Isang milyon? Napakalaking pera nito kung papatusin niya.
Napabaling ang tingin niya sa katabing babae dahil kumikiskis ang braso nito sa braso niya. Deretso ang tingin ng babae sa perya at nakatayo rin ito sa gilid ng kalsada kagaya niya na nakikitingin lamang sa mga naglalaro. May mga tanod na nag-aastang traffic enforcer para pabagalin ang mga sasakyang dumadaan. Marami ring tao ang naglalakad sa kalsada at napakaingay ng mga ito.
"Isang milyon kapalit ng pagpapakasal mo sa akin," muling bulong ng babae sa kanya. "I'm Leonora, ikaw?"
Tantiya niya'y lagpas na ito ng singkwenta at napakagara pa nitong manamit. Halata sa mukha nito ang edad pero ang naglalakihang alahas nito sa katawan, ito ang unang pansinin sa babae.
Napakislot pa siya nang muli nitong ikiskis ang braso sa parte ng braso n'yang walang tela. Hanggang siko ang pagkakapulupot niya sa kanyang long sleeve kaya exposed ito. Nakaramdam siya ng pagkaasiwa kaya pasimple niyang nilayo ang braso rito.
"K-Kimpoy e-este, Kemp, ako si Kemp," bagong pangalan na siya hindi na ang Kimpoy. Napangiti siya kung gaano ito kaganda sa pandinig niya nang banggitin ang pangalang iyon.
"Call or text me," may binigay na maliit na card ang babae sa kanya. "I'll wait," muli pa nitong hinaplos ang braso ng binata. "Baka gusto mong kumain muna tayo...somewhere."
Natingnan niya ang inabot nitong card pero dahil mapusyaw lamang ang ilaw sa kinatatayuan niya, agad niya itong nilagay sa pantalon. May kasama pang nginig ang kamay niya nang abutin ang card. Nginitian niya ang babae pero nag-aalangan siya kung sasama o hindi. Hindi niya ito kilala! Baka naman pinagti-trip-an siya nito dahil gwapo siya at talaga namang lapitin siya ng mga matatanda. Tiningnan niya ang mga kaibigan, busy ang mga ito sa paglalaro.
"Sige, asintahin mo!" sigaw ito ni Felix kay Jun-jun.
May hawak na plastic na baril si Jun-jun habang may pinapatamaan ito sa naka-display. Hindi naman kalayuan sa gilid ng kalsada ang perya. Madami ring tao ang nakikinuod sa mga naglalaro.
"Sunod na lang," ngiting pakli niya nang balingan ang babae. Isang milyon? Sino ba ang mag-o-offer ng ganun? Baka naman...joke lang? "Kasama ko kasi ang mga kaibigan ko, hindi ko sila pwedeng iwanan." Palusot na lang niya dahil may balak pa silang mag-disco na magkakaibigan.
Ngumiti naman ang babae sa kanya bago sumenyas ng "call me" habang nakalagay ang dalawang hintuturo sa tainga nito. Tinanguan niya lamang ang babae para umalis na ito. Natingnan pa niya ito nang tumalikod. Alalay ito ng isang lalaki at paika-ika pa itong naglakad.
Naman! Parang Nanay na kita...
Nahabol pa niya ito ng tingin pero agad itong naglaho dahil na rin sa rami ng tao na nagkakagulo sa kalsada. Halos isang oras silang naglagi sa perya bago pumunta ng plaza. Marami nang nagsasayawan sa gitna nang pumasok sila. May gate ang plazang ito at may mga tanod na nakabantay kapag papasok. Agad niyang tinanguan ang nagbabantay, niliyad pa niya ang dibdib nang ngumisi ito sa kanya. Mapabata, teenager o matanda, sama-sama ang mga ito sa gitna ng plaza.. Indak na indak na siya sa disco music na naririnig.
Inaya niya agad ang mga kaibigan sa gitna ng plaza kahit pa kapapasok pa lamang nila. "Tara na, mga pare. Sayawan na!" pero ang dalawa, tinakbo ng mga ito ang gitna kaya napasunod na lang siya.
Buhos na buhos sila sa pagsasayaw habang ine-enjoy ang disco music. Nagwawala na naman siya. Lahat ng moves ay nilabas niya. Giling dito--giling doon. Pababa--pataas. Twerk dito--twerk doon.
