CHAPTER XXXIX

2621 Words

ARABELLA PARANG bomba na sumabog sa aking harapan ang mga narinig ko kay Phoebe at ang nadatnan ko rito sa opisina ni Gabriel. Nararamdaman ko na unti-unting napupunit ang aking puso. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng masasaya naming sandali kaninang umaga lang ay madadatnan ko siya na kandong at kahalikan ang babaeng kanina lang din ay pinagkatiwalaan ko para bantayan at alagaan ang asawa ko. Ano ang nangyayari?! Nananaginip lang ba ako? Parang sasabog ang dibdib ko. Gusto kong sumigaw pero bakit walang lumalabas sa bibig ko? Hindi ako makapaniwala na ito ang kapalit ng lahat ng saya, kilig, at excitement na naramdaman ko simula pa kagabi. God, bakit naman po ganito? “So, you’re here…” Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang malamig na boses na iyon ni Gabriel. At saka ko lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD