ARABELLA “SINO po pala ang sinadya n’yo rito sa Bacolod kung hindi si Tita Ylona?” usisa ko kay Gabriel habang kumakain na kami. Kahit busog pa ako dahil sa kinain namin ni Ruru kanina, naging ganado pa rin ako. “Sino pa sa tingin mo?” sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Ibinitin pa talaga niya ang pagsubo ng pagkain para lang titigan ako. Napatitig din ako sa kaniya, nagtataka. “Malay ko po sa inyo, tito. Si Tita Ylona lang naman ang alam ko na puwede mong sadyain dito sa Bacolod.” Bandang huli ay ako rin ang hindi nakatagal at unang nag-iwas ng tingin. “Hindi ko pa nga pala nasasabi sa’yo na may mga kaibigan din ako dito sa Bacolod. At matagal na nila akong niyayaya na pumunta rito. Ngayon ko lang napagbigyan,” kapagkuwan ay paliwanag ni Gabriel. Aminin ko man o h