ARABELLA “KUYA GAB, puwede ba akong sumama sa’yo sa kapitolyo?” Napahinto kami sa paghaharutan ng aking asawa habang palabas kami ng bahay nang sumunod sa amin si Phoebe na nakabihis din. Papunta na ng munisipyo si Gabriel at ihahatid ko siya sa garahe. Hindi na ako nagulat sa tanong na iyon ng kinakapatid niya. Dahil sa loob ng dalawang buwan na pananatili niya rito, sanay na akong magkasama sila palagi. Ni hindi na nga ako nagtaka kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin siya. Samantalang ang sabi niya noon, isang buwan lang ang bakasyonn niya rito. Dapat nga isasama na siya ng kaniyang mga magulang noong umuwi rito ang mga iyon nang mamatay si Lolo Emman. Pero nagpaiwan si Phoebe. Hindi raw nito kayang iwanan ang kinakapatid sa malungkot na estado ng buhay nito. At hindi ko nama