Lumilikha ng ingay ang kapusukang ginagawa nila ng kaniig na babae pero sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpatigil sa kanilang ginagawa. Kaulayaw niya ang isang babae, sa kwarto niya ito nagpalipas ng gabi matapos itong makilala kagabi.
"L-love me m-more, K-Kemp."
But the woman, she was not satisfied so she kissed him again. "Enough." Humalagpos siya pagkakayakap nito para pahintuin ito sa ginagawa. Binitawan niya ang babae at agad itong sinenyasan na tumayo.
"Why?" asar na tanong ng babae. Nakahilata pa ito sa kama niya and even parted her legs to tease him, giving him a seductive smile.
This girl, he didn't know the woman's name either. Nakilala lamang n'ya ito kagabi nang mag-night out sila ni Felix sa isang class na bar.
"Get up and leave!" in a sarcastic voice, he commanded her.
Tanging si Felix lamang ang puwedeng makaistorbo sa kanya. Hindi ito mang-iistorbo kung hindi rin lang importante, he knows. Hindi na niya pinagkaabalahang magtapis or magsuot ng kahit na ano dahil sanay na siyang gawin ito. Pareho silang hubo't hubad ng babaeng kasama, his one night stand. Sanay na si Felix sa kanya. Hindi kumilos ang babae nang sulyapan niya.
"What?" singhal n'ya rito.
Padabog namang tumayo ang babae, agad itong nagbihis sa harap niya. Isang matalim na tingin ang binato niya sa babae.
"Take the money," utos n'ya with irritation in his voice.
May lilibuhing pera na nakapatong sa side table. Walang pag-aatubiling kinuha ito ng babae nang makapagbihis. Pumunta naman s'ya sa pinto at binuksan ito. Sunod-sunod ang pagkatok sa pinto n'ya kaya lalo siyang nairita.
"W-what, Felix?" iritadong tanong n'ya nang pagbuksan ito ng pinto.
Nakangising mukha ni Felix ang tumambad pero may kasama ito--si Ms. Jologs. Napangisi siya. Nanlalaki ang mata ng dalaga na nakatunghay sa kanya. Biglang napatakip ng mukha ang babae nang makita s'ya. Tumalikod din ito bigla. He's naked and he don't care about it. Bahay niya 'to. Silang dalawa lamang ni Felix ang nakatira rito.
"Eh, boss, si Ms. J, importante raw ang sadya sa 'yo."
Nakangising tiningnan niya ang dalaga dahil nakasuot na naman ito ng hanggang sakong na palda na kulay orange naman. Ang pang-itaas naman nito, isang kulay green na long sleeve. Favourite yata nito ang green. Nakatalikod pa rin ang babae. Nakatali naman ang buhok nito na sobrang linis ang pagkakapuyod. Suot pa rin nito ang makapal na salamin sa mata.
Bigla namang lumabas ang babaeng kaulayaw niya kanina, wearing a slutty outfit.
"So, when will we meet again?" nakataas ang kilay na tanong nito sa binata.
"Don't expect anything," iritadong sagot niya. "Felix, go get her a taxi." He don't want to see this woman again, isa lang itong parausan sa kanya. Bumalik siya sa loob ng kwarto at kinuha ang isang tuwalya. Tinapis niya ito sa baywang. "Follow me!" utos niya sa bisitang may pagka-old fashioned. Napaharap siya bigla sa dalaga nang 'di ito sumunod. Nakatalikod pa rin si Ms. Jologs, her name starts with letter K. He forgot! "Miss! M-Ms. Jologs," inis na tawag niya sa babae. Nakatalikod pa rin ito at sa sahig lamang nakatingin. "Follow me, to my office now."
Katahimikan.
Napamura siya bigla dahil para itong natuod. Umangat naman bigla ang mukha ng babae nang marinig nito ang pagmumura n'ya. Salubong ang kilay nito nang tumingin sa kanya.
"To my office." Tumalikod na siya. "Don't waste my time, follow me!"
Muli niya itong nilingon at sinenyasan na sumunod sa kanya pero atubili pa rin itong sumunod.
"C-come!" singhal niya rito na ikipinanlaki ng mata nito. "Sit!" utos n'ya sa dalaga nang makapasok sa opisina n'ya na hindi pa rin makatingin sa kanya. Hinigpitan niya ang pagkakabuhol ng tuwalya bago umupo, katapat nito. Nahaharangan sila ng office table niya, agad niyang kinuha sa cabinet table niya ang documents nito. Pinasadahan niya ang dokumentong hawak, binigay ito ni Felix one month ago. "What can I do for you? Hmm, Kaycee, huh!"
Hawak n'ya ang mga document ng pagkakakilanlan ng babae. Pina-imbestigahan n'ya ito kay Felix after nilang makipag-usap sa mga ito nang bilhin niya ang lupa na pag-aari ng mga ito sa Quezon province. Seryoso ang mukha ng dalaga nang muli niyang sulyapan.
"Kailangan ko ho ng trabaho, baka kailangan mo ng--"
"Of course!" putol niya sa sinasabi ng dalaga. "Hindi ba nasabi ng tatay mo? May kontrata kaming dalawa na pinirmahan last month para maging maid kita rito."
Isang buwan na ang lumipas nang huling mag-usap sila ng ama nito. Naibigay na rin n'ya ang isang milyon na napag-usapan nila para sa isang taong kontrata ng dalaga. Kailangan n'ya itong gawin dahil kailangan n'ya ang dalaga sa pina-plan-o n'ya.
"Two million ang kabuuan na binigay ko sa tatay mo. One million sa lupa, another one million as p*****t for your contract bilang kasambahay ko for one year."
Napatayo bigla ang dalaga. "A-ano? Nagbigay ka ulit kay Tiyo Lando ng isang milyon?"
Nagsalubong ang kilay niya nang tingnan ang dalaga. "Bakit, hindi mo alam? Last month kami nag-usap. Isang buwan na rin akong naghihintay na magtrabaho ka rito pero 'di ka sumipot." Napatiim-bagang siya nang maalala ang matandang lalaki, ang amahan nito.
"Wala akong alam! Ahmm, ano'ng itatawag ko sa 'yo, sir?"
"Sir Kemp!" nakataaas ang kilay na tugon niya sa babae. So, wala itong alam sa usapan nila ng tatay nito na pagtatrabaho sa kanya? Napatayo s'ya bigla. "Hold on, you just said Tiyo? Hindi mo s'ya ama?"
Napalingon sila pareho sa pinto nang bumukas ito. Pumasok si Felix.
"Felix!" malakas ang boses na tawag n'ya rito. Lumapit naman ito at umupo kaharap ng babae. "What's this?"
"Ang alin, boss?" takang tanong ng lalaki.
"Ipahanap mo ang tiyuhin n'ya. Iharap mo sa 'kin ang lalaking 'yon. So, what's your name again?" binalingan niya ang dalaga, why he keep forgetting this woman's name? Nakatayo na siya sa harap ng mga ito, naka-cross pa sa dibdib n'ya ang mga kamay.
"Kaycee ho ang pangalan ko pero Kisay na lang ang itawag n'yo." Napailing bigla ang dalaga bago ito humugot ng malalim na hininga. "N-nawala ho bigla si Tiyo Lando, tangay n'ya ang lahat ng pera."
"What? That bast*rd! Felix," binalingan niya ang lalaki. "You know what to do. Kontakin mo ang ibang tauhan ni Papa para makita agad ang gag*ng 'yon." Naalala niya ang contract na pinapirma sa amahan nito. "We have a contract, you need to work one year for me."
"Sir--" naluluhang tiningnan s'ya ng dalaga. "K-kailangan ko ng pera para sa nanay kong may sakit. May dialysis na naman ho s'ya. Hindi na namin mahagilap si Ti-"
Napatakip sa bibig ang dalaga nang mahulog sa lapag ang tapis na tuwalya ng lalaki. Bigla itong umiwas ng tingin. Napaubo naman si Felix, pigil ang tawa.
"Go on!" utos n'ya sa babae. Dinampot n'ya ang tuwalya at pinulupot itong muli sa baywang.
Katahimikan...
"Hey! I said, go on," iritadong utos n'ya sa dalaga. Tinakbo pala ng tatay-tatayan nito ang pera. Bumalik s'ya sa upuan bago hinampas ang lamesa nang malakas. Napapiksi naman ang babae sa gulat. "I said, ituloy mo ang sinasabi mo kanina."
"Naka-confine si..si Nanay n-ngayon. L-lumipat na kami rito sa Maynila dahil kulang ang facilities ng ospital sa p-probinsiya."
"Boss," singit ni Felix. "Kinontak n'ya 'ko kaya sinundo ko siya dahil kailangan n'ya ng trabaho. Wala na s'yang malapitan na ibang tao bukod--ehem--sa'yo."
Napatango siya. May nilabas s'ya na papeles sa drawer, kagaya rin ito ng contract na pinapirma niya sa tatay nitong peke.
"Sign this contract." Nilapag n'ya ang papeles sa harap ng babae. Ayaw niyang niloloko siya kaya kailangang may contract. "Tell me more.."
"Boss," muling singit ni Felix. "Wala silang matutuluyan dito sa Maynila. Dineretso na namin sa ospital ang nanay n'ya. Kailangan talaga ng agarang paggamot do'n tsaka nilagay ko na sa maid's quarter ang gamit n'ya," nakangisi si Felix sa amo nang bangggitin ito.
"Good!" napapatangong tugon niya sa lalaki. Alam na alam na ni Felix ang gagawin. "Magkano ang kailangan mo?" binalingan niya ang babae.
"B-basta magamot lang ho si Nanay hanggang sa gumaling s'ya, Sir Kemp."
"No problem." Tumayo na siya, problem solved. "Prepare our lunch, Kisay. You'll start today." Tinungo niya ang pinto pero humabol ang dalaga.
"Sir, nasa ospital po si Nanay, eh. Gusto kong balikan si Nanay pa-para masiguro kong ok lang s-siya."
"I know what to do, ok?" Nilapit niya ang mukha sa babae pero napaurong ito. "Ita-transfer ko sa ibang ospital ang nanay mo. Just do your thing here. Do your job properly and we're good. Felix..."
"Coming, boss." Napasunod naman si Felix sa amo.
"Tawagan mo ang secretary ko. Ipa-transfer mo sa private hospital ang nanay niya." Tumingin pa siya sa dalaga. Nakikinig lamang ito. "Ang pinakamagaling na doktor dito sa Pilipinas ang ipakuha mo." Nakita n'ya ang pagngiti ng babae. Kung feeling nito na libre ang lahat ng ginagawa n'ya para rito, nagkakamali ito. Sisingilin n'ya ito sa tamang panahon. Nauna na s'yang lumabas sa dalawa.
"F-Felix," tawag ng babae na nakangiti, 'di kagaya kanina na napakaseryoso ng mukha dahil sa bigat na dinadala nito. "Salamat sobra, sa tulong na ginagawa niyo."
"O-ok lang 'yon," nakangiting tugon ng binata. "Mag-ingat ka diyan sa amo ko, este, magpasalamat ka sa amo ko. H'wag kang mag-aalala, Miss J," napatakip sa bibig ang lalaki.
Napangiti ang dalaga. "Kisay na lang, Felix. Kaycee ang real name ko pero sa palayaw ko na lang, ok na 'ko diyan."
"Kisay, nice meeting you ulit, ha." Sumenyas si Felix na sumunod ang dalaga. "Ito-tour kita sa bahay."
Nilibot ng lalaki ang buong kabahayan kasama ang dalaga. Seryoso lamang ang mukha ng babae na napapatango kapag may ine-explain si Felix. Kinabisado niya ang lahat na area ng bahay. Medyo nakakalito dahil napakalaki nito. May swimming pool din nang dalhin siya ni Felix sa labas. Walo ang kwarto rito ayon kay Felix. Sobrang nagtaka ang dalaga na wala man lang katulong ang boss nila.
"Ayaw kasi ni Boss na may kasamang iba, may pumupunta lang dito para maglinis." Nakangiting sinenyasan muli ni Felix ang dalaga para sumunod ito. Dinala niya ang babae sa kusina. "So, Kisay, sabi ni Boss, magluto ka raw ng lunch. I-ikaw ba ay may boyfriend n-na o nagka-boyfriend na?"
"Never pa, Felix. Focus ako sa pagpapagamot ni Nanay. Kailangan ko ng pera kaya trabaho muna ang priority ko."
Nakangising tumango-tango si Felix. Bingo! "Ikaw na, bossing," bulong ng lalaki.
"May sinasabi ka, Felix?" nagtatakang tanong ng dalaga.
"Ang suwerte ni Bossing, 'yon ang sinasabi ko," nakangising tugon ng lalaki. "Ang yaman kasi..."
Tumango-tango ang dalaga bago inikot ang paningin. Sobrang laki ng bahay na ito. Napakasuwerte ng amo na lumaki itong may kaya sa buhay. Hindi kagaya niya, isang kahig, isang tuka. Sobrang hirap pa s'ya dahil sa pagkakasakit ng ina. Ang nag-iisang pamana ng kanyang tatay na lupa, nawala pa. Tinakbo pa ng tiyuhin niya, ang pangalawang asawa ng kanyang nanay, ang pera na dapat ay para sa kanila.