CHAPTER II

2609 Words
ARABELLA NANG makapasok ako sa kusina ay naghahain pa ng pagkain sa table si Maylene. “Busog pa raw kasi si Gov. Gabriel kanina. Galing pala siya sa isang morning talk show para mag-guest. Eh, pinakain din daw siya ng almusal bago umalis,” paliwanag ni Ate Cora na siyang kasama kong naiwan dito sa kusina. Si Manang Lolit naman ang nasa dining room. Nakatayo siya sa isang sulok para magbigay ng mando kay Maylene kapag may kailangan pa itong gawin. I know. Pero hindi ko na lang sinabi kay Ate Cora na napanood ko sa TV si Gov. Gabriel kanina. Siguradong tutuksuhin din niya ako tulad ni Maylene. Kahit ang mayordoma namin ay alam din na crush ko ang kaibigan ng amo namin. Okay at normal lang naman daw sa isang tulad ko ang magka-crush. At saka hanggang pangarap lang naman daw iyon. Dahil bukod sa langit at lupa ang pagitan ng aming estado sa buhay, hindi rin daw boyfriend material ang isang Gov. Gabriel Contreras. Ubod daw kasi ito ng babaero. “Nagulat nga ako nang biglang pumasok dito si Gov. kanina, eh. Ewan ko bakit diyan siya dumaan sa backdoor,” nagtataka rin na wika ni Ate Cora. “Palagi namang sa maindoor iyon dumadaan.” “Baka naman po sinilip lang ang mga isda sa fish pond.” May maliit kasi na fish pond sa likod-bahay at isa iyon sa favorite spot ni Gov. Gabriel kapag pumupunta siya rito. Mahilig pala kasi sa isda ang crush kong ‘yon. “Isda ba talaga ang sinilip niya? O baka ikaw?” Nanunudyo na tiningnan ako ng labandera. “Akala mo siguro hindi ko nakita na magkausap kayo bago siya pumasok dito.” Pinamulahan ako ng mukha. “N-nagkabungguan lang ho kami. At saka… bakit niya naman ho ako sisilipin?” “Ewan.” Nagkibit siya ng balikat. “Napansin ko lang nitong nakaraan na parang nagpapansin sa’yo si Gov. Gabriel kapag nandito siya.” “H-ho?” Wala talaga akong alam sa sinasabi niya. Hindi naman kasi ako nakatingin sa crush ko kapag nandito siya. Takot ko lang na mahuli niya ako at malaman niya ang feelings ko. “Baka napansin na rin niya sa wakas ang beauty mo,” biglang singit ni Maylene nang pumasok siya rito sa kusina. “Narinig ko nga na pinag-uusapan ka nilang dalawa ni Sir Luigi habang kumakain sila. Hindi ko lang gaanong narinig kasi nakakahiya. Pero parang sinabi ni Gov. na maganda ka raw at hindi mo bagay ang maging katulong lang.” Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Pero ang sabi ni Maylene, hindi nga raw siya sigurado sa narinig. Ayaw ko namang paasahin ang puso ko. “B-baka naman nagkamali ka lang ng dinig.” Umiling ako at pilit binanalewala ang sinabi ng kasama ko. “Malay ko. Pero aminin mo na kinilig ka naman…” Kinurot ni Maylene ang tagiliran ko habang tinutudyo niya ako. “Dahil sa wakas napansin ka na rin ng crush mo. At si Gov. Gabriel pa.” “Ssshh!” Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya. “Huwag ka ngang maingay. Nakakahiya kapag narinig niya tayo o kahit ni Sir Luigi. Baka palayasin ako no’n.” “Hindi naman gano’n si Sir Luigi,” pagtatanggol ni Ate Cora sa amo namin. “Mas nag-aalala pa kami kung totoo man ang sinabi ni Maylene at ang hula ko na napansin ka na rin ni Gov. Gabriel. Kasi alam naman ng lahat kung gaano siya ka-babaero, ‘di ba? Siguradong isasama ka lang no’n sa listahan ng mga babaeng paglalaruan niya.” Hindi naman lingid sa akin ang bagay na iyon. Pero ewan ko. Kahit ano pa ang sabihin nila tungkol sa pagiging playboy ni Gov. Gabriel, hindi pa rin kayang maniwala ng puso ko. Para sa’kin, siya pa rin ang lalaki na dapat kong mahalin. Isang basketball player. Mababaw man siguro. Pero naniniwala kasi ang murang puso ko na kung ang bola nga ay ayaw niyang mapunta sa iba, ako pa kaya? Ganito na siguro ako kahibang sa paghanga ko sa kaniya. Iyong tipong sa tuwing nanonood ako ng bawat laro niya at nakaka-three points siya, feeling ko, padagdag din nang padagdag ang puntos niya sa puso ko. “Pero, Bella, ito, seryoso ‘to, ha…” mayamaya ay seryosong sabi sa akin ni Ate Cora. “Totoo na suportado namin ang pagkakaroon mo ng crush sa gobernador natin. Pero hindi ibig sabihin niyon na okay din sa’min na maging isa ka sa mga babaeng paglalaruan lang niya. Parang kapatid na ang turing namin sa’yo kaya ayaw naming dumating ang araw na nakitang nasasaktan ka. Lalo na’t bata ka pa at inosente.” “Maraming salamat po, Ate Cora.” Nakangiti na tumango lang ako sa kaniya. Nirerespeto ko naman kung ano ang pananaw nila kay Gov. Gabriel. Bulag lang talaga siguro ang puso ko. ARABELLA TAPOS nang kumain sina Sir Luigi at Gov. Gabriel. Ako naman ang pumunta sa dining room para magligpit ng mga pinagkainan nila. Natigilan pa ako nang makita ko sila na nakaupo pa rin kahit tapos nang kumain. Usually kasi, kapag tapos nang kumain ay tumatayo na agad sila. Ang sabi ni Manang Lolit, huwag daw akong magligpit hangga’t may tao pa sa lamesa. Kaya babalik na lang sana muna ako sa kusina. “Ah, Bella…” Pero bago pa man ako makatalikod ay narinig ko na ang boses ng aking amo. “Puwede ka nang magligpit dito. Okay na kami ni Gov.” “S-sige po…” Yuko ang aking ulo na lumapit ako sa table. Pilit kong inalis sa aking isipan ang mga pinag-usapan namin ng mga kasama ko kanina. Para hindi halata na medyo umasa ako. Umikot ako sa kabilang side kung saan walang nakaupo. Nakaharang kasi sa kabilang gawi ang malapad na likod ni Gov. Gabriel. “Excuse me po…” magaling na sabi ko bago ako nagsimulang magligpit. Nakababa pa rin ang aking mukha dahil hindi ko magawang tumingin sa kanila, lalo na kay Gov. “You know, you’re right.” Narinig ko na sabi niya nang abutin ko ang pinggan sa kaniyang harapan. “She’s perfect. And Lolo will surely like her.” Hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa kaniya kahit hindi ko naman alam kung sino ang pinag-uusapan nila. Nahuli ko tuloy na pinagmamasdan niya pala ako. Bigla akong na-conscious lalo. Medyo nakayuko kasi ako para maabot ko ang plato niya. Saka ko lang napansin na bahagyang nakalabas pala ang cleavage ko. Agad na tinakpan ko ito ng aking palad. Narinig ko na tumikhim lang si Sir Luigi. Hindi ko alam kung bakit parang tinutukso niya kami ng kaibigan niya. Alam din ba ng amo ko na patay na patay ako sa kaibigan niya? “Ako na ang magdadala ng mga ‘yan sa kitchen,” wika ni Gov. Gabriel, sabay agaw ng pinggan sa kamay ko. Nagdikit tuloy ang mga balat naming dalawa na nagdulot na naman ng kakaibigang pintig ng puso ko. “Naku, ako na po, Gov.” Mabilis na hinila ko ang aking kamay pero hindi ako pumayag na maagaw niya ang pinggan. Nakakahiya naman kung pagliligpitin ko lang siya samantalang isa siyang gobernador. “Trabaho ko po ito.” “Hayaan mo na si Gov., Bella,” wika naman ni Sir Luigi. Himala yata. Gusto niya kaya na alagang-alaga namin ang mga bisita niya. Lalong-lalo na kapag si Gov. “Masipag talaga ‘yan.” “Pero—” “I don’t take ‘no’ for the answer,” mabilis niyang sabi at inagaw na sa kamay ko ang pinggan bago ko pa man mailayo sa kaniya. “And from now on, ako na ang maglilipit ng mga pinagkainan namin ni Luigi kapag nandito ako.” Gusto ko pa sanang tumanggi kasi nakakahiya talaga. Hindi bagay sa napaka-neat niyang personality ang humawak ng mga hugasin. Pero mukhang wala naman siyang balak na magpatalo kaya ibinaba ko na lang ang kamay ko. Saka ko lang namalayan na nakikipagtitigan na pala ako kay Gov. Para akong na-hipnotize na hindi ko kayang alisin ang tingin sa kaniya. Ramdam ko na kahit ang aking mga tuhod ay apektado na rin. At bago pa man ako mawalan ng lakas ay sinimulan ko nang ligpitin din ang pinggan ni Sir Luigi. Pero mabilis na nakipag-unahan uli sa akin si Gov. Gabriel. “Ako na nga ang magliligpit nito lahat. Ang kulit mo,” natatawang saway niya sa’kin, dahilan para lalong manlambot ang katawan ko. Tumingin kasi siya sa mukha ko at hinuli ang mga mata ko. “Samahan mo na lang ako sa kitchen. At ituro mo sa’kin kung saan ko ilalagay ang mga ito.” “Bahala nga kayong dalawa diyan.” Kahit si Sir Luigi ay natawa na lang sa pag-aagawan namin. Nagpunas na siya ng tissue sa bibig bago tumayo. Kapagkuwan ay sumulyap sa kaibigan. “Hihintayin na lang kita sa office ko.” “Okay, bro.” Tumango lang si Gov. Gabriel bago umalis ang aking amo. Lalo akong nailang nang kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa dining room. Feeling ko ay sasabog na ang aking dibdib sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Tila sumikip bigla ang paligid. Tiningnan ko siya at nakita ko na mataman na naman siyang nakatingin sa akin. What’s with him? Bakit parang nagayuma yata siya? “Let’s go?” yakag niya sa akin. “A-ako na po ang magdadala ng iba.” Pinagpatong-patong na kasi niya lahat. Nag-alala ako na baka mahulog ang mga iyon at mabasag. At saka nakakahiya talaga. “Kayang-kaya ko na ‘to. Wala ka yatang tiwala sa’kin, eh,” biro ni Gov. Gabriel nang mabasa niya siguro ang nasa isip ko. “Hindi naman ho sa gano’n. Nakakahiya lang po talaga kasi—” “Basta isipin mo na ordinaryong tao lang ako kapag nagkaharap tayong dalawa at hindi ako ang gobernador mo.” Inunahan na niya ako ng sasabihin kaya naitikom ko na lang ang bibig ko. “Para hindi ka mailang sa’kin.” Hindi lang naman ‘yon, eh. Sasagi ka nga lang sa isipan ko, kumakabog na ang dibdib ko. “Mas okay siguro kung huwag mo na akong tawagin na ‘gov’. ‘Gab’ or ‘Gabriel’ na lang para mas mapalagay ang loob mo sa’kin.” Bigla akong napaisip sa suhestiyon niyang iyon. Pero ayokong bigyan iyon ng ibang kahulugan dahil ayaw ko na lalong umasa ang puso ko. “Hindi po tama na hindi ko kayo igalang, Gov. Parang ‘daddy’ na po kayo ng buong lalawigan…” Nagulat ako nang bigla na lang siyang masamid ng sariling laway. “W-what? Mukha na ba talaga akong daddy?” Parang hindi niya alam kung matatawa ba o maiinis. “I’m just thirty years old, Arabella. Ilang taon ka na ba?” “Twenty po.” “See? Ten years lang naman pala ang age gap natin para maging daddy mo ako. Tapos gusto mo, maging daddy pa ako ng buong Laguna.” Lihim akong napangiti nang mapansin ko ang simpleng pagsimangot ni Gov. Gabriel. Gosh, he’s so cute! Hindi ko napigilan na abutin at kurutin ang kaniyang pisngi. Pero nang mahuli ko ang pagkatigil niya at matiim na napatitig sa akin ay agad na binawi ko ang aking kamay at napayuko na lang. Saka lang ako nakaramdam ng hiya sa ginawa kong ‘yon. Feeling close lang, Arabella? “Hindi naman po literal ang sinabi kong ‘yon,” depensa ko kapagkuwan para pagtakpan ang pagkapahiya. Pilit akong humarap sa kaniya nang kaswal na para bang normal lang akong mamamayan na humahanga sa kaniya bilang isang magaling na pulitiko at leader. “What I mean po, na bilang gobernador ng buong lalawigan ay parang tatay na kayo ng mga Lagunense dahil kayo po ang umaako sa lahat ng responsibilidad para sa ikabubuti naming lahat.” Medyo umaliwalas na ang mukha niya. Napangiti pa nga. “Thanks. But I’m still young. ‘Wag mo naman agad ako patandain. Baka mapagkamalan na tayong mag-tito niyon,” bulong pa ni Gov. Gabriel. Lihim akong napalunok. Bakit ba parati sa akin nauuwi ang topic? Eh, buong lalawigan naman ang tinutukoy ko? “Kung puwede nga lang na huwag mo na rin akong po-‘po’-in,” dagdag pa niya. “Naku po, Gov. Mapapagalitan na po talaga ako no’n ni Sir Luigi.” Bahagya pa siyang napakamot sa batok habang may pigil na ngiti sa mga labi. “Paano ba kita mapapasunod sa gusto kong mangyari? To be honest, hindi talaga ako komportable sa tuwing tinatawag mo ako na ‘gov’ at pino-‘po’ mo pa.” “Ibig sabihin po, hindi rin kayo komportable kapag tinatawag kayong gano’n ng mga kasama ko rito?” inosenteng tanong ko. “At ng buong lalawigan po?” Napuno ng amusement ang mukha ni Gov. Gabriel nang tuluyang gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. “Bakit ba ang inosente mo masiyado?” Naguguluhan na tumingin ako sa kaniya. “H-ho?” “Wala.” Nangingiti na umiling lang siya sa’kin bago niya ininguso ang daan papunta sa kusina. Nawili ako sa pakikipag-diskusyon sa kaniya kaya hindi ko namalayang tumagal na pala kami rito sa dining room. Buti na lang at hindi nangawit ang kamay niya na hawak-hawak ang mga hugasin habang nakikipag-usap sa’kin. “Ladies’ first.” Ayoko sanang maunang maglakad at nakasunod siya sa’kin. Lalo lang akong maiilang dahil hindi maiwasan na matingnan niya ang kabuuan ko. At hindi nga ako nagkamali. Dahil habang papasok kami sa kusina ay bigla na lang nagtayuan ang mga balahibo ko. Damang-dama ko ang maiinit na titig ni Gov. sa kabuuan ko. At nang lingunin ko siya ay kinindatan pa niya ako. Ibig ba niyong sabihin ay tama talaga ang hinala ko na pinagmamasdan niya ako habang nakatalikod sa kaniya? Hindi ko ipinahalata kay Gov. na apektado ako sa simpleng tingin niya. Naglakad ako nang kaswal patungo sa lababo at saka ko siya binalingan uli. “Pakilapag na lang po dito ang mga iyan, Gov. Ako na po ang maghuhugas.” Napasinghap ako nang maglakad siya palapit sa akin. Agad akong nagbaba ng tingin nang tingnan na naman niya ako sa mukha. “Ano kaya kung tulungan na rin kitang maghugas? Tutal, kami naman ni Luigi ang gumamit ng mga iyan,” nakangisi na suhestiyon ni Gov. Gabriel nang mailapag niya sa sink ang mga hugasin. Tatanggi na naman sana ako nang maramdaman ko na nagdikit ang aming mga braso. Lumapit pa siya lalo sa akin. Nailang ako, kinabahan. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya dahil mataman siyang nakatitig sa akin. Baka kapag nagsalubong ang aming mga mata ay bigla na lang akong himatayin. Lalo at parang tambol na naman na bumabayo sa loob ng dibdib ko ang t***k ng aking puso. “Huwag mo nang tangkain na tumanggi kung ayaw mong sabihin ko kay Luigi na tanggalin ka sa trabaho,” sabi pa niya habang lalong inilalapit sa akin ang mukha niya. Amoy na amoy ko ang mabangong male scent ni Gov. at lalo lang nagpapadagdag sa kaba ko. “Ikaw naman, hindi na mabiro.” Ngumisi siya at saka walang gatol na pinanggigilan ang kanang pisngi ko. “Hindi ka naman tatanggalin no’n kahit sabihin ko pa. Dahil ang sabi niya, mabait ka raw at masipag.” Napangiti ako dahil binibida rin pala ako sa kaniya ni Sir Luigi. Gayon man ay hindi ko pa rin maitago ang pagkailang sa aking mukha dahil nag-uusap kami ni Gov. na ilang dangkal lang ang layo ng aming mga labi. Natukso tuloy ako na titigan ang lips niya. Ano kaya kung halikan ko siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD