ARABELLA NAGISING ako na may magandang ngiti sa aking mga labi. Ang daming magagandang bagay ang nangyari sa akin sa mga nakaraang taon na ipinagpapasalamat ko sa Diyos hanggang ngayon. Lalo na ang pagiging parte ng buhay at pagiging asawa ng kaisa-isang lalaking minahal ko. Pero kakaiba ang umagang ito. Actually, kagabi pa lang. At batid ng Diyos kung bakit. Mas tumamis ang aking ngiti nang tumagilid ako ng higa at humarap sa asawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na makita siyang sa wakas ay natutulog na uli nang mahimbing. Halos isang buwan din kasi na palaging may luha sa kaniyang mga mata kapag nakapikit. Hindi man niya sabihin sa akin, ramdam ko naman na masiyado niyang dinibdib ang pagkawala ng lolo niya. Yes, it’s been month simula nang mawala si Lolo Emman. Kahit ako man, sobrang