"Mukhang hindi nagkamali si Jessica sa pagrekomenda niya sa'yo," may kagalakang sambit ng senador.
Hindi naman mapigilang humanga ng senador sa lalakeng kaharap niya. At the age of thirty, Sebastian Almodovar made his way to the top. For three consecutive years, napanatili nito ang pangalan bilang isang tanyag at magaling na abogado. Subalit nagulantang ang lahat nang masangkot ito sa isang aksidente kasama ng asawa on their way to their honeymoon. Magmula nang mamatay ang asawa nito, tinalikuran nito ang pagiging abogado. Mas pinili nitong magtrabaho sa security agency ng kaibigan kung saan hindi siya masyadong expose sa mga tao.
Itinaas ng binata ang hawak na kopita na may lamang alak, dahan-dahan sumimsim. "I don't get the idea of hiring me as your daughter's bodyguard gayong marami na siya nito. Saka, bakit ako?"
Matunog ang naging tawa ng senador. Nagsalin ito ng alak sa baso nito pagkatapos ay pinaikot-ikot iyon habang nakatitig doon. "Kailangan ko lang protektahan ang anak ko, Atty. Almodovar. At naniniwala akong kaya mong gawin ang trabaho mo nang maayos."
An annoying smile formed on Seb's lips. Hindi siya maloloko ng senador. Alam niyang may dahilan pa ito bukod sa pagkuha ng kanyang serbisyo dahil siya pa mismo ang pinili nito according to Jessica, his boss.
"You can't fool me, Senator," pakli ng binata. Nilabanan niya ang tingin ng senador sa kanya. Hindi siya nito matitinag kahit pa anong gawin nito. Maski pa isa itong senador.
"You're overthinking, Attorney. Gusto ko lang na maging panatag ang loob ko sakali mang may mangyari sa akin in the future." Puno nang determinasyon ang mga salita ng senador.
Hindi naman nakaligtas sa mga mata ng binata ang pag-igting ng panga ng senador.
"Buweno, I just want to inform you that I will be out of the country for a couple of days. Just make sure na maaalagaan niyo nang maayos ang anak ko. If something happens, just call me right away." Inabot sa kanya ng senador ang isang envelope. Nang buklatin niya iyon, isang susi at credit card ang laman noon.
Itinaas niya ang mga iyon sa harapan ng matanda. "What am I gonna do with this?"
"For emergency purposes, Attorney." Hindi nakaligtas sa mga mata ni Seb ang makahalugang ngiti ng senador.
Initsa niya sa ibabaw ng mesa nito ang hawak na envelope. "Hindi ako mayaman, Senator. But I assure you, kaya ko pa namang mamuhay ng hindi nangangailangan ng tulong niyo."
Napuno nang halakhak ng senador ang kwarto. Tila ba, aliw na aliw ito. "Just keep it. Kung hindi mo man gamitin, baka kailanganin din 'yan ng anak ko in the future."
Tumayo si Seb, mataman niyang tiningnan ang senador, "Is there something I need to know? Bakit pakiramdam ko, may hindi kayo sinasabi sa akin?"
"Walang permanente sa mundo, hijo. Hindi natin alam kung anong mangyayari bukas o sa susunod pang mga araw. Who knows what will happen next?" Seryoso ang mukha nito habang nakatayo sa tabi ng bintana. Nakatanaw ito sa labas. "Just promise me that you will protect my daughter no matter what."
"Pero,Senator-"
"Just promise me, Attorney! Tinanggap mo ang trabaho na ito kaya panindigan mo! You have to protect my daughter at all cost!" Hindi na napigilan ng senador ang pagtaas ng kanyang boses. He's becoming desperate. And afraid, too. Sa dami nang natatanggap niyang banta sa buhay, hindi siya kailaman man nakaramdam ng takot. Lately lang ng si Keith na ang tukuyin ng mga ito. Hindi niya kakayanin kung may masamng mangyari rito.
Panay ang iling ni Seb. Nahahalata na niya ang takot ng senador para sa anak nito. He must have loved his daughter too much that he’s afraid that someone might get back at her because of his job.
Bumaba ang tingin niya sa susi ng sasakyan at sa credit card na inaabot nito sa kanya kanina. Hindi man siya kasing yaman at makapangyarihan kaparehas ng kanyang kaharap pero never in his entire life na gagamitin niya ang mga ito. And besides, hindi siya ang tipo ng tao na basta na lang dinidiktahan ng gagawin. It's always the other way around.
"You're hiding something from me, Senator. Hindi mo ako mapapasunod sa gusto mo hangga't hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Kailangan kung malaman ang lahat para alam ko kung paano ako gagalaw. Ayoko namang sumuong sa isang laban na wala man lang plano." Seb's voice remained calm pero kakikitaan mo nang pagkairita ang mukha nito.
"Isa lang ang hihingin ko sa'yo, Almodovar." Lumingon ang senador sa binata at mataman itong tinitigan, waring sinusukat ang kakayahan ng kaharap. "That is to protect my daughter at all cost. Even if it means putting your life in danger. Handa akong magbayad maski magkano mapanatili ko lang na ligtas ang anak ko. Wala na akong ibang hihilingin pa."
Malulutong na tawa ng binata ang pumuno sa opisina ng senador. Napatigil lang ito nang makita ang kaseryosohan sa mukha ng kaharap.
"Why would you think that I'll risk my life for your daughter? And you think I can protect your daughter that much? Hindi niyo man lang ba naisip na pwede siyang mapahamak sa tabi ko? Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na marami ring galit sa akin." Pilit inaarok ng binata kung ano ang iniisip ng senador ng mga oras na iyon ngunit wala siyang mabasa sa mukha nito. Pero alam niyang may binabalak ito.
Humarap ito sa kanya at tinitigan siya sa mga mata.
"Hahayaan mo bang masaktan ang anak ko? Bibiguin mo ba ako at si Jessica sa trabahong iniatang sa balikat mo?" may halong panunuya ang boses nito ng magsalita. Nanghahamon.
"Of course no!" biglang tumaas ang boses ng binata nang marinig ang huling tanong nito.
Napangiti ang senador. Lumapit ito sa binata at inilahad ang kamay nito. "Then, it's settled. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko habang wala ako."
Hindi na nagawa pang makapagsalita ng binata. First time in history na wala siyang nasabi dahil kapag nasa loob siya ng korte, hindi siya nawawalan ng mga salita. He always has to say on everything lalo na kung alam niyang nasa tama siya pero sa pagkakataong iyon, hindi na siya nakahuma at nanatiling tikom ang kanyang bibig.
"Jesus Christ! Ano ba itong pinasok ko?" bulong niya sa sarili. Iiling-iling na lang siya habang nakatingin sa senador. Naging maaliwalas ang mukha nito, di gaya kanina na akala mo ay pasan ang daigdig. He must really love his daughter that much na palaging ang kapakanan nito ang nangunguna but his wondering kung ano ang gumugulo sa isip nito.
Tumayo siya nang mukhang wala na itong sasabihin sa kanya.
"I have to go, Senator." Pamamaalam niya rito. Hindi na kasi siya nito pinansin pagkatapos nitong magsalita kanina.
Iniabot nito ang isang kapirasong papel sa kanya. Kahit nagtataka ay tinanggap niya iyon.
"That's Keith's number. You can call and check on her anytime."
"Senator Galindo-" putol niya sa sasabihin ng senador. Halo ang pagtataka at babala sa boses ng binata. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon.
"My daughter is still young. She don't have any idea how cruel the world is. How cruel people is," malungkot nitong sambit. "Kaya susugal ako sa'yo, Sebastian. I know how you value your work at umaasa akong gano'n din ang gagawin mo ngayon. Kaya ipangako mo sa akin na iingatan at aalagaan mo siya sa lahat nang pagkakataon. Ipangako mo sa akin na hindi mo siya iiwan kahit na anong mangyari, naiintindihan mo ba ako?" Puno ng pagsusumamo ang mga salita ng senador. Ramdam niya ang higpit at panginginig ng mga kamay nito habang nakahawak sa kanyang balikat. Kulang na lang din ay lumuhod ito sa kanyang harapan.
Pero kahit hindi naman nito sabihin iyon, nakahanda siyang gawin ang lahat para sa dalaga. Habang nakakapit ito sa kanya kagabi, naalala niya ang asawa noong gabing maaksidente sila. She look helpless habang pilit na inaabot ang kamay niya ngunit hindi nito magawa dahil sa matutulis na bagay na nakatusok sa katawan nito. Hindi na ito makagalaw.
Ang takot na nakita niya sa mga mata ni Keith ay siya ring takot na nakita niya noon sa mga mata ng asawa. At kagabi, he already made a decision to protect Senator Galindo's daughter. Maski doon man lang, magawa niya ang tulong na sana nagawa niya noon sa asawa.
Namaalam ang binata sa senador subalit bago siya tuluyang lumabas ng kwartong iyon, nilingon niya ulit ito.
"Hindi ko alam kung ano ang hidden agenda niyo behind this pero I'll still accept the job dahil kapag nag-commit ako, marunong akong tumupad sa usapan lalo na kung tungkol ito sa trabaho ko." Sebastian eyed the man in front of him as if he's a specie that needs to be scrutinize. Pasasaan ba at malalaman din niya kung ano ang itinatago nito at kung bakit siya mismo ang pinili nito para bantayan ang anak nito.
Nariyan naman si Alejandro o kaya si Hunter. Bakit siya pa?
Naiiling lang ito sa tinuran niya.
"You're overthinking, attorney!"
"No, I'm not," tanggi ng binata. "I just know that something is going on between that head of yours, senator. Hindi mo ako mapapaniwala nang basta-basta but rest assured that I'll do good with my job."
Tumango-tango ang senador, nasiyahan sa sinabi ng binatang kaharap. Sa loob-loob niya, ito ang tipo ng lalake na gusto niya para sa anak. Naiintindihan niya ang pagtalikod nito sa pagiging abogado nito pero alam din niyang hindi basta-basta mawawala ang propesyong iyon sa puso nito. Masyado lang itong nasakatan nang yumao ang asawa nito. Maybe, he just need a new inspiration for him to move on.
"Mauuna na muna ako, Senator," pamamaalam ni Sebastian sabay tayo. "May kailangan lang akong bisitahin na kaibigan."
Bahagyang tango lang ang isinagot ng senador.
Habang pababa ng hagdan, hindi naman maiwasang mapangiti ng hilaw ni Sebastian. Hindi niya maintindihan kung bakit pumayag siyang magtrabaho sa mag-ama gayong mga public figure ang mga ito. Mainit sa mata ng mga tao pero heto siya, karamay na bilang tagapangalaga ng mga ito. Nasaan na ang Sebastian na gustong nakakubli lang at malayo sa karamihan?
He tsked.
Nagpunta muna siya sa control room ng mga CCTV upang i-check ang paligid. So far, okey naman ang lahat subalit napatigil siyang nang makita sa gawing likuran ng bahay si Keith. May kung anong hinahanap ito roon.
"What is she doing there?" bulong niya.
Nagpasya siyang puntahan muna ito bago lumabas saglit. Nadatnan niya itong nakayuko sa tabi ng halamanan.
"Why are you still here?" tanong niya sa dalaga. Nagulat pa ito sa bigla niyang pagsulpot.
Katakot-takot na irap ang inabot niya mula rito bago ito nagsalita, "Balak mo ba akong patayin sa takot?"
Pilit niyang itinago ang ngiti sa kanyang mga labi. Nakakatuwa lang kasi ang itsura nito. She looks cute!
"Gabi na. Ano pa bang ginagawa mo dito sa labas?" tanong ulit ng binata.
"Hinahanap ko si Moonlight ko," naiiyak na sambit ng dalaga.
"Who's Moonlight?" tanong naman ng binata. Kilala niya ang lahat ng tao sa loob ng mansyon at wala siyang natatandaan na kasama nilang Moonlight ang pangalan.
"'Yong alaga kong rabbit," pabulong na sagot ng dalaga. Kanina pa niya hinahanap ang alaga ngunit hindi niya talaga makita. Nagsisimula na siyang maiyak dahil mahal niya ang alagang iyon dahil bigay pa iyon ng kanyang mommy.
"Bukas na natin siya hanapin." Akala naman ng binata eh, kung sino na si Moonlight. Rabbit lang pala. Ngunit mukhang wala pang balak pumasok sa loob ng mansyon ang dalaga hangga't hindi nito nakikita ang alaga. Wala siyang nagawa kundi ang makitulong na lang din sa paghahanap.
"Moonlight, nasaan ka na ba?" tawag ni Keith sa alaga niya subalit hindi pa rin nila ito makita.
Nilapitan ni Seb ang dalaga, pagkuwan ay pa-seryosong nagsalita, "Kailangan mo nang pumasok sa loob, umuulan na kasi."
"No!" matigas na tugon ng dalaga. "Hindi ako papasok sa loob hangga't hindi ko nakikita si Moonlight."
Doon na nagsimulang mainis ang binatang abogado. Pinakaayaw niya sa lahat ay ang taong hindi nakikinig at matigas ang ulo.
"It's either, you freely go inside or I'll carry you up into your room," he said in a cold menacing voice. "You choose, Miss Galindo."
"You won't do that," inis na wika ng dalaga.
Nang hindi siya tuminag mula sa kinatatayuan, nagulat na lang siya nang buhatin siya ni Sebastian at basta na lang pinasan sa balikat nito na animo sako ng bigas.
"Baliw ka! Ibaba mo 'ko!" panay ang sigaw ni Keith habang bitbit siya ng binata patungo sa kanyang kwarto. Paulit-ulit din niyang hinahampas ang likod nito ngunit hindi man lang ito natinag. Animo bakal sa tigas ang mga kalamanan nito.
Napamaang na lang din ang mga labi ni Lelay nang maksalubong niya ang dalawa sa gitna ng hagdanan. Napangiti na lang ito dahil mukhang alam na niya kung bakit inis ang kanyang alaga sa bago nitong tagabantay.
Basta na lang ding inihagis ni Seb ang dalaga sa ibabaw ng kama nito. May lakad pa siya at wala siyang panahon sa kaartehan ng dalagang Galindo.
Mabilis namang nakabangon ang dalaga kaya nahabol nito ang binata saka pinadapo ang palad niya sa pisngi nito. Subalit nang makita niya ang nagliliyab ng mga mata nito ng tumingin ito sa kanya, hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa. Because the next thing she knew, he was already claiming her lips.
No! It's my first kiss! Piping sigaw ng maliit na bahagi ng kanyang isipan.
"Bastos! Walang hiya ka!" sigaw ng dalaga. "Huwag mo na ulit gagawin 'yon dahil sa susunod, makakarating na ito sa daddy!"
Ngumisi ang binata sabay sabing, "Huwag kang mag-alala, Miss Galindo. Wala akong balak na ulitin pa ang ginawa ko. I just did that to silenced you, nothing more. And besides, you're not even my type."
Ilang oras ng nakaalis ang binata ngunit naroon pa si Keith sa gitna ng kanyang kwarto, pilit pino-proseso ang huling sinabi ng binata. Hindi niya alam kung bakit pero may bahagi ng kanyang pagkatao ang hindi matanggap na hindi siya nito type.