ARABELLA “HI!” Napapiksi ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Saka ko lang na-realize na hindi ako namamalikmata lang. Na si Gabriel nga itong nasa harapan ko ngayon. “T-Tito, a-ano po ang ginagawa n’yo rito? At kailan pa po kayo dumating dito sa Bacolod?” Gabriel stared at me for a while. Kapagkuwan ay ngumiti siya nang ubod ng tamis. “Pinupuntahan ka. ‘Di ba ang sabi ko sa’yo noon, magkikita uli tayo? So, that’s why I’m here.” Hindi agad ako nakaisip ng isasagot. At sino ang hindi ma-i-speechless kung kaharap mo ang taong nagpapatibok ng puso mo at may nakakatunaw na ngiti? Tapos kung magsalita pa siya, parang normal lang na magkita kami. Na para bang ang tagal na naming magkakilala at wala siyang fiancée tapos tita ko pa. “Unless, may magagalit na kapag dinalaw kita