CHAPTER IV

1606 Words
ARABELLA HINDI ako mapakali habang naririnig ko lang ang lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo. Hindi tuloy ako maka-focus sa ginagawa ko. Parang gusto ko nang lumabas pero worried naman ako na baka ma-disappoint sa’kin si Gov. Gabriel kapag sinuway ko siya. Mayamaya ay narinig ko na bumukas ang pinto ng banyo. Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglabas niya mula roon. Mabilis akong tumayo para lumabas dahil siguradong magbibihis siya. Pero biglang naharangan ni Gov. Gabriel ang daraanan ko. Napasinghap ako nang makita ko na nakatapis lang siya ng tuwalya. Agad akong napayuko dahil nahihiya akong humarap sa kaniya na gano’n ang hitsura niya. “L-lalabas lang po ako, Gov. Para makapagbihis po kayo,” nauutal na paalam ko habang nakababa pa rin ang ulo. Gusto ko sanang tumingin sa kaniya dahil baka isipin niya na bastos akong makipag-usap. Pero baka lalo lang maging bastos ang tingin niya sa’kin kapag hindi ko napigilan ang sarili ko at kung saan dumako ang mga mata ko. Ang lapad pa naman ng katawan niya at ang tangkad-tangkad niya. “No need. Hindi naman ako magbibihis sa harapan mo. Pero kung gusto mo naman, okay lang din sa’kin.” Kita naman sa mukha ni Gov. na nagbibiro lang siya. Iba lang talaga ang dating sa’kin ng pagngsi niya. Hindi naman iyong tipong parang nabastos ako. But for sure, kung ibang lalaki ang nagsabi niyon sa’kin, baka binatukan ko na. My breath stopped when I looked him. “B-bakit ko naman po kayo panonoorin habang nagbibihis? Ano naman po ang mapapala ko?” “Seriously?” Gov. Gabriel kept on grinning. “Ganiyan ka ba ka-inosente na hindi mo alam ang mapapala mo kapag nakita mo akong nagbibihis? At nakita mo ang abs ko?” I don’t know if nilalandi ba niya ako or hindi. Ang masasabi ko lang, ibang-iba siya sa gobernador at kaibigan ni Sir Luigi na nakakaharap ko. Porke ba’t dalawa lang kami dito sa room niya? “Hindi naman po ako interesado sa abs n’yo, Gov.” Hindi ko na napigilan ang mapasimangot sa harap niya. Ayaw ko nang nilalandi niya ako. Hindi dahil sa nababastusan ako kundi dahil feeling ko, parang isa lang ako sa mga babae na gusto niyang paglaruan. Gusto ko iyong seryosohin niya ako. “Hindi ako katulad ng ibang babae diyan na katawan lang ng lalaki ang habol.” Mas interesado ako sa puso mo na mapa-sa’kin, Gov. Gusto ko sanang bawiin ang pagsusungit ko sa kaniya nang ma-realize ko ang mga salitang lumabas sa bibig ko. I was afraid na baka magalit siya sa’kin at isumbong niya ako kay Sir Luigi. Pero nagtaka ako nang tumingin ako kay Gov. Gabriel at sa halip ay napansin ko ang amusement na naglalaro sa mga mata niya habang nakatitig nang matiim sa’kin. “That’s why I like you… I mean, as a person. Kasi bukod sa mabait, masipag, at prangka, matinong babae pa. Kaya nga ikaw ang ni-request ko kay Luigi na maglinis dito, eh. Kasi I know na safe ako sa’yo,” anito at saka tumawa nang marahan. Hindi ko alam kung matutuwa ba o ano sa sinabi niya. Okay na sana iyong una, eh. Iyong like daw niya ako. Kikiligin na sana ang puso ko. Pero iba naman pala ang ibig niyang sabihin. “Ano po ang ibig n’yong sabihin na safe kayo sa’kin?” sa bagay na iyon ako mas inosente. I’m not sure sa gusto niyang iparating sa’kin. Biglang sumeryoso ang mukha ni Gov. Gabriel habang pinagmamasdan niya ako. “Maraming babae ang gustong pikutin ako. Halos lahat yata ng nakakasama ko, lalo na sa ganitong pagkakataon. Ikaw lang itong harap-harapang tinanggihan ang abs ko.” Napaawang na naman nang bahagya ang mga labi ko. Oh, my gulay! Paano kaya kapag nalaman niya na safe nga sa’kin ang abs niya pero delikado naman ang puso niya? Paano naman naging delikado kung mamahalin mo naman siya nang tunay? agad namang depensa ng kabilang isip ko. “Buti po wala pang nagtagumpay na pikutin kayo,” pabiro na lang na sagot ko. “Buti na lang talaga,” anito at tumango-tango pa. “Dahil kung nagkataon, hindi sana kita…” Kusa nitong ibinitin sa ere ang karugtong ng sinasabi nito na ipinagtaka ko. “Ano po?” Ngumiti lang sa akin si Gov. Gabriel bago niya tinawid ang aming pagitan at walang gatol na pinisil ang pisngi ko. “Never mind. Sige na, lumabas ka muna kung gusto mong lumabas. Magbibihis lang ako.” Napipilan ako. Para saan ang pagkurot niya sa pisngi ko? With matching eye to eye contact pa. At bakit feeling ko nagpapa-cute siya sa’kin? Nagbawi ako ng tingin nang hindi ko na makayanan ang malagkit na titig na ipinagkaloob niya sa’kin. “S-sige po. Lalabas lang ako sandali,” paalam ko bago tuluyang tumalikod. ARABELLA HINDI ko alam kung gaano katagal nagbihis si Gov. Gabriel. Pero parang hindi pa umiinit ang puwet ko rito sa sofa nang bumukas ang pinto ng room niya at iniluwa niyon ang guwapong-guwapo na mukha niya. Lalo siyang naging presko dahil basang-basa pa ang buhok niya. Tapos naka-sando na puti lang siya at naka-cargo shorts na brown. Para na naman akong timang na napatulala sa kaniya habang palapit sa akin. Pero aanhin mo naman ang kaguwapuhan mo kung hindi naman ako ang jowa mo, Gov… “Earth to Arabella.” Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang boses ni Gov. Gabriel. Kung hindi ko pa nakita ang nakangising mukha niya, hindi ko malalaman na nakalapit na pala siya sa akin. Grabe talaga ang epekto sa’kin ng basketbolista na ‘to! Hindi lang sa ring magaling mag-three points. Pati sa puso ko, shoot na shoot. “G-Gov, nandiyan po pala kayo…” Bahagya akong umatras para dumistansiya sa kaniya. Takot ko lang na baka marinig na naman niya ang puso ko na nag-Sha-ram-dara-sha-ra-ram na naman. Pasensiya na. Dahil kahit Zoomers ako, fan pa rin ako ng kantang Kapag Tumibok Ang Puso ng sikat na singer noong nineties na si Miss Donna Cruz. In fact, iyon ang theme song ko para kay Gov. Gabriel. “Ang lalim kasi yata ng iniisip mo kaya hindi mo ako napansin.” Inisang hakbang niya ang natitirang pagitan namin at pinakatitigan ako sa mga mata. “Ngayon ko lang napansin na ang kapal pala ng mga pilik-mata mo.” Ilang segundo akong hindi nakagalaw at nakahinga dahil sa ginawang pagdukwang ni Gov. At nang makabawi ako, tumikhim ako at muling umatras. “M-marami nga po ang nagsasabi na parang fake daw po ang eyelashes ko dahil sa sobrang kapal at haba.” “That’s not true. Hindi siya mukhang fake. In fact, you have perfect lashes that suits your pretty eyes.” That made me smile. Siya pa lang kasi ang taong nagsabi sa’kin niyon. Kahit ang sariling pamilya ko, sinasabi na mukhang peke nga raw ang mga pilik-mata ko. Maliban siyempre sa mother ko na sadly, matagal nang patay. Magkatulad din pala sila nang sinabi ni Gov. Gabriel. “Hindi n’yo naman po ako kailangang bolahin. Hindi ko naman po kayo sisingilin sa paglilinis ko rito dahil ang totoo, wala naman akong ibang ginawa kundi ang matulog.” Nagbaba siya ng mukha sa akin na may pilyong ngiti sa mga labi. “Not now. Dahil may gagawin tayo sa loob ng room ko.” Pagkasabi niyon ay bigla na lang hinawakan ni Gov. Gabriel ang kamay ko at hinila niya ako pabalik sa silid niya. Bigla akong nanigas at hindi ako makapalag. Sunod-sunuran lang ako hanggang sa isara niya ang pinto nang makabalik kami rito sa loob. “G-Gov… Ano po ang gagawin n’yo sa’kin?” Parang binayo ang dibdib ko sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko nang paupuin niya ako sa gilid ng kama. Siya naman ay tumayo sa harapan ko. Ipinatong pa niya ang kaniyang palad sa ibabaw ng ulo ko para pigilan ako nang akmang tatayo ako. “G-Gov, please… h-huwag po.” Pero parang walang pake na lumuhod pa siya sa harapan ko. Hindi pa rin ako makatayo dahil nakaharang ang dalawang braso niya na pumagitna sa aking mga hita habang nakatukod sa gilid ng kama. Nakatingin siya sa akin habang may ngiti sa mga labi. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Para akong napaso nang dumantay sa hita ko ang balat niya sa kamay. “Mabilis lang ‘to kung magtutulungan tayong dalawa. Promise, hindi kita pahihirapan,” halos pabulong na sabi niya na lalong nagpagulo sa puso at isip ko. “Ako na ang bahala sa lahat.” Ano ba ang pinagsasabi niya? Balak ba niyang may mangyari sa amin? At gusto niya na makipagtulungan ako sa kaniya? At alam niya na virg*n pa ako at hindi niya ako pahihirapan? Ganoon ba talaga ka-baba ang tingin niya sa'kin kaya niya ako ipinadala rito sa condo unit niya? Ibig sabihin, alam na rin niya na may gusto ako sa kaniya at gusto niya iyong i-take advantage. Sa ideyang iyon ay bigla yatang tumaas ang presyon ko kahit ang bata-bata ko pa naman at wala naman kaming lahi ng high blood. Hindi ko na naisip kung sino man ang kaharap ko ngayon. Biglang umigkas ang isang kamay ko at tila nandilim ang paningin ko nang sampalin ko nang malakas si Gov. Gabriel. “Hindi ho porke’t crush ko kayo ay bibigay na ako sa inyo. Dahil sa lalaking mapapangasawa ko lang ibibigay ang virg*nity ko!” galit na sigaw ko sa kaniya at nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat nang bigla ko siyang itinulak, dahilan para mapaupo siya sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD