit sa tenga ang earpiece nito. Itinaas nito ang damit at ipinakita sa kanya ang mga baril sa magkabila nitong bewang. "Ito, tig isa tayo. Ingatan mo yang katana ko at mahal pa yan sa buhay mo!" "Oh yeah! Let's f**k their brains out!" "Yeah!" At nag fist bump ang dalawa. Sabay na lumabas ng kotse at inakyat ang gate na lumang luma na. Walang masyadong ingay na nakapasok ang dalawa sa loob ng bakuran. Nagsenyasan at naghiwalay. Umikot sa likuran si Keros samantalang sa harapan naman ng bahay si Pyre. Sa bintana dumaan si Keros papasok sa loob ng bahay. Ng marating nyang sala nagulat na lang sya ng makita ang tatlong lalaking tadtad ng hiwa ang katawan. "f**k! Hindi man lang ako tinirhan ng matatadtad, sinulo ng lahat eh!" Nakarinig sya ng kaluskos sa likod ng cabinet bandang kaliwa nya. Walang ingay na nilapitan nya yun at sinilip. Nakita nya ang isang may kaidarang lalake na nanginginig sa takot at pilit na isinisiksik ang katawan sa pagitan ng pader at cabinet. Hinila nyang buhok nito at pakaladkad na dinala sa sala at itinulak paupo sa pang isahang sofa. " Tangna! Antagal kitang hinanap dito ka lang pala nagmomonghe. Masyado mong pinahirapan ang kaibigan ko, tadong to huuu." "Maawa na po kayo sakin Sir, pinagsisihan ko na po ang mga nagawa kong kasalanan noon, nagbabagong buhay na po ako ngayon, kaya sana po bigyan nyu naman ako ng pangalawang pagkakataon Sir!" Pagmamakaawa nito kay Keros, na tinungo ang bar para kumuha ng isang boteng alak dun. Ng makita ang cognac, kinuha nito saka binuksan at ininom mula sa bote. Nakita nyang dahan dahan na naglalakad ang lalake papuntang pinto. "Isang hakbang pa, hihiwalay yang ulo mo sa katawan mo, kaya kung ako sa'yo uupo na lang ako ulit at hintayin ang ihahatol sakin, malay mo maawa sayo ang kaibigan ko!" Bumalik naman agad ang lalake at umupo sa inupuan nito kanina. Napangiti na lang si Keros at ipinagpatuloy ang pag inom sa bote ng alak. Nasulyapan nya si Pyre na pababa ng hagdan. "Dito lang hinahanap mo kung saan saan kapa nag susuot, bilisan mo na yan ah! Hintayin na lang kita sa kotse." "Sige, give me five minutes." "Langya, magdadasal kaba at ganun ka katagal! Isang minuto lang ulol, ayokong maghintay ng mataga -" "Uh." Napalingon sya kay Pyre na nakataas pang kamay na may hawak sa samurai nito. "Sabi mo isang minuto lang!" Gumulong sa sahig ang putol na ulo ng lalake, dilat ang mga mata nitong may bakas pa ng takot at luha. Napailing na lang si Keros na naglakad palabas ng bahay. Hindi pa sya masyadong nakakalayo ng maamoy nyang gas at kasunod nun ang pagsiklab ng apoy sa buong bahay. "Tara! Mag bar tayo, libre ko!" Nilampasan sya ni Pyre, habang sinasabi ito. "Hay! Kahit maraming taon ng lumipas, hindi kapa rin nagbabago, "The Great Pretender" kapa rin." Hindi ito sumagot, sa halip ay itinaas lang ang gitnang daliri nito. "Sang bar mo gusto?" Tanong nya kay Pyre na tahimik lang nakaupo sa tabi nya. Nakapikit ito at nakapatong ang braso sa mga mata. Sigurado Drama King ito ngayon. Nagmaneho na lang sya pabalik ng Manila. Tinahak ang daan patungong Boyzone bar. "Ano, ayos kana ba?" Tanong nya sa kaibigan para basagin ang katahimikang namamayani sa loob ng sasakyan. "Hmmm." "Tipid ng sagot ah! Teka nga." Sinilip nyang mukha nito, natatawa nyang tinukso ang kaibigan. "Ahem! Umiiyak ka ba? "Ulol" Biglang umigkas ang kamao nito na agad naman nyang nasalag. "Hahahaa! Tangna! Nagiging malambot kana yata Tol ah!" "f**k! Bilisan mo na lang mag maneho dyan! Your so annoying shit." Pigil nyang mapahalakhak ng makitang namumula ang tenga ng katabi. "f**k, stop laughing moron!" Alam nyang napipikon na sa kanya si Pyre pero hindi nya talaga mapigil ang kanyang tawa, kahit pa na nakatikom pang bibig nya, paminsan minsan tumataas pa rin ang sulok ng labi nya. "Ahem.. ahm... Hahaha... Sorry! Diko mapigil eh! Ahmm.. Fuck.. Haha" Umigkas ang kamao ni Pyre, deretso sa dibdib nya na ikinagiwang ng sasakyan nila. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes nya kaya agad na nakabalik sila sa tamang lane ng high way. Masama ang tinging ipinukol nya sa katabi. "Fuck.. Shit.. Why did you do that Fucker?" Itinaas lang ni Pyre ang kamay at pinakita ang gitnang daliri. "Tsk.. Pikon kapa rin hanggang ngayon." Hindi na umimik si Pyre, abala ng isipan nito sa mga tanong na hindi naman nya masagot sagot. 'Bakit ganitong nararamdaman ko? Diba dapat masaya ako? kasi kahit papanu unti unti ng nagbabayad ang mga hayop na tumapos sa buhay ng mga mahal ko? Bakit hindi ko pa rin maramdaman ang kaligayahan at katahimikang matagal ko ng inaasam? Bakit?' Pigil ang emosyon na wag lumabas sa mukha ni Pyre, ibinaling nya sa labas ng bintana ang kanyang tingin, inaliw ang sarili sa mga nadadaanan sa gilid ng kalsada. Napabuntong hininga sya ng marating nila ang Boyzone Bar, puno ng parking lot nito. Kaya nagpa ikot ikot muna sila nagbabakasakaling may umalis na sasakyan. Swerte naman at meron nga, kaya nakapag park sila ng maayos. Sabay silang bumaba ng kotse pero naunang pumasok ng bar si Keros, sumunod na lang sya pagkatapos I double check ang sasakyan. " Hmmm... Anong araw ba ngayon bakit ang daming tao?" Kaagad na tanong ni Keros ng makaupo sya sa kaharap nitong upuan, buti nakahanap agad ito ng pwesto malapit sa entablado, paalis ng banda na katatapos lang mag perform. Kaya disco music ng tugtog. "Saturday night, kaya crowded ngayon. Anong gusto mong inumin?" "Brandy na lang sa'kin, eh ikaw ba?" Kinuha nitong celpon at ipinatong sa mesa. Ilang minuto ng lumipas dipa rin sumasagot si Pyre, nagtatakang ibinaling nyang tingin dito. Nakakunot ang nuo nito at nakatutok ang mga mata sa dance floor. Tinapik nyang balikat nito, napakurap kurap naman ang mga mata nitong lumingon sa kanya. "Gusto mong sumayaw Tol? Sige lang, punta kana dun, hintayin na lang kita dito." Saka nya kinawayan ang papadaang waiter saka omorder ng inumin, bumaling ang nagtatanong nyang tingin kay Pyre. "Scotch naman sa'kin, thanks!" Tipid na sagot nito, saka tumingin na naman sa dance floor. Nagtatakang sinundan nya ng tingin ang kanina pa nitong tinitingnan. Isang babaeng mestisa, maganda, hanep ang katawan na halos makita ng mga hindi dapat makita sa iksi ng suot nitong damit. Napasipol sya bigla na ikinalingon ni Pyre na salubong ang makakapal na kilay. "Witwew! Hanep ang wankata ng chika babes na yun ah!" Nasabi nya pa, sadyang pinarinig kay Pyre na biglang uminit na naman ang ulo. Pagkalapag ng waiter sa mga inumin nila , kaagad nilaklak ni Pyre yung alak nya. Napailing na lang sya't natahimik.. "Wooohhh.. bff, Si Zeke na lang maghahatid sa'yo mamya ha! Kasi kasama ko si George, lam mo na! Hihi." Naririnig nilang usapan sa kabilang mesa, nagkunwari si Pyre na abala sa celpon nito habang si Keros naman ay lumabas nung mag ring ang telepono nito. "Meganun bff? Talande ka talaga, pag ikaw na tisbun bahala ka hmp." "Nag iingat naman ako bff, panay widraw nga si fafa George eh! Saka nagpi pills ako noh!" "Gaga! Naku! nakakapanggigil kana! Hmp, bahala kana nga sa buhay mo." Tumayo si Daphne at naglakad ng paikis ikis patungong toilet ng bar. Naduduling na sya at nahihilo hindi lang sa mga taong nagsisiksikan kundi lalo na sa ilaw. "Ay!." May biglang dumaan sa harap nya at nasaging katawan nya't na out balance sya. Kung hindi dahil sa taong nasa likuran nya paniguradong natumba syang pahiga sa sahig. Napahawak pa sya sa mga braso nito na nakapulupot naman sa bewang nya. Nanlalabo ng paningin nya kaya hindi nya masyadong makita ang mukha nito. Ng makatayo na sya ng tuwid, agad syang nagpasalamat at pakapa kapang tinungo ang dereksyon ng toilet na alam nya. 'Peste, nalasing na yata ako ah!' Sapo ang ulo na tuloy tuloy syang pumasok ng toilet na di man lang tiningnan ang sign sa labas ng pintuan, basta't pumasok lang sya sa loob at deretso sa lababo na naaaninag nya pa. "Gwarrrkkk... Hah... hah... Gwarkkk hah". Nagsusuka sya sa lababo ng makarinig ng boses lalake. "Tsk tsk! Nakakadiri, kagandang babae, bargas naman.. Hoy Miss, CR ng lalake to, lipat ka dun sa kabila." Napahinto sya bigla at nasapo ang bibig. Agad syang naghilamos para mahimasmasan ng konti. Yukong yuko syang pakapa kapang lumabas ng Men's Toilet. Kaso ng buksan nyang pinto hindi nya ito mahila hila dahil wala na syang lakas para gawin pa yun. "Let me help you!" Sabi ng lalake sa likuran nya. 'Siguro palabas na rin ito kaya lang nakaharang ako sa pinto, kasi naman, peste talaga tong tequila nilasing ako eh huhu nakakahiya.' Inalalayan pa sya ng lalake hanggang sa makalabas na sila ng toilet, ang ipinagtataka lang nya kung bakit alam nito kung san banda ang mesa nila, hindi kasi nito binitawan ang kamay nya hanggang sa makaupo na sya sa tabi ni Ivy na abala sa kalaplapan nitong si George. "Next time, don't drink too much alcohol if you can't handle yourself and don't wear that kind of clothes, cause you look like a p********e tsk!" Sabi pa ng lalake bago sya iniwan at bumalik sa mesa nito. 'Ouch! Grabeh ha! Kung makapag salita naman sakin ang taong yun, feeling close lang ganun! Sakit huh!' Naiinis na sinulyapan nyang mesa sa kabila, nakatalikod ang lalake sa kanya kaya di nya makita ang mukha. Maya maya tumayo na rin ito at ang gwapo nitong kasama, saka naglakad palabas ng bar. Hahabulin nya sana para makapag pasalamat, kahit inis sya dito, pero pagtayo nya bigla syang nahilo kaya napaupo na lang sya ulit. 'Hay! Sayang!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD