CHAPTER I

1475 Words
ARABELLA PAWIS NA PAWIS ako pagkatapos maglinis dito sa malawak na sala. Pinunasan ko muna lahat ng naka-display bago nag-vacuum. Nakagat ko na lang ang aking labi nang makita ko ang aking mga palad na namumula. Medyo magaspang na rin ito dahil sa araw-araw na trabaho. Gayon man ay wala akong pinagsisisihan. I wanted this kaya dapat lang na tiisin ko. Naka-one year ka na, self. Kakayanin mo pa ang maka-one-year uli. Basta walang susuko para sa pangarap natin. Hihilahin ko na sana ang vacuum papunta sa dining room. Iyon ang next na lilinisin ko. Pero natigilan ako nang mapatingin ako sa malaking TV na binuksan ko kanina bago nagsimulang maglinis. Mas ganado kasi ako kapag nakabukas iyon. Hindi naman ako nanonood. Nagbabakasakali lang ako na lumabas mula roon ang taong gusto kong makita palagi. Mabait naman ang amo namin. Okay lang sa kaniya na gamitin namin ang halos lahat ng gamit dito sa mansiyon. Ang importante raw, nagagawa namin nang maayos ang trabaho namin. Binitiwan ko sandali ang vacuum at umayos ng tayo paharap sa malaking screen nang marinig ko ang pagtawag ng isang host ng talk shows sa pamilyar na pangalan. “Good morning, Gov. Gabriel Contreras. Welcome to our show po!” sabay na bati ng dalawang babaeng host. Kahit medyo pormal ang pakikipag-usap nila sa bagong pasok na lalaki, hindi pa rin maitatago ang kilig sa kanilang mukha. Kung puwede nga lang tumili, for sure na ginawa na nila. Parang sira na nag-eratiko bigla ang t***k ng puso ko habang nakatitig kay Gov. Gabriel. Napaka-well-groom niya at sobrang neat kung manamit. Naka-closed-crop ang buhok at clean-shaven naman ang buong mukha. Lalong na-emphasize ang Mexican look niya. Pinagmasdan ko uli nang mabuti si Gov. Gabriel habang nakikipag-usap na siya sa dalawang host. Dark hair, brown eyes at olive ang skin tone niya na sobrang captivating and unique. Plus, ang tangkad-tangkad niya. Six-feet and nine inches daw ang height niya. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang maging basketball player. Napangiti ako nang ngumiti si Gov. Gabriel sa dalawang kausap. Napaka-charming talaga ng ngiti niya at napaka-suave ng personality. Nakaka-adik pagmasdan ang isang gaya niya. Hays. Puwede kaya akong pumasok sa TV kahit ilang segundo lang? “Bella, tapos ka na ba diyan sa sala? Linisin mo na rin ang dining room at baka magising na si Sir Luigi,” boses iyon ng aming mayordoma na si Manang Lolit mula sa kusina. “Opo, Manang Lolit! Lilipat na po ako sa dining room!” Nakangiti na sinulyapan ko muna sa huling pagkakataon ang guwapong mukha ni Gov. Gabriel bago ko pinatay ang TV. Pagkatapos ay inilibot ko muna sa buong sala ang aking paningin para masigurong malinis na talaga. Hindi naman maarte at istrikto ang nag-iisang amo namin na si Sir Luigi. In fact, mas maselan pa nga si Manang Lolit. Mabait naman siya pero mas gusto niya na palaging malinis at maayos ang buong mansiyon. Palagi kasing may mga bisita ang amo namin. At hindi lang basta mga bisita, mga mayayaman din na kaibigan niya, mga sikat, at matataas na personalidad sa lipunan tulad ni Gov. Gabriel. Tinungo ko na ang dining room after kong masiguro na wala ng kahit anong dumi sa sala at naayos ko na rin ang dapat ayusin. Kahit pagod na ay pinagbuti ko pa rin ang paglilinis sa dining room. Ingat na ingat din ako sa mamahaling gamit na naroon. Ang sabi kasi ni Manang Lolit, mas mahal pa raw sa buhay ko ang presyo ng halos lahat ng kagamitan sa mansiyon. Bagay na ipinagkikibit-balikat ko na lang. “Nalinis mo ba nang maayos ang sala at dining room?” usisa sa akin ng mayordoma nang pumasok na ako sa kusina. Naibalik ko na sa tamang lagayan ang mga ginamit ko sa paglilinis. Nakangiti na tumango ako, “Opo, manang.” “Alam ko naman na maayos kang magtrabaho. Pero iinspeksiyunin ko pa rin at may makakasalo si Sir Luigi sa almusal,” pagkasabi niyon ay umalis na ang mayordoma at pumunta sa dining room. “May bisita pala si Sir Luigi ngayong umaga?” tanong ko sa isa pa naming kasama na si Maylene. Naghuhugas siya ng mga ginamit sa pagluluto. “Oo, Bella. At alam mo ba kung sino?” Nanunukso ang mukha niya nang humarap siya sa akin. “Ang crush mo. Si Gov. Gabriel.” Nanigas yata ako bigla. ARABELLA NINE THIRTY na rin yata dumating si Gov. Gabriel. Pero hindi ko pa siya nakikita. Narinig ko lang kay Maylene at sa labandera naming si Ate Cora. Naligo na kasi ako after kong maglinis. Gusto ko na mabango ako at malinis kapag nagkaharap kami ng crush ko. Ako kasi ang taga-ligpit ng table at si Maylene naman ang taga-serve. Humahalimuyak ako sa bango nang lumabas ako ng maid’s quarter. Hindi naman kami required na magsuot ng uniform kaya simpleng dress na bulaklakin na lagpas-tuhod ang aking suot. Lampas balikat lang ang buhok ko pero straight na straight at sobrang itim pa. Ang sabi nga ng mga kaibigan ko noon, bagay daw sa’kin ang mahaba ang buhok dahil parang model ng shampoo. Pero nagpagupit ako simula nang mamasukan ako rito. Medyo malaki din ang built ng katawan ko at five-five ang height ko. Ang dami ngang nagsasabi na parang dalagang-dalaga na raw talaga ako kahit kaka-twenty years old ko pa lang naman. Maputi rin ako at makinis. Ang sabi pa nga noon ng mga kasama ko rito, para daw akong anak-mayaman. Kaya nag-alangan daw noong una si Sir Luigi na tanggapin ako nang mag-apply akong katulong pagkatapos kong makita ang naka-paskil na karatula sa labas ng mansiyon. Pero tahimik lang ako sa tuwing sinasabi nila sa’kin na hindi ko raw bagay ang maging katulong. Dahil nakayuko ako habang naglalakad kaya hindi ko napansin na may lalaki rin na papasok sa backdoor. Iyon ang pinto papunta sa kusina. Nagkabungguan tuloy kaming dalawa. ‘Buti na lang talaga at mabilis niya akong nahawakan sa baywang bago pa man ako ma-out-of-balance. “Sorry po, Sir Luigi…” agad na sabi ko bago ko pa man makita ang hitsura ng lalaki. Wala naman kasing ibang lalaki rito maliban sa amo namin at sa driver niya. May hardinero pero stay-out at day-off niya ngayon. Dahil amoy-mayaman ang nalanghap ko sa damit ng lalaking nakabunggo ko kaya inakala ko na si Sir Luigi iyon. “Oopps, sorry…” anang baritonong boses na pamilyar na pamilyar sa pandinig ko pero sure ako na hindi si Sir Luigi. Mabilis akong napatingin sa kaniya, para lang magulat. “G-Gov. Gabriel…” nautal ako dahil sa biglang pagbilis ng t***k ng puso ko nang bumungad sa akin ang napakaguwapong mukha niya. “S-sorry po uli…” sabi ko nang makabawi ako sa pagkatulala ko sa kaniya. Pero hindi nakasagot ang guwapong kaibigan ng amo ko. Nagtataka ako kung bakit nakaawang lang ang bibig niya habang nakatingin sa akin. For one-year na pagtatrabaho ko rito, halos araw-araw kaming nagkikita dahil bisita siya palagi ni Sir Luigi. Ang amo ko kasi ang CEO ng isa sa company niya. Pero ngayon lang ako tinitigan nang ganito ni Gov. Gabriel. “Ako ang dapat na mag-sorry. Nagmamadali ako kaya hindi kita napansin,” sabi niya nang makahuma siya sa wakas. Kahit ang boses, napaka-suwabe rin. Binitiwan niya ako at bahagyang lumayo sa’kin. “Arabella, right?” Napalunok ako. Hindi ko akalain na natatandaan pala niya ako. First time yata na binanggit niya ang name ko. And take note, buong pangalan pa, ha? Pamilya ko lang kaya ang tumatawag sa’kin ng gano’n. Natural na kinilig na naman ang pobreng puso ko. “Opo, Gov.,” magalang na sagot ko at saka tumango. “Good morning po pala. Sorry kung late na ang pagbati ko sa inyo.” Bukod sa literal na kagalang-galang ang posisyon niya sa buong Laguna, kagalang-galang naman talaga siyang tingnan. Kahit sino na may mababang estado sa buhay at hindi sanay makipaghalubilo sa mga kagaya niya, mahihiyang humarap sa kaniya. Well, dahil iba ako sa kanila kaya medyo makapal ang mukha ko na kausapin pa siya. Ultimate crush ko lang talaga siya kaya ninenerbiyos ako nang ganito. Napangiti lang siya sa’kin. “It’s okay. And good morning din.” Lihim na namang ngumiti ang puso ko. Ikaw ba naman ang batiin ng gobernador n’yo, eh. Plus, sikat na basketball player at negosyante pa. Tinitilian din ng lahat ng mga babae. Package deal, ‘di ba? “Thank you po,” kaswal na sagot ko. Kunwari hindi ako kinikilig. “Bakit nga po pala dito kayo dumaan sa likod?” “Bakit? Bawal ba?” “H-ho? Hindi naman—" “Just kidding.” Kinindatan pa niya ako bago siya tuluyang dumiretso papasok sa kusina. Tulala akong naiwan. Tama ba ang nakita ko? Kinindatan ako ng crush kong gobernador? O nangangarap na naman ako ng gising?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD