CHAPTER III

2624 Words
ARABELLA “BELLA…” Napahinto ako sa pagpupunas ng mga display sa sala nang marinig ko na tinawag ni Sir Luigi ang pangalan ko. Kinabahan ako bigla. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Gov. Gabriel noong isang araw. Na sasabihin daw niya sa amo ko kapag hindi ko sinunod ang gusto niya na itigil ko na ang pagtawag sa kaniya na ‘gov’ at pag-‘po’ ko sa kaniya. Hindi ko kasi siya sinunod. Ginagalang ko pa rin siya sa ganoong paraan nang magkita uli kami kahapon. Hindi ko kasi talaga kaya. Feeling ko mas lumalalim pa ang feelings ko sa kaniya kapag tinatawag ko siya sa pangalan lang at kinakausap ko siya na parang normal na tao lang. Parang pinapaasa ko lang ang sarili ko kahit alam ko naman na imposibleng magkagusto rin siya sa’kin. For now, kuntento na ako na nakikita ko lang palagi si Gov. Gabriel. At hindi na iyon mangyayari kapag pinaalis ako dito ni Sir Luigi. Kinakabahan na nilingon ko ang amo ko, “B-bakit po, Sir?” “Pinapatanong nga pala ni Gov. Gabriel kung puwede ka raw bang maglinis sa condo niya.” Lumapit sa akin si Sir kaya sigurado ako na malinaw kong narinig ang sinabi niya. Pero feeling ko nabingi ako dahil bigla na lang akong kinabahan, imbes na makahinga nang maluwag. “H-ho? Ako po? Ang maglilinis ng condo ni Gov?” Bakit ako? Eh, ang yaman-yaman kaya ni Gov. Gabriel. Hindi hamak na mas mayaman siya kaysa sa amo ko. Wala ba siyang sariling katulong na mauutusan? Pero ang totoong pinoproblema ko talaga ay ang ideya na pupunta ako sa condo ng crush ko at makakasama ko siya. Na kami lang. “Don’t worry. Wala doon si Gov. kung iyon ang inaalala mo.” Nginitian ako si Sir Luigi na para bang nababasa niya ang laman ng isip ko. Napahiya tuloy ako kay Sir. Baka isipin niya na nagrereklamo ako. O kaya na malisyosa ako. “Sorry po. Hindi naman po ako nagrerek—” “It’s okay.” Nakangiti pa rin siya sa akin. Mabait talaga ang boss ko. Guwapo rin tulad ni Gov. at halos magkasing edad lang naman sila. Pero ewan ko kung bakit hindi ako nag-a-admire sa kaniya katulad ng paghanga ko sa kaibigan niya. “Pero kung ayaw mo naman, puwede naman si Maylene. Ikaw lang kasi talaga ang ni-request ni Gov.” Gusto ko sanang tanungin kung bakit ako talaga. Pero ayoko nang magsalita at baka mapangiti pa ako nang wala sa oras. “Kailan po ako maglilinis sa condo ni Gov, Sir? At saan po ‘yon?” masigla nang tanong ko sa amo ko. “Ngayon din habang nasa Manila pa siya. At saka ihahatid kita roon.” ARABELLA KAHIT sinabi na sa akin ni Sir Luigi na wala sa condo unit nito si Gov. Gabriel, kinabahan pa rin ako nang makarating kami sa tapat ng pinto. Iniwan daw ni Gov. kay Sir ang susi kaya nakapasok kami. “Alam ko naman na maayos kang magtrabaho. Kaya hindi ko na kailangang sabihin pa sa’yo kung ano ang mga dapat mong gawin, ‘di ba?” sabi ng amo ko bago niya ako iniwan. Basta maglinis lang daw ako tulad ng paglilinis na ginagawa ko sa mansiyon niya. Huwag daw akong mahiyang galawin ang kailangan kong galawin basta ibalik ko lang sa dating ayos. Siguro dahil may tiwala naman sa akin si Sir Luigi na hindi malikot ang kamay ko. Kahit minsan ay never kong pinagkainteresan ang mahahalagang gamit sa silid niya na ako rin ang naglilinis. Kumpleto na rin sa pagkain ang kusina. Ako na rin daw ang bahala sa foods ko. Mamayang hapon daw niya ako susunduin. Kabilin-bilinan din ni Sir Luigi na huwag daw akong umalis hangga’t hindi siya dumadating. Kailangan daw niyang i-secure nang mabuti itong unit ni Gov. Gabriel. “Opo, sir. Ako na ang bahala dito.” “Thank you, Bella. For sure na matutuwa si Gov. kapag naabutan niya na malinis at maayos ang condo niya.” Nakangiti na tinapik pa niya ako sa balikat bago siya tuluyang umalis. Nang makaalis si Sir Luigi ay saka ako napatitig sa buong paligid. Ito na yata ang pinaka-expensive na condo unit na napasukan ko sa tanang buhay ko. Nasa gitna ng city itong condominium at malapit sa lahat. Lalo na sa kapitolyo. Kaya siguro kumuha nito si Gov. Gabriel kahit may mansion naman itong tinitirhan kasama ang lolo. Sa pagkakaalam ko kasi, malayo iyon sa siyudad. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko sinimulan ang paglilinis. Naisip ko na baka biglang dumating si Gov. at gusto niya agad magpahinga kaya una kong nilinis ang silid niya. Actually, wala naman akong nakikitang kailangan kong gawin dito sa room niya nang pumasosk ako. Maayos ang mga drawer at cabinet niya. Kahit ang pagkaka-hanger at pagkakatupi ng mga damit niya ay well-organize. Wala rin akong nakikitang dumi o kalat sa paligid. Kahit ang mga throw pillow sa mahabang sofa ay maayos ang pagkakalagay. Ultimo kama niya ay maayos at wala akong nakikita na kaunting gusot sa bedsheet. Mukhang bagong palit pa nga. Pinunasan ko ng daliri ang mga table at sahig. Wala rin akong nakuha na kahit kaunting alikabok. Pumasok ako sa loob ng banyo. Pati dito sa loob ay malinis at maayos din. Super bango pa. Sa kakahanap ko ng gagawin, na-imagine ko na lang tuloy si Gov. Gabriel na hubot’t hubad at naliligo nang mapatingin ako sa shower. Ano ba ‘yan, Arabella? Ang manyakis mo, ha. Nagba-blush na lumabas na lang ako para pumunta naman sa terrace na karugtong nitong kuwarto niya. Sampayan na natumba lang yata ng hangin ang inayos ko dahil pati dito ay maayos at malinis din. May nakita kong kaunting alikabok sa lamesa at upuan dahil siguro nakaharap ito sa kalsada. Pagkatapos kong tanggalin ang alikabok na iyon ay bumalik na ako sa room ni Gov. Gabriel para maghanap uli ng puwede kong ayusin at linisin. Pero wala talaga. Napangiti na lang ako habang nakatitig ako sa malaking picture frame niya. “Hindi ka lang pala maayos at malinis sa katawan. Pati na rin dito sa condo mo. Kaya na-i-in love sa’yo ang puso ko, eh.” Nakurot ko na lang ang sarili ko bago lumabas. Kahit ang sala at kusina ay malinis din. Pati nga ang banyo dito sa labas, nangingintab sa sobrang kalinisan. Wala akong nakikita na kahit anong kalat. Baka kasi may regular na naglilinis dito. Pero bakit pa niya ni-request kay Sir Luigi na maglinis ako dito kung wala naman pala akong dapat na linisin? Gusto ko sanang tawagan ang amo ko para sabihin ang problema ko. Pero nagtaka ako nang malaman ko na wala sa bag ang cellphone ko. Baka naiwan ko sa kotse ni Sir Luigi. Kaya ko namang umuwi nang mag-isa, kung tutuusin. Sa bahay na lang ako mag-explain. Pero ayaw ko na madismaya sa akin ang amo ko kapag sinuway ko ang bilin niya. Baka bigla pa niya akong sesantehin. Naglinis na lang tuloy ako kahit wala naman akong dapat linisin. At dahil mahaba pa ang araw kaya inubos ko na lang ang oras ko sa panonood ng TV habang hinihintay ang pagbabalik ni Sir Luigi. ARABELLA HINDI ko namalayan na nakatulog pala ako dito sa sofa habang nanonood ng TV. Kung hindi ko pa naramdaman na tumulo ang laway ko sa throw pillow, hindi ako magigising. Saka ko naman maririnig ang pagbukas ng pinto. Muntikan pa akong mahulog dito sa sofa nang makita ko si Gov. Gabriel na pumasok doon. Parang kadarating lang yata niya dahil nakasuot pa siya ng pang-office na damit at may hawak siyang attache case. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon kaysa sa hitsura niya kapag naglalaro ng basketball o kaya kapag pumupunta siya sa bahay ni Sir Luigi na naka-rugged lang. Pero ano man ang suot niya, ang guwapo pa rin ni Gov. at mukhang ang bango-bango. Kahit maligo man siya sa pawis habang naglalaro. Tahimik na sinaway ko ang sarili ko nang ma-realize kong nakatulala pala ako kay Gov. Gabriel. Mabilis na tumayo ako at bahagyang yumukod. “G-good afternoon po, Gov. P-pasensiya na po kung nakatulog ako dito sa sofa n’yo.” Napagod kasi ako sa kakaisip kung ano pa ang puwedeng linisin dito sa condo mo. “It’s okay. Parang iyon lang.” At hayun na naman ang klase ng ngiti niya na sapat na para magwala na naman ang puso ko. Bahagya akong umiwas ng tingin nang maghubad siya ng sapatos. Pero sa gilid ng mga mata ko ay pasimpleng sinusundan ko ng tingin ang ginagawa ni Gov. Gabriel. Kaya nakita ko kung paano niya ayusin ang mga iyon sa shoe rack. Napakasinop niya pala talaga! Kung ibang lalaki pa ‘yon, like Sir Luigi, siguradong basta lang iyon ipapatong o kaya iiwan sa sahig at iasa sa mga katulong. Gosh. Lalo yata akong na-in love sa’yo, Gov. Puwede bang puso ko naman ang ayusin mo na kanina pa nagbubuhol-buhol ang pagtibok? “Ako nga ang dapat na mag-sorry. Mukhang napagod ka yata sa paglilinis nitong unit ko.” Saka lang ako tumingin uli sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya, sabay iling. “W-wala nga po ako masiyadong ginawa. Ang linis-linis na po nitong unit n’yo, eh!” “Gusto ko kasi na palaging malinis at maayos ang lugar na ginagalawan ko. Mas masarap kumilos kapag maaliwalas ang paligid, ‘di ba?” nangingiting tanong ni Gov. Gabriel at tumango naman ako para sumang-ayon. “Nilinis at inayos ko na po lahat ng nakita kong dumi at gulo.” Kahit halos wala naman. “May ipapagawa pa po ba kayo?” Gusto ko nang magpaalam nang luwangan niya ang kaniyang necktie. Nakaramdam na ako ng pagkailang kahit wala namang masama sa ginagawa niya. “Hmmm.” Inilibot niya ang tingin sa paligid. “Mukhang wala naman na. Nagawa mo naman na siguro ang ibinilin ko kay Luigi, di ba? Na ayusin ang mga pinaglumaan kong gamit. Iyong mga naka-box sa ilalim ng kama. Ipapamigay kasi namin sa mga biktima ng sunog sa Nagcarlan.” Kumunot ang noo ko. “H-ho? P-pero wala naman pong sinabi sa’kin si Sir Luigi. Bast maglinis at magligpit lang daw po ako.” “Ulyanin na talaga ang amo mong ‘yon,” nakangisi pang komento ni Gov. Gabriel at saka lumapit nang bahagya sa’kin. “Anyway, hayaan mo na. Ako na ang mag-aayos ng mga ‘yon since maaga naman akong nakauwi. May gagawin ka pa yata sa inyo, eh. Sorry kung nakaistorbo ako.” “No!” mabilis na sagot ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko. “Ang ibig ko pong sabihin, wala po akong ibang gagawin sa mansiyon kasi ibinilin na iyon ni Sir Luigi sa mga kasamahan ko. Dahil nga dito raw ako naka-assign ngayon. Wala lang po talaga akong makita na gagawin pa dito sa unit n’yo kaya magpapaalam na sana ako,” mahabang paliwanag ko. Hindi ko kayang hayaan si Gov. na gawin ang trabahong hindi naman bagay sa kaniya. “Pero dahil hindi ko nga po nagawa ang ibinilin n’yo kay Sir Luigi kaya hindi muna ako uuwi.” “Kung hindi sana makakaabala sa’yo…” As if naman na kaya kitang tanggihan, Gov? Maiilang lang ako pero hindi ka kayang tiisin ng puso ko. “Naku, hindi po. Hindi talaga. At saka binabayaran po ako ni Sir Luigi. Nakakahiya naman po kung hindi ko sundin ang mga ipinag-uutos niya,” pagdadahilan ko bigla dahil hayun na naman ang mga titig niya na nagbibigay sa akin ng pagkailang na pakiramdam. Baka mahulaan pa niya ang totoong dahilan na naglalaro ngayon sa isip ko. “At saka, katulong lang po ako na kailangang sumunod sa amo.” “But it doesn’t mean na maging sunod-sunuran ka lang sa lahat ng gusto ng amo mo kahit labag na iyon sa loob mo o kaya ay sa right mo as human. Paminsan-minsan, kailangan mo ring pumalag para hindi ka abusuhin,” seryosong payo niya sa akin. “Dahil lahat ng tao ay pantay-pantay. Mahirap man o mayaman. Always remember that, okay?” Natural na humanga na naman ako kay Gov. Gabriel. Napakabait niya talagang tao. Kaya siguro mahal na mahal siya ng buong Laguna. At iyon ang isa sa mga rason kung bakit isa ako sa mga babae na nababaliw pa rin sa kaniya sa kabila ng bali-balitang pagiging playboy niya. Basta na lang ako tumango. Wala na akong masabi sa kabaitan niya. “Okay lang po ba kung kukunin ko na ang mga ipapaayos n’yo? Para po sana masimulan ko na,” magalang na paalam ko. Hindi na naman ako makatingin nang diretso sa kaniya dahil nahuli ko siya na titig na titig sa’kin. What’s with him? Sa wakas ay tinantanan din ako ng tingin ni Gov. Kaya nakaangat uli ako ng mukha. “Let’s go inside,” aniya, sabay lakad papunta sa kuwarto niya. Bahagyang umawang ang mga labi ko. Ano raw? Papasok kaming dalawa sa silid niya? Ano naman ngayon, Arabella? Nando’n ang mga kailangan mong ayusin, ‘di ba? Alangan namang si Gov. pa ang magbubuhat ng mga iyon. agad na sita sa’kin ng isip ko. “Come in.” Saka lang ako kumilos sa kinatatayuan ko at sumunod kay Gov. nang makita ko na binuksan na niya ang pinto. Gusto kong magprotesta dahil sa sobrang kaba ko. Pero baka isipin naman niya na malisyosa ako. “Dalhin ko na lang po sa labas at doon ko na aayusin.” Sa wakas, na-apply ko rin ang sinabi niya sa’kin kanina na paminsan-minsan ay kailangan ko ring pumalag. “Para po hindi maistorbo ang pamamahinga n’yo.” “Hindi naman ako pagod kasi natulog lang naman ako sa buong biyahe. Dito mo na lang gawin sa loob ng kuwarto ko para maisama mo na rin ang iba ko pang gamit na nasa mga drawer at cabinet pa,” paliwanag niya at wala namang halong malisya ang boses niya. Ako lang talaga itong green minded. Mukhang wala na akong choice nang yumukod si Gov. Gabriel at kinuha sa ilalim ng kama nito ang malaking box. Akala ko iyon lang ‘yon. Pero may kinuha pa siya na dalawang kahon uli. “Piliin mo na lang ‘yong mga puwede pang pakinabangan.” Lihim akong napangiti habang pinapanood ko siya na nagsasalita. Kasi parang hindi siya bilyonaryo kung umasta. Eh, halos bago nga lang ang mga gamit na nakikita ko sa mga kahon. Ang iba nga may price tag pa. “Ako na po mag-aayos ng mga ‘yan, Gov,” pigil ko sa kaniya nang makita ko na parang sisimulan na niya ang pagso-sort sa mga iyon. Lumapit ako sa kaniya habang nakaupo siya sa gilid ng kama. Nakangiti na tumingin siya sa’kin. “Okay.” Nang tumayo siya sa harapan ko ay saka ko lang na-realize na napasobra pala ang paglapit ko sa kaniya. Halos isang hakbang na lang yata ang pagitan namin. Gusto kong humakbang paatras pero hindi ko maintindihan kung bakit parang pinako ako sa kinatatayuan ko. Tapos parang sinasadya pa ni Gov. Gabriel na lalo kaming magkalapit kasi yumukod siya at kinuha ang isang box na nasa lapag. Naamoy ko agad siya. And gosh. Ang bango niya talaga! Napigil ko na lang tuloy ang hininga ko. “Maliligo lang ako sandali. Tutulungan kita pagkatapos ko,” mayamaya ay paalam niya sa’kin na bahagyang nagpalaki sa mga mata ko. Ano raw? Maliligo siya habang nandito ako sa loob ng kuwarto niya? Hindi na ako nakaimik nang tumalikod na siya at naglakad patungo sa banyo. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig dahil hindi naman niya inilapat nang tuluyan ang pinto niyon. Naliligo na kaya si Gov?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD