ARABELLA NAGISING ako sa ugong ng sasakyan na aking narinig mula sa labas ng bintana. Excited akong bumangon at sumilip. Sa kabila ng paghihinampo at galit ko kay Gabriel, umaasa pa rin ako na gumawa siya ng paraan para mahanap ako. Kaya gano’n na lang ang pagkadismayang naramdaman ko nang makita ko na hindi niya sasakyan ang huminto sa tapat ng aming bakuran. Pero kahit dismayado man, natuwa pa rin ako nang makita ko si Sir Luigi na bumaba mula roon. Hindi na ako nag-ayos ng sarili at nagmamadaling lumabas para salubungin siya. “How are you?” nag-aalalang bungad sa akin ni Sir Luigi nang magkita kami rito sa labas. “Hindi mo man lang ba aalamin kung bakit ako umalis at kung bakit dito ako pumunta at hindi sa bahay mo?” imbes ay tanong ko rin sa kaniya. “I don’t need to.” Pilit niya