Chapter One
As the senator's only and beloved daughter, Keith's life could be every girls dream. Kagandahan, kasikatan at karangyaan, mga bagay na nakakabit sa kanyang pangalan. Sino ba namang hindi mananaghili sa kanyang kinatatayuan? Pero para sa kanya, simple lang ang kanyang gusto sa buhay. Wala siyang ibang gusto kundi ang tahimik at simpleng pamumuhay, kabaliktaran sa kung anumang meron siya ngayon. Dahil kaakibat nang pagiging anak ng isang senador ay ang masalimuot at komplikado niyang buhay. She's always pressured at pakiramdam niya, bawal siyang magkamali. Natatakot siyang may masabi ang mga tao hinggil sa kanya na maaaring ikasira nang imahe ng ama.
She sigh heavily. Kanina pa siya nababagot sa party na iyon. Ewan ba niya kung bakit kailangan pang palagi siyang kasama ng kanyang mga magulang sa tuwing may dadaluhang pagtitipon ang mga ito.
Nilapitan niya ang ama at bumulong dito, "I just need to breathe some fresh air, Dad. Kanina pa ako naso-suffocate eh."
Hinaplos nito ang kanyang buhok, masuyong ngumiti sa kanya bago nagsalita, "Hanggang ngayon, hindi ka pa rin masanay-sanay sa mga ganitong okasyon."
"Never will, Dad." Nginitian niya ang mga kasama nito at namaalam na siya. Kanina pa talaga siya hindi makahinga sa loob.
Hawak ang magkabilang gilid ng kanyang suot na dress, binaybay niya ang daan patungo sa natanawan niyang swing sa kabilang side ng venue. Ramdam niya ang pagsunod ng kanyang dalawang bodyguards. Tumigil sa pagsunod ang mga ito nang makitang tumigil siya sa paglalakad at naupo sa swing. She felt relieved lalo na nang maramdaman niya ang pagdampi nang malamig na simoy ng hangin sa kanyang pisngi. It was heavenly. Pumikit siya, ninanamnam ang sayang nararamdaman. Subalit nagambala ang kanyang pamamahinga nang maramdaman niyang umuga ang swing na kinaroroonan niya.
Bigla siyang napamulat. Only to see a good-looking man in a gray suit. Mangasul-ngasol ang mga mata nito, matangos ang ilong at maganda ang pangangatawan. He was eyeing her from head to toe but then he drifted his gaze afterward.
Nilinga niya ang dalawa niyang bodyguard, mukhang hindi man lang kasi naalarma ang mga iyon kahit na may iba siyang kasama. Mukhang kilala ng mga ito. Mukhang nahalata naman ng lalake ang ikinilos niya.
"Good evening, Miss Galindo," he said without looking at her.
Kumunot ang noo ng dalaga.The man in front of her has the guts to be near her. He must be someone that even her bodyguards didn't mind having around.
"Hindi ka dapat lumabas mag-isa," he lean on the swing then he said, "delikado para sa'yo. Babae ka pa naman."
Nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa sinabi nito. Umingos ang dalaga, sabay halukipkip. "It's none of your business. Nauna ako rito kaya kung pwede ba, umalis ka na. I'm not comfortable having you around."
Napahalakhak si Sebastian dahil sa narinig.Hindi niya akalain na ganito ka-straight forward ang anak ni Senator Galindo. "Kung sasabihin ko sa'yong ayokong umalis, ano kaya ang pwede mong gawin? Let me guess, ipakakaladkad mo ako sa mga bogyguards mo dahil lang sa ayaw mong may kasama rito?"
Lalong namang naningkit ang mga mata ng dalaga nang marinig ang sinabi ng lalake sa kanya. Ang lakas nang loob nitong magsalita nang ganoon sa kanya. Makapangyarihan at mapera ang kanyang daddy ngunit kahit kailan, hindi niya pa nagawang magtaboy ng tao dahil sa ayaw niya rito. He's putting words into her mouth and it irritates her. Kung tutuusin, isang utos lang mula sa kanya at pihadong kakaladkarin ito ng kanyang bodyguards palayo subalit hindi siya ganoong klase ng tao.
"Look, Mister. If you're looking for someone to get laid tonight, nagkamali ka nang pinuntahan. Huwag ako ang kulitin mo at masakit ang ulo ko. Kaya pwede ba, just leave me alone, okay?" Hinilot-hilot pa niya ang sintido dahil sa pagsakit ng kanyang ulo.
Pero mukhang wala itong balak umalis. He even laid down on the swing, tila ba pagod na pagod. Niluwagan nito ang suot na neck tie at hinubad ang coat nito.
"May nasabi o nagawa ba akong na-offend ka, Miss Galindo? Dahil kung wala, mas mabuting tumahimik ka na lang, kasi wala naman akong planong masama sayo," tumingin ito sa dalaga sabay sabing, "dahil katulad mo, I just need some fresh air kaya ako nagpunta rito."
Inirapan niya ito nang magtagpo ang kanilang mga mata. Itinuro ng dalaga ang kabilang dulo ng swing. "Fine. Basta diyan ka lang sa side na 'yan, Mister."
He just smirks at her, pagkuwan ay pabulong na nagsalita, "Fair enough with me. Huwag ka lang ding mag-iingay. I hate it."
Kinilabutan ang dalaga sa paraan nang pagtingin at pagsasalita ng lalake sa kanyang harapan. Napausod siya palayo pa nang makitang naglabas ito ng sigarilyo.She hates it. Mas lalo yata siyang maso-suffocate dahil sa paninigarilyo nito.
Dumaan ang ilang saglit na walang naglalakas-loob na magsalita. Basta lang siyang nakatitig sa lalake habang panay ang hithit-buga nito ng sigarilyo.
Lumingon bigla ang binata sa gawi niya, nahuli siyang nakatingin dito. Pa-simple siyang nagbawi nang tingin. Ramdam niyang nakatingin ito sa kanya ngunit tigas ang leeg niya upang hindi ito lingunin.
"Hey, are you alright?" rinig niyang tanong nito.
Hindi rin naman niya magawang sumagot. Nakagat niya ang labi nang sumigid ang sakit sa kanyang puson. Hindi niya magawang magsalita. Bakit kasi ngayon pa? Alam niyang anumang araw ay daratnan siya ng kanyang buwanang dalaw pero hindi naman niya akalain na ngayon pa kung kailan isang estranghero ang kanyang kasama.
Kaya siguro masakit ang kanyang ulo kanina pa. Buong akala niya dahil crowded lang sa loob.
"What's happening to you?" tanong ulit ni Sebastian. Kanina pa niya nakikita ang pagiging uneasy ng kaharap. Nakita niya kung paanong humigpit ang kapit nito sa tagiliran ng swing at ang pagtagis nito nang bagang na para bang may dinaramdam ito. May ilang butil na din ng pawis sa noo nito kahit pa malamig sa labas.
"Look, Mister-"
"It's Sebastian," pakli ng binata. Kanina pa rin ito naiinis sa paulit-ulit na pagtawag ng dalaga sa kanya nang mister. "It's Sebastian Almodovar."
"Wala akong pakialam!" pasinghal na sambit ng dalaga, "Ngayon mo pa talaga nakuhang magpakilala?"
May munting ungol na lumabas mula sa kanyang bibig nang maramdaman niya ulit ang pagsakit ng kanyang puson.
"Ano nga kasi ang nagyayari sa'yo?" naiinis na ring tanong binata. Pati ito ay nag-aalala sa nakikitang sakit sa mukha ng dalagang Galindo.
"Wala kang pakialam!" asik ng dalaga. Inginuso nito ang dalawang bodyguard na nakapwesto sa di-kalayuan. "Just tell them to call my dad."
Kinausap nito ang isa niyang bodyguard, agad naman iyong tumalima at nakita niyang may tinawagan sa cellphone. Nakita din niyang panay ang tango ng dalawa habang kausap ang Sebastian na iyon.
Tumayo siya upang lapitan ang mga ito. Gusto na talaga niyang umuwi, medyo sumasama na rin kasi ang kanyang pakiramdam kaya nang makita niyang humahangos ang ama, naglakad siya upang salubungin ito. Subalit naharang siya ni Seb.
"Bakit?" puno nang pagtatakang tanong niya.
Ipinaikot nito ang suot nitong coat sa kanyang baywang. Sa malinaw at mababang boses ay nagsalita ito. "Trabaho kung protektahan ka mula sa gustong manakit sayo pero hindi na kasama roon ang pagiging yaya mo. Sa susunod, siguraduhin mong hindi na babakat ang buwanang daloy mo sa suot mong damit. Nakakahiya."
Hindi na niya magawang magsalita upang ipaliwanag ang side niya dahil naglakad ito palapit sa daddy niya. Saglit na nag-usap ang dalawa pagkatapos ay pumasok ulit ito sa loob kung saan nagaganap ang party.
"Who is he, Dad?" tanong niya sa ama nang makalapit ito.
"He's Atty. Sebastian Alomodovar, your new head of security." Tiningnan siya nito kung may masakit ba sa kanya ngunit nang mapansin nito ang coat ng binata na nakapaikot sa kanyang baywang, hindi na ito nagtanong pa. Napagtanto na nito ang sitwasyon niya.
Marami pa sanang katanungan ang dalaga tungkol sa bago niyang bodyguard ngunit pinigil niya na lang ang sarili. Hindi naman kukuha ang kanyang daddy ng isang tao na alam nitong ikapapahamak niya. She trust him too well.
Tinungo nila ang parking space kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan nang makita nilang humahangos na tumatakbo si Sebastian papunta sa kanila.
"Get in inside now!" Hinila nito ang kanyang kamay at mabilis siyang ipinapasok sa loob ng sasakyan ng ama. Maski ang kanyang ama, napasunod na rin. Napansin kasi nila na parang nagkakaroon na nang komosyon sa loob. May ilang bisita na rin ang nagmamadaling lumabas mula sa venue.
Kinausap nito si Bert, ang isa sa bodyguard niya pagkatapos noon ay pumasok ito sa isa pa nilang sasakyan. Nakita niyang inabot ni Seb ang susi kay Kuya Max kaya ito ngayon ang nagmamaneho ng sinasakyang nila. Nakaupo sa harapan ang kanyang daddy habang magkatabi sila ni Seb sa gitnang bahagi ng sasakyan.
"What's happening?" tanong ni Senator Ricardo.
"May natanggap na bomb threat letter ang isang waiter kaya nag-umpisa nang magkagulo sa loob. Mabuti na lang at pareho kayong narito sa labas kaya hindi na kami mahihirapan pang ilayo kayo," paliwanag si Seb. Ngunit sa kanyang isipan ay naroroon ang mga pagdududa. Maaaring decoy lang ang mensaheng iyon upang i-divert ang atensyon ng mga awtoridad.
Mukhang hindi nga siya nagkamali nang mapansin ang motorsiklong kanina pa nakabuntot sa kanila. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kaibigang pulis upang timbrehan ito.
"Step up on the gas, Max," kalmadong sambit ni Sebastian. Kasunod noon ay ang pagkasa niya ng kanyang baril.
Panay naman ang mura ni Sebastian nang makitang nakasunod pa rin ang motorsiklong iyon kaninang pagkaalis pa lang nila ng party. Tama nga ang hinala niya na may hindi magandang mangyayari. Mabuti na lang at napaghanda siya.
Napakapit na lang si Keith sa laylayan ng damit ni Sebastian nang makarinig siya nang putok ng baril.Ito ang pangalawang beses na may hayagang nagtangka sa buhay nilang mag-ama kaya labis-labis ang kabang kanyang nararamdamn ng mga oras na iyon. Panay ang dasal niyang sana makarating sila nang bahay ng ligtas. Umaasa siyang kaya silang protektahan ng kanilang bodygurads.
Akala niya katapusan na nila ng mga oras na iyon, mabuti na lang at naka-responde ang ilang mga pulis kaya nasukol din ang mga salarin ngunit bago pa man ito tuluyang mahuli ng mga pulis, may bumaril na rito mula sa kung saan.
Sa huli, back to zero pa rin ang mga pulis sa pagkakakilanlan nang gustong magpapatay sa kanyang ama.
Panay naman ang bilin ni Sebastian sa mga bodyguards ng mag-ama. Hindi niya akalain na mapapasabak agad siya sa trabho ng ganito ka-intense. Nang matapos mabilinan ang lahat, pumasok siya sa loob ng bahay upang kausapin ang senador. Kailangan niyang magkaroon ng idea kung sino ang mga posibleng pinaghihinalaan nito sa death threats na natatanggap nito.
Napasukan niyang may kausap ito sa cellphone kaya naghintay siya saglit. Noon naman niya napansin ang anak nitong halata pa rin ang takot sa maganda nitong mukha.
Nilapitan niya ito. "Get inside your room, Miss Galindo. You need to change.”
Tila nahimasmasan naman ito sa sinabi niya. Bahagya lang itong tumango sa kanya saka ito umakyat patungo sa kwarto nito.
Ewan ba niya pero simula nang makita niya ang picture nito sa opisina ng boss niyang si Jessica, he just felt the need to protect her. Naaalala lang siguro niya ang dati niyang asawa sa mukha nito. May pagkakahawig kasi ang dalawa.
Not that she like her or what. Dahil nag-iisa lang naman ang laman ng kanyang puso, walang iba kundi si Czarina.
His beloved.
His wife. His late wife.
And it just hurt even more kahit pa dalawang taon na ang nakalilipas magmula ng kunin ito sa kanya. Dahil sa bawat araw na ginawa ng Diyos, hindi pa rin ito nawawala sa puso at isip niya.