Tawa naman nang tawa si Jun-Jun pati si Felix sa klase ng pagsasayaw niya. Binulungan pa siya ng mga ito na siya ang 'Hari ng Dance Floor' ngayong gabi na sobrang ikinalugod niya.
Isang sweet music naman ang pumalit sa maharot na tugtugin kanina. Napangiti siya. Ginala niya ang mata sa paligid. Maghahanap siya ng kapareha na isasayaw niya sa gitna. Inayos pa niya ang polong suot, kumikinang din ang silver dots nito dahil sa ilaw sa plaza na tumatama rito.
Natuon ang kanyang atensiyon sa babae na nasa kabilang side ng plaza, ang babaeng iyon. Nakatingin ito sa kanya. Ito ang babaeng nag-abot ng calling card sa kanya kanina at--ang isang milyon, in-offer-an siya nito ng isang milyon.
Marahan siyang naglakad papunta sa puwesto ng ginang, mukhang type siya nito. Masubukan nga!
"Puwede ba kitang maisayaw, binibini?" ganito talaga siya mag-approach kahit sa mga may edad na.
Nakangiting nilagay ng babae ang palad sa nakalahad niyang kamay. Giniya niya ito sa gitna ng plaza. Isang sweet music na sikat noong 80's, ang Unchained Melody, ang pumailinlang. Marahan nitong nilagay ang kamay sa balikat niya at siya, humawak naman sa baywang nito bago ito nginitian nang pagkatamis-tamis.
Makinis ang balat nito kahit na may katandaan na. Para itong christmas tree sa rami ng alahas na nakasabit sa katawan nito pero magiliw itong nakatunghay sa mukha niya kaya napangiti siya. Napakapula rin ng lipstick nito. 'Leonora' ang pangalang binanggit nito kanina nang magpakilala ito sa kanya.
"Isang milyon, Kemp, para pumayag ka lang na magpakasal sa akin," seryosong simula ng babae na agad pinisil sa balikat ang lalaki. "Tanggapin mo na."
Napamulagat na naman siya, seryoso talaga ito? "Aah--" wala siyang maapuhap na salita.
"Kontakin mo ako sa numerong binigay ko sa 'yo. Idedetalye ko ang lahat sa 'yo kapag nagkita tayong muli," huling sinabi ng ginang at hindi na ito nagsalita pa.
Pinagpatuloy lamang niya ang pakikipagsayaw sa babae pero--napalunok siya. Nagbibiro ba ito? Seryoso ang mukha nito nang titigan niya. Halata sa pananamit nito na may kaya ito sa buhay dahil suot nito ang mga naglalakihang alahas. Nagulo tuloy ang utak niya. Para lamang niyang nanay ito kung tutuusin o lola kaya? Halos 40 years yata ang gap nila sa tantiya niya. At ang mga lalaking iyon, natingnan niya ang mga ito sa kabilang side ng plaza, mukhang mga bodyguard ito ng babae dahil pare-pareho ang mga damit ng mga ito--kulay itim.
Pagkatapos ng tugtog, hinatid niya ito sa dating puwesto nito.
"Hihintayin ko ang tawag mo," muling bulong nito sa binata. "Isang milyon ang ibabayad ko sa 'yo, Kemp."
Hindi na nga siya nakapagsalita halos dahil sa mga narinig sa babae. Papatulan ba niya ito? Ito ang huling pag-uusap nila at hindi na niya ito namataan sa plaza pa nang hanapin niya ito.
Nalagay tuloy siya sa malalim na pag-iisip nang makabalik sa pwesto nilang magkakaibigan.
"Ok ka lang, pare. Bakit tulala ka?" tanong ni Felix sa kanya na may kasamang siko. "Tingnan mo 'yong chicks na 'yon, tingin nang tingin sa 'tin." Natawa pa si Felix nang balingan ang kaibigan. "Hoy, ano na?"
"Ah! Wala, pare! Napagod lang siguro ako sa kakasayaw," nabiglang sagot niya. Isang milyon? Nagbibiro ba ang babae? "Pa-pahinga muna tayo, F-Felix." Nagulo ang utak niya sa offer na iyon.
Wala kang mapupulot na gano'n sa daan dahil may pangarap din naman siyang makaahon sa buhay. Ito na ba ang pagkakataon niya? Sa totoo lang, nakakasawa na rin ang ginagawa niya, walang pera, napakaliit ng kinikita niya bilang magsasaka. Wala siyang sariling lupa maliban sa maliit na lupa kung saan nakatirik ang bahay niya, pag-aari na niya ito. Nakikisaka lang siya at matumal pa ang ani minsan.
Isang desisyon ang nabuo niya ng gabing iyon. Bakit hindi, 'di ba?
Kinabukasan.
Nakipagkita siya sa babae kinaumagahan pero--kinakabahan siya sa ginagawa niya. Parang gusto niyang umurong pero--maganda itong opportunity para sa kanya. Nagdududang tiningnan niya ang babaeng kaharap. Mukhang pera na kung mukhang pera pero papatusin niya ito kung kapalit nito'y rangya ng buhay na inaasam niya. Nakakasawa na ang maging mahirap sa totoo lang.
"Sigurado ka na ba sa desisyon na gagawin mo?" nakangiting tanong ni Leonora sa binata.
"Paki-explain nga." Sinipsip niya ang kapeng in-order ng babae para sa kanya. "B-bakit?" Maraming bakit na katanungan sa utak niya kung ba't nito gustong magpakasal sa kanya.
Tinawagan niya ang babae kagabi para magkita sila ngayon bago pa man sila makabalik sa bukid. May isa pang gabing ilalagi sila ni Felix sa lugar na ito.
Hinimas ng babae ang braso ng binata na ikinapitlag nito. "Magiging asawa kita, Kemp. Lahat ng gusto ko'y susundin mo," saad nito bago binigyan ng isang ngiti ang lalaki. "I'm a lonely woman, babayaran ko ang serbisyo mo bilang asawa ko. Magaling kang gumiling--huh--nakita ko nang magsayaw ka."
Nasamid siya sa sinabi nito. Hindi niya ma-gets!
"May pipirmahan kang kontrata sa akin at ibibigay ko ang bayad kapalit ng serbisyo mo," nakangiting binuksan ng babae ang LV bag nito at may kinuha itong cheque book.
"Pero bakit kailangan pa rin nating magpakasal?" naguguluhang tanong niya. "L-Leonora?"
Hindi niya alam kung bakit siya nakipagkita rito dahil parang nanay na niya ang babae. May pinirmahan ang babae sa cheque bago ito inabot sa kanya.
"Isang milyon, Kemp," nakangising pakli ng babae bago nilabas ang isang sigarilyo. "Leave it or take it!"
Tinitigan niya ang inabot nito pero parang hindi rumehistro sa utak niya ang halaga nito. Seryoso ba ito? Oo, gusto niyang yumaman kaya siya nakipagkita rito. Nag-aalangan siya kung ibabalik o tatanggapin ang cheque. Nilapag ito ng babae sa harap niya nang nag-aatubili pa siyang tanggapin ito nang kusa.
One million pesos ang nakasulat sa cheque na may pirma ng babae. Kimpoy Diamos ang pangalan na nakalagay sa cheque nito, ang pangalan niya. Binigay n'ya sa babae ang buong pangalan nang hingiin nito kagabi pa lamang pagkatapos niya itong tawagan.
"Hanggat hindi tayo legal, hindi kita maisasama sa kahit saan. Hindi rin kita maibabahay," pagpapatuloy nito bago sinindihan ang sigarilyo. "It's against the rule of my family."
Napangiwi siya bigla. "Pero nasa tamang edad ka na," duda pa rin siya sa pinagsasabi nito.
Umayos ng upo ang babae bago tinitigan nang matiim ang kaharap. "Contract marriage ang gagawin natin," dugtong ni Leonora. "Kung hindi ka interesado, marami pa akong puwedeng kuhain."
Sumeryoso ang mukha niya sa sinabi nito. Patay na! "O-ok, game!" kabadong saad niya bigla dahil baka bawiin nito ang offer. Bahala na si Batman! Kung ito ang paraan para mabago niya ang buhay, gagawin niya. Mukha namang mabait ang babae pero ang paninigarilyo nito, isa ito sa mga kinaaayawan niya sa babae.
"Sumama ka sa akin kung buo na ang loob mo," tumayo ang babae.
Alanganin siyang sumunod pero ang babae, naglakad na ito palabas ng restaurant. Tumigil ito bago siya nilingon nang hindi siya kumilos.
"Kemp," tawag ni Leonora. "Common..."
Napilitan siyang tumayo at sinundan ito, sa isang kotse ito dumeretso. Tumabi siya rito nang makaupo na ito sa loob ng sasakyan. Ang sasakyang ito, nakikita niya ito sa Tv at karamihang mayayaman lamang ang meron nito, isang Limousine. May sariling driver ang babae at may convoy ito sa likod, hindi pa man siya sigurado pero mukhang tauhan ito ng babae. Mayaman nga ito!
Hindi rin siya sigurado kung fake o totoo ang cheque pero papatingnan niya ito sa bangko sa Lunes. Sa isang private na lupain sila humantong, isang malaking gate ang pinasukan nila. Guwardiyado rin ito at maraming tao ang biglang sumulpot sa harap ng sasakyan na magkakapareho ang suot, puro nakaitim ang mga ito. Isang mansiyon ang nabuglawan niya, namangha siya sobra nang makalabas ng sasakyan. Napakalaki ng bahay na ito. Sunod-sunuran lamang siya sa babae, bawat taong madaanan nila, binabati ng mga ito si Leonora.
Ipininakilala siya ni Leonora sa abogado nito nang makapasok sila sa library ng bahay nito. "Meet Attorney Foncio..."
Yumukod siya sa abogado na tinanguan lamang siya. Ang seryoso naman ng lalaking ito pero mas hindi siya maka-get over sa bahay ni Leonora. Unang beses siyang makakita nito kaya namangha siya sobra pero hindi niya lang pinahalata. Isang printed document ang pinakita ng abogado sa binata. Isa raw itong contract sa pagpapakasal nila-- nakasaad dito na magiging asawa siya ng babae na valid for one year.
Ang isang milyon ay bayad sa kanya sa pagpapakasal sa babae. Wala siyang habol sa iba pang asset ng babae kapag kinasal na sila, pre-nuptial agreement din ito ayon sa abogado.
"Ok? Loud and clear, Kemp?" agad na tanong ng lalaki nang mai-explain ang lahat sa binata.
Bumuntong-hininga siya nang malalim bago binasa ang papel na pipirmahan. Mukha namang hindi nagbibiro ang babae dahil malaki ang bahay nito at guwardiyado pa. Jackpot ito!
Lapitin talaga siya ng matatanda. Matapos mabasa at mapirmahan ang kasulatan, binalik niya ito sa abogado, ipapa-notarize rin nito ang napirmahan niya. Bibigyan din sila ng kopya ng agreement ayon sa lalaki bago ito nagpaalam sa kanila.
Sumakit ang ulo niya. Tama ba itong desisyon niya? Sila na lamang ni Leonora ang naiwan sa library. Pinatayo siya ng babae sa harap nito. Sumunod naman siya dahil ayon sa contract, kailangang sumunod siya.
Napabuga siya ng hangin dahil nag-uumpisa pa lang sila pero parang gusto na niyang umurong.
"Hubad!" seryosong utos ng babae.
Napamulagat siya pero--ang isang milyon--dahan-dahan niya ring tinanggal ang butones ng polo nang maisip ang pera. Tumambad sa babae ang hubad niyang katawan pero nginuso pa nito ang pantalon niya. Ngiting-ngiti ito sa nakikita. Napakamot siya sa ulo bago marahang inalis ang belt at sinabay niya na rin ang pagbaba ng pantalon.
"Perfect, Kemp!" Nasisiyahang pumalakpak si Leonora sa nasilayang kahubaran ng lalaki. "Sayaw!"
Napalunok siya bigla. So, gagawin siyang macho dancer na asawa nito? Naasiwa siya pero--ang isang milyon, sinunod niya ang utos ng babae bago dahan-dahang gumiling.
Pumalakpak na naman ang babae sa sobrag tuwa. "I love it.."
Muli niyang sinuot ang mga damit pagkatapos ng palabas. Sa totoo lang, nangangapal na rin ang mukha niya sa sobrang pagkapahiya.
Ganito na ba siya kadesperado?