ARABELLA NAGISING ako na nandito na sa aking silid sa bahay namin sa Bacolod. Mabilis akong bumangon at tumakbo patungo sa pinto para subukang buksan. Pero nadismaya lang ako nang malamang naka-lock ito. At lalo akong nanlumo nang malamang nakakulong na rin sa bakal ang bawat bintana. Siguro natakot sila na baka ulitin ko ang ginawa ko noon na pagtakas gamit ang malaking bintana sa likod. “Kuya Aries! I know you’re there! Please open the door!” malakas na sigaw ko habang binabayo ko itong pinto. Mangiyak-ngiyak na ako, hindi dahil sa masakit na kamay ko kundi dahil sa matinding galit, takot, at pag-alaala. “Kuya Aries, please!” Kahit namamaos na ako sa kakasigaw at walang sumasagot sa akin ay hindi pa rin ako tumigil. Katapat lang nitong aking silid ang kuwarto ng kuya ko. I’m still h