Mabuti na lang at wala siyang pasok kinabukasan kaya nakapagpahinga siya buong maghapon. Kapag ganitong dinaratnan siya, ito 'yong mga panahong kinaiinisan niya. Gusto lang niyang nakakulong lang sa kwarto at nakahiga. Ni ayaw niyang kinakausap siya. Pakiramdam niya kasi, lalong sumasakit ang kanyang puson maski kaunting galaw lang niya. Kung hindi pa siya nakaramdam ng gutom, hindi siya lalabas ng kwarto. Ipinagbilin niya kasi sa mga kasambahay nila na huwag na huwag siyang iistorbohin kahit pa ang tawagin siya sa oras ng pagkain.
"Magandang gabi, Senyorita!" bati ni Lelay. Ito ang nakatoka para sa mga pangangailangan niya. "Ipaghahanda ko po ba kayo ng hapunan?"
"No need, Ate. Magpahinga ka na." Kumunot ang noo ng dalaga nang mapansin na parang hindi mapakali si Lelay. Sa ilang taon nitong pagsisilbi sa kanya, kilala na niya ito. "What is it, Ate Lelay?"
Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Ang gwapo ng bisita ni Senator."
She can't help but roll her eyes. Lahat naman ay gwapo sa paningin nito. "Ang daddy?"
"Nasa baba, kausap si Atty. Sebastian-"
"Sebastian?" Hearing the name reminds her of that man she met last night. Her new head of security.
"Hindi ko matandaan 'yong apelyido eh. Parang Aldomar," kakamot-kamot sa ulo si Lelay. "Basta parang gano'n ang tunog."
"Never mind. Magpahinga ka na."
Hindi naman mapigilang mag-alala ni Lelay sa kanyang alaga. Alam niya ang struggle nito buwan-buwan. Nakakalungkot lang isipin na wala ang ina nito sa tabi nito. Palagi itong abala hinggil sa clothing line business nito kaya madalas ay hindi ito kasama ng mag-ama.
"Okey ka na ba, beh?" Hindi na nito napigilan pang magtanong.
"I'm fine, Ate Lelay." Kiming ngumiti ang dalaga. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya.
Pagkababa niya, agad niyang hinanap ang kanyang daddy. Nagtungo siya sa living area ng makitang niyang naroon ito at may kausap. Agad siyang umupo sa tabi nito nito at malambing na yumakap.
"Okey ka na ba?" tanong sa kanya ng ama. His dad's hands always calm her kaya madalas ay dito siya naglalambing.
Napangiti naman ang senador dahil sa iginawi ng anak. Dahil sa kabila ng masalimuot na mundong ginagalawan nila, si Keith ang nagsisilbing tanglaw niya sa lahat. "Nagpapalambing ka na naman..."
Pasimple namang humingi ng despensa ang matanda sa bisita nito.
"It's okay, Senator." Hindi alam ni Sebastian kung saan pa siya nakakuha ng lakas para magsalita habang pilit iniiiwas ang mga mata sa anak ng senador.Miss Galindo is a sight to behold lalo na ng mga oras na iyon.Nakasuot ito ng ternong cotton shorts at spaghetti strap na pang-itaas kaya expose na expose ang balat nitong makinis.
Nag-angat naman ng tingin ang dalaga ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.
"Atty. Almodovar, this is my daughter, Keith." Pakilala ng kanyang Daddy. "Pero mukhang nagkakilala na kayo kagabi di ba?"
"Yes, Daddy." Inunahan na ni Keith sa pagsasalita ang lalake. Naiinis na naman siya lalo na at nakikita niya kung paano siya nito titigan sa tuwing hindi nakatingin ang kanyang Daddy. Para kasing kinikilatis nito ang buo niyang pagkatao. He's so mysterious na pati siya nako-curious na rin dito.
"Bakit ang sabi nila, hindi ka raw kumain maghapon? Keith naman…" Puno nang pag-aalala ang senador sa anak ngunit hindi niya ito magawang pagalitan. Everytime na lang kasi ay nagiging struggle para sa anak ang pagkakaroon nito ng buwanang dalaw. Kung narito sana ang kanyang asawa, alam nito ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon.
"Wala po kasi akong gana, pero kakain na po ako ngayon." sagot ng dalaga.
"Sabay-sabay na tayong kumain." Pakli ng kanyang ama."Mauuna na ako sa kusina.Titingnan ko kung ready na ang lahat.Maiwan ko muna kayong dalawa."
There was that akward feeling for Keith. Hindi niya alam ang sasabihin at ikikilos ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa bisita ng ama.
"It's not healthy to skip meals, Miss Galindo," sabad ni Sebastian. He seems calm but the look in his eyes was enough to send shivers on Keith.
Nagtaas-baba ang dibdib ng dalaga, hindi niya alam kung dahil natakot siya sa sinabi ng kaharap o dahil natatakot siya sa lakas ng awra at awtoridad nito.His presence screams power dahil doon nai-intimidate siya!
"Hindi nga ako nakakakain sa tuwing meron ako, okey? I'd rather rest or sleep," paliwanag ng dalaga. Kung nakamamatay lang ang mga titig ng dalaga, malamang kanina pa bumagsak si Sebastian.
Tumayo na ang dalaga. Hindi na yata niya kakayanin pang makasama ang bago niyang bodygurad nang ilang segundo pa. He's getting in to her nerves. Lalo lang nitong pinaiinit ang kanyang ulo.
"You wouldn't want me mad kaya sundin mo ang mga sinasabi ko sa'yo," bulong ng binata. "Isa iyon sa mga requirements ko bilang bodyguard mo!"
"And who are you to boss me around? Hindi ba dapat ako ang mag-set ng requirements kasi ako ang pagsisilbihan mo?" Hindi na napigil ng dalaga ang kanyang boses nang bigla iyong tumaas. Mabuti na lang at abala ang lahat kaya hindi sila pansin.
"Huwag mo akong pagtaasan ng boses, Miss Keith! Hindi ko nagugustuhan ang tono ng pananalita mo." Hinawakan ni Sebastian ang braso ng dalaga at inalalayan ito papuntang kusina. "Huwag mong sagarin ang pasensya ko, baka magsisi ka. And besides, ikaw ang nangangailangan ng serbisyo ko kaya dapat ako ang masusunod. Kailangan ko ang cooperation mo para maisagawa namin nang maayos ang trabaho namin."
Pilit kumakawala ang dalaga sa hawak ng binata. Not that she was hurting but because of the sensation he brings when his hand touches her. Para siyang napapaso.
"Bitiwan mo 'ko, Mister," angil ng dalaga rito.
Nakita ni Keith ang pagdaan nang kung anong emosyon sa mga mata ng binata ngunit dagli din iyong nawala. May lihim ba itong galit sa kanya at palagi siya nitong pinagagalitan? Dalawang beses pa lang niya itong nakikita but he seem too confident and at ease being around with everybody, even with his Dad
Bago pa man niya ito maitulak, nauna na itong bumitaw sa kanya at naglakad sa kanyang Daddy na akala mo wala itong ginawa na kabalbalan. Ramdam niya ang malakas na pagkabog nang kanyang puso na sa wari niya ay lalabas hangga't hindi niya napapakalma ang sarili. Ilang beses na inhale at exhale ang ginawa niya bago siya dumulog sa hapag-kainan. Sakto namang magkatabi pa ang nakahandang plato para sa kanila ni Sebastian. Ayaw na sana niyang kumain pa ngunit naalala niya ang sinabi ng binata kanina. Na makakatikim siya rito sakaling hindi na naman siya kumain. Hindi man niya alam kung ano ang ipatitikim nito, mas mabuti na lang na huwag na niyang alamin.
Pilit namang sinusupil ni Sebastian ang kanyang mga ngiti nang makita niyang lihim na nagdabog ang dalaga ng umupo ito.
"Eat your veggies, Keith," naiiling na saway ng senador nang makita nitong hinihiwalay ng dalaga ang mga gulay sa pagkain nito at inilalagay iyon sa tabi ng plato nito.
"Dad, naman! Ayoko nga ng gulay-"
"Maraming Pilipino ang nagugutom kaya dapat marunong tayong magpasalamat sa kung ano ang nakahanda sa lamesa." Putol ni Sebastian sa sasabihin ng dalaga. Mukhang mapapasabak siya sa babaeng ito.Kanina pa nga niya napapansin na hindi ito kumakain ng gulay.Maski ang bawang at sibuyas ay walang ligtas sa mga mata nito at talagang nagagawa pa nitong ihiwalay.
Walang nagawa ang dalaga kundi kainin ang mga gulay. Not that she's afraid of her Dad pero mas natatakot siya kay Sebastian. May kung ano kasi sa mga titig nito na waring nagbabadya ng panganib. Para bang laging galit ang awra.
Sa isip naman ni Sebastian, sa iilang nahawakan niyang tao, mukhang dito sa anak ni Senator Galindo siya mahihirapan.
Kung sana lang ay katulad ito ni Czarina, wala siyang magiging problema. Subalit, kitang-kita na niya ang pagkakaiba ng dalawa. Czarina loves veggies ngunit ang babaeng ito, masuka-suka pa kanina habang pinipilit ubusin ang gulay na nasa plato nito. Sa mukha lang talaga magkahawig ang dalawa ngunit ang ugali at personalidad ay magkaibang-magkaiba.Parehong mala-anghel ang mukha ngunit ang isang ito, clingy at masyadong emosyonal. Mga bagay na ayaw niya sa isang babae. Kaya nga nagustuhan at minahal niya si Czarina dahil larawan ito nang isang independent and strong woman.
Lihim na lang siyang napangiti nang makitang napapangiwi ito habang pilit inuubos ang gulay sa plato nito. Mukhang nainis pa niya ito dahil kanina pa panay ang irap nito sa kanya.