CHAPTER XLVIII

2409 Words

ARABELLA ISANG oras na rin simula nang dumating sina Gabriel at Phoebe. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap ng asawa ko. Kaya hindi ko tuloy maintindihan kung ano ba talaga ang ginagawa niya rito. Para lalo lang akong pasakitan sa pamamagitan ni Phoebe? Nakikita naman niya noong nasa Laguna pa lang kami na pinagseselosan ko ang kinakapatid niya. Pero heto at isinama pa niya rito. At ang walang hiyang babae, simula nang dumating sila rito, hindi na humilay sa asawa ko na lalong nagpapakulo sa dugo ko. Lagi na lang nakalingkis kahit hanggang ngayon na kausap ni Gabriel sina Lolo Magno at Lola Iska sa may bakuran. Kami naman ni Sir Luigi ay pinapasok na ng matandang asawa dito sa loob ng kubo. Hindi man nila sinabi, alam ko na gusto nila akong protektahan laban kay Gabri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD