Episode 7

2201 Words
"Kailan mo gustong magpakasal?" Napatingin siya sa babae. "I-ikaw na ang b-bahala, L-Leonora," hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob sa pagpayag sa contract marriage na ito.  "Sa Hongkong..." Napatango na lang siya dahil wala naman siyang kaalam-alam sa ganitong bagay. Tanging pera lamang ang naiisip niya. Isang taon! Isang taon lang ang itatagal ng kasalang iyon pero para sa kanya, kahit pa may edad ang babae, legal na rin niya itong asawa. "Mabilis ang divorce sa ibang bansa kapag nagka-problema tayo. Sasamahan kita sa Lunes para makapag-open ng bank account mo. Doon mo ipapasok ang pera na binayad ko sa'yo." Napalunok siya. Nakakahiya! Obvious na pera lang ang hangad niya pero wala namang masama dahil pareho naman silang walang sabit ng babae. Napabuntong-hininga siya. Bahala na si Batman!  Pera na lumalapit, magiging bato pa ba? Wala sa edad ang pag-aasawa dahil over 18 na rin naman sila. Napangiwi pa siya sa mga bagay na pumapasok sa isip niya. "Ikaw ang bahala, Leonora." Sunod na lang siya kung anuman ang desisyon nito dahil ito ang mas may alam sa ganitong bagay.  Napapaisip pa rin siya kung ano ang buhay na naghihintay sa kanya oras na makasal siya sa babae. Agad din siyang binaba sa lugar kung saan siya pinik-up ng mga ito kanina.  "Si-sige--" agad siyang napakamot sa ulo nang biglang sumara ang sasakyan pagkababa niya. Hatid niya ng tanaw ang sasakyan nang agad itong umalis. Agad siyang nakihalubilo kina Felix at Jun-Jun nang makababa ng tricycle pagkabalik sa bahay ng tiyahin  ni Felix. Inabutan siya ng mga ito ng isang baso ng tuba. "Pareng Kemp, ang lalim ng iniisip mo, ah!" si Jun-Jun ang nagsalita. Magkakaharap silang magkaibigan ngayon at nag-iinuman na naman. Tanging sa okasyon lamang sila ni Felix nag-iinuman bilang selebrasyon na rin sa kapiyestahan. May sayawan na naman mamayang gabi, ito ang final night nila bago uuwi ng bukid. Nagpapa-relax muna sila dahil bigay todo na naman sila sa plaza mamaya. "May iniisip lang," nakangiting tugon niya rito pero hindi niya ito tiningnan. Masyadong okupado ang utak niya sa marriage contract na iyon.  "Sa'n ka ba nanggaling, Pareng Kemp?" kuno't noong tanong ni Felix, sunod-sunod ang pagsubo nito ng tsitserya. "Oh, tagay pa..'wag na tayo magpasobra ng inum. Hindi kami sanay ni Felix, pare." Kay Jun-Jun siya nakatingin, pilit niyang iniba ang paksa dahil ayaw niya muna itong i-open up kay Felix. Saka na.  Sabay-sabay silang nag-cheers sa iniinum--isang baso lang ay sapat na sa kanila. Sayawan ang pinunta nila at kainan hindi inuman. Halos papadilim na rin nang matapos sila sa pagkukuwentuhan.  Paikot-ikot si Jun-Jun sa kanya, mula ulo hanggang paa nang sipatin siya nito na nakapamaywang pa. Ubod ng tamis naman ang ngiti niya.  "Ano, Pareng Jun?" nakangisi niyang tanong dito. Nakasuot siya ngayon ng kulay yellow na long sleeve with green polka dots. Ilang terno ba meron siya na puro polka dots pero magkakaiba ang kulay? Nasa sampung piraso ang damit niyang ganito. Tinernuhan niya ito ng red pants na silk. Suot pa rin niya ang favorite na sapatos niya, ang orange rubber shoes. Napangiwi si Jun-Jun habang sinisipat ang kaharap pero ilang sandali pa'y napangisi na ito. "Hanep! Pareng Kemp, kaiba talaga taste mo sa damit, noh?" agad nitong hinawakan ang damit ng kaibigan. "Ayusin natin, oh...ikaw na!" Natawa naman si Felix na nagmamasid lamang sa kanila. Dala niya ang lumang knapsack, may mga gamit siya rito lalo na ang pamalit. Lagi siyang handa kapag ganitong fiesta dahil kada araw, kailangang iba-iba ang attire niya. Napapakamot naman si Felix sa ulo nang balingan ang kaibigan. "Tayo na naman ang bida nito, Pareng Kemp. Alis na tayo?" Casual lamang ang suot ng mga kaibigan niya, t-shirt at short lamang ang get-up ng mga ito. "Ok ba, mga parekoy?" ngiting-ngiting siya nang masipat ang sarili sa salamin. "Oo naman, pare!" agad na sabat ni Jun-Jun bago nakipag-apiran kay Felix. "Let's go na!!" Balak muna nilang maglaro sa perya dahil huling gabi na ito ng pa-disco at fiesta. Susulitin nila ang gabing ito. Dagsaan na ang mga tao nang dumating sila. Kanya-kanya na sila ng laro nang mapunta sa perya. Maiingay na naman ang mga tao rito. Halos tatlong oras din silang tumambay sa perya para ma-try ang iba-ibang palaro, halos maubos pa ang perang baon nila kaya tumigil na sila. Nagsisigawan sina Jun-jun at Felix nang nasa gitna na sila ng plaza. Heto na naman siya--ang bida ng dance floor. Pinapalakpakan siya nina Felix at Jun-jun habang walang kapagurang pinapakita niya ang talent sa pagsasayaw. Isang disco music ang nakasalang. Sinasabayan nilang magkakaibigan ang music na sinasayaw. Nagwawala na silang tatlo, walang pakialam sa paligid nila basta maibuhos nila ang oras sa pagsasayaw. "Go, Kemp!" sigaw ni Jun-Jun. Pinapalo-palo naman ni Felix ang puwet ni Kimpoy habang panay twerk nito. "Go, Kimpoy...este K-Kemp..go..go..go!!" Ito talaga ang hilig niya, ang pagsasayaw pero nang matapos ang tugtog, para siyang naligo sa sariling pawis niya. Nagtatawanan pa silang magkaibigan matapos ang maharot na pagsasayaw pero natigil ang tugtog nang may ianunsyo ang emcee. "Magandang gabi, isang mensahe lamang kay Kapitan..." Agad binigay ng emcee ang mikropono sa katabi. Na naman?  Ito ang pinakaayaw niya, ang mahabang talumpati dahil nabo-bored siya lagi sa pakikinig nito. "Mga kabarangay," panimula ni Kapitan na tinaas pa ang kamay. "Magbibigay lamang tayo ng pasasalamat sa mga taong nag-donate sa ating ka-piyestahan."  Napatda siya nang makita si Leonora na katabi ng kapitan kaya agad binundol ng kaba ang dibdib niya. Inanunsiyo ng kapitan na isa ito sa mga nag-donate. May iba pang binanggit ang kapitan na hindi na niya maintindihan dahil kay Leonora na-focus ang atensiyon niya. Mabait pala ang babae kung ganun dahil nag-aambag ito sa mga kapiyestahan. Ang agam-agam niya sa pagkatao ng babae ay dagling nabawasan konti nang makita niya ang mabuting kalooban nito. Muli niyang hinanap ang babae sa kumpulan ng tao pero hindi na niya ito makita. Usapan nila na magkikita sila sa Lunes dahil pupunta sila sa bangko. Mayaman pala talaga ang babae.  Nagsigawan ang mga kaibigan niya nang isang disco music na naman ang tumugtog kaya agad natuon ang atensiyon niya sa mga ito. Hinila siya nina Jun-jun at Felix sa magkabilaang kamay. Na-excite siya at lumawak ang ngisi nang magpahila siya sa mga ito. Napapaindak na naman siya. Hindi na niya alintana ang paligid kaya muli nilang binuhos sa pagsasayaw ang oras. Huling araw na ng pa-disco kaya dapat mag-enjoy silang magkakaibigan dahil huling gabi na ito. Madaling araw na nang makauwi silang tatlo. Sunod-sunod na ring ng cellphone ang nagpagising sa kanya, agad siyang naalimpungatan. Binalingan niya si Felix, tulog na tulog ang kaibigan niya at naghihilik. Pupungas-pungas na bumangon siya bago dinampot ang cellphone. Ala-sais na ng umaga nang tingnan niya ang oras sa cellphone--si Leonora. Ito ang tumatawag. "Kemp, magkita tayo sa bayan, alas-diyes ng umaga," bungad ng babae sa kabilang linya. Bumalik na naman ang nerbiyos niya nang marinig ang boses nito. May usapan sila ng babae na ngayong araw pupunta sa bayan. Ide-deposit nila ang pera sa bangko kasama ang abogado nito. "Sige, magkita na lang tayo mamaya, Leonora," pilit niyang pinakalma ang sarili nang sagutin ito kahit pa inaatake na siya ng sobrang kaba niya. "See you.." Hindi pa rin siya sigurado sa desisyon at nagdadalawang-isip pa rin siya kung tutuloy o hindi. "Pare, aga mong nagising, ah!" wika ni Felix na nakapikit pa nang maramdaman ang paggalaw niya. "Aga pa, tulog ka ulit. Ok lang kahit tanghali na tayo bumalik sa bukid." "May tumawag lang, Pareng Felix." Hindi na siya makatulog sa totoo lang. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa utak niya ang pinasok na pagpapakasal kay Leonora. Hindi rin niya masagot si Felix nang magtanong ito kung saan ang lakad niya nang nakagayak na siya. Saka na niya sasabihin sa kaibigan ang lahat kapag sure na..kapag totoo na ang lahat. Mismong si Jun-Jun pa ang naghatid sa kanya sa bayan pero pinaalis niya rin agad ito para hindi na nito makita si Leonora. Wala siyang binanggit na kahit ano sa lalaki. Palinga-linga. Kanan--kaliwa. Dito siya susunduin ni Leonora, sa dating meeting place nila. Kinakabahan siya sobra sa pinaggagawa niya. Napabuga siya ng hangin para mapakalma ang sarili, parang aatakihin siya sa puso. "Kemp," malakas na tawag ni Leonora. Sumikdo ang puso niya nang marinig ang malakas nitong tawag. P*ste! Kailan pa siya naging nerbiyoso? "Leonora," alanganin ang ngiting bati niya sa babae na nagbukas lamang ng salamin ng sasakyan nito sa gawi niya. Pusturang-pustura si Leonora nang sipatin niya. Dala na niya ang gamit dahil hindi niya alam kung anong oras sila matatapos sa banko. Kumpleto naman siya at lagi niyang bitbit ang mga ID's niya. Magagamit ito sa bangko kapag nag-open siya ng bank account. Katabi ng babae ang abogado nito nang makapwesto siya sa loob ng sasakyan. Isang tango lamang sa lalaki ang ginawa nito nang makita siya. Agad hinawakan ni Leonora sa kamay ang binata. "Hindi ka na uuwi sa inyo, Kemp." "Anoo?" expect na niya ito pero nagulat pa rin siya dahil gusto pa niyang umuwi sana. "Sasama ka na sa akin," dugtong ni Leonora. "Sa bahay ka na titira, ok!" Nabigla man pero alam niyang mangyayari ito dahil tinanggap niya ang alok nito. Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya, naisip niya ang bahay-kubo niya. Kailangan niyang tawagan si Felix para ito muna ang tumao sa bahay niya habang wala siya. "Paano ang mga gamit ko, Leonora?" "Huwag mong isipin 'yon, Kemp. Magkakaro'n ka ng mga bagong gamit." Natahimik na lang siya pero ang kaba niya, hindi talaga maalis-alis sa dibdib niya. Masyado siyang kabado sa pinasok niya dahil sa laki ng agwat nila. Tanging abogado na lamang ni Leonora ang nag-asikaso ng account na in-open niya pagkatapos mabigay ang ID's at mapirmahan ang form. 1 million pesos. Napalunok siya nang hawak na niya ang passbook. Nanginginig ang kamay nang buklatin ito--napahugot siya ng malalim na hininga nang makita kung magkano ang laman nito. Totoo nga! Isang milyon ang nasa passbook niya na nakapangalan sa kanya. Deposited na! "Siguradong magugustuhan mo ang mga gamit na pinamili ko sa 'yo, Kemp," pukaw ni Leonora. "Mga style mo ang binili ko."  Naputol ang pag-iisip niya nang lingunin ang babae, napaka-eleganteng manamit nito. Bakit parang barya lang dito ang isang milyon? Magiging asawa na niya ito sa mga susunod na araw. Wala namang nagkakagusto sa kanya na kaedad niya dahil mas kinagigiliwan siya ng mga may edad na babae. "Aayusin ng abogado ko ang passport mo," wika ng babae sabay hawak sa kamay ni Kimpoy kasabay ng paghimas sa palad nito. "Lilipad tayo ng Hongkong anytime soon.." Napakislot siya sa ginawa nito pero kailangan niyang sanayin ang sarili sa presensiya ng babae. Hindi na ma-absorb ng utak niya ang sinasabi nito dahil okupado na naman ito ng kung ano-ano. Lord, patawad kung mukha akong pera. "Kemp," naiiritang sita ng babae. "Kanina pa'ko nagsasalita..." "Sorry, Leonora!" nakangising saad niya, palibhasa, lumilipad na naman ang isip niya. "Nabibigla lang ako, ang bilis kasi." "Magiging asawa na kita anytime soon," ngisi ng babae sabay napadako ang kamay nito sa hita ng binata bago ito pinisil. Napakislot na naman siya. Parang gusto niyang magmura pero--hindi--ikakasal na sila... Help me, Lord!  Sa isang kuwarto ng mansiyon siya pinatuloy ng babae. Hindi sila nagsama ni Leonora sa isang kuwarto kaya lubos ang pasasalamat niya dahil nalilito pa rin siya. Ramdam naman niya na mabait ang babae at hindi basehan sa kanya ang edad sa pag-aasawa. Basta mabait ang mapapangasawa, ok lang sa kanya. Nauna lang talaga ang pag-offer ng babae sa kanya ng pera kaya naiba ang sitwasyon. Palakad-lakad siya sa loob ng kuwarto.  Uupo.  Tatayo. Tama ba itong desisyon niya? Parang sasabog ang dibdib niya kaya agad niyang tinawagan si Felix. Sinabi niya ang lahat kaya sobrang shocked ito. Sakaling 'di man sila magkita ng kaibigan, at least mapapanatag siya na natitingnan ang bahay niya. Pamana ito ng lola niya kaya may halaga ito sa kanya. "Oo, Felix. Magkikita pa ta-" naputol ang sasabihin sana niya nang may kumatok sa pintuan. "Sige, pare...tatawag ulit ako. I-ikaw na muna ang b-bahala diyan.." Marami pang katanungan si Felix pero pinutol na niya ang tawag. Balak niya sanang umuwi muna sa bukid at makipagkita sa kaibigan pero mukhang malabo na ito mangyari. "Sir, tanghalian na po! Inaantay na kayo ni Senyora Leonora sa hapagkainan," saad ng katulong nang mapagbuksan niya. "O-ok, susunod na ako!"  Huminga siya nang malalim bago sumunod sa katulong. Naninibago siya sa bagong set-up. Nadatnan niyang nakaupo na sa pahabang lamesa si Leonora. Napakaraming pagkain sa harap nila. May nakauniporme pang katulong na nagse-serve sa harap ng babae. "Isang linggo ang hihintayin natin bago ang flight pa-Hongkong, Kemp," imporma ni Leonora na agad sumenyas na maupo na ang lalaki. "Sa susunod pa na week makukuha ang passport mo." Napakahaba ng lamesa na inokupa nila pero sila lamang dalawa ni Leonora ang kumakain. Napakalayo pa ng babae dahil sa kabilang dulo ito ng lamesa. Napalunok siya. Naasiwa. "Ganoon ba?" hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nakaramdam siya ng panliliit sa sarili dahil alam niyang bayad siya nito pero--ituturing niya itong asawa na legal. Sagrado ang kasal para sa kanya...sa mata ng Diyos at sa mata ng mga tao...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD