CHAPTER IX

2307 Words

ARABELLA “ANO nga pala ang importanteng sinabi sa’yo ni Sir Luigi noong ipatawag ka niya sa’kin?” Three days ago na ‘yon pero ngayon lang naisipang itanong sa’kin ni Maylene. Bukod sa busy siya no’n, sinadya ko talaga na iwasan siya. Hindi ko masabi na kaya ako ipinatawag ng aming amo ay dahil ipinaalam na pala ako ni Gov. Gabriel na isasama sa bakasyon niya sa Holy Week at pinayagan namin ako. Three days lang naman daw at saka kaibigan naman niya ang kasama ko. Iyon ay kung okay daw sa’kin. Pero siyempre, ako pa ba ang aayaw? “Sinabi niya sa’kin na puwede raw akong magbakasyon sa Holy Week kung gusto kong dalawin sina lolo at lola,” pagsisinungaling ko kay Maylene. Dahil siguradong makakarinig na naman ako ng sermon kapag nalaman niya na si Gov. Gabriel ang kasama ko. “Wow, talaga!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD