ARABELLA KUMUSTA ka na, Gabriel? Two months na lang, kasal n’yo na ni Tita Ylona. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin tayo nagkikita uli. Miss na miss na kita. God knows how many times I tried to text and call you. But I can’t. I still love you. Pero tanggap ko nang hindi tayo ang itinadhana. Pero magsisinungaling ako sa sarili ko kung hindi ko hinihintay ang pagbabalik mo, Gabriel. Umaasa pa rin ako sa sinabi mo noon na magkikita uli tayo. Kasi kahit papaano, magaling na ako. Hindi na ako madalas managinip nang gising. Tinupad ko kasi ang promise ko sa’yo noon na magpagaling. Kahit papaano, magiging proud na ako kapag nagkita uli tayo. For now, unti-unti ko nang natatanggap na hindi totoong asawa mo ako at may anak tayo na si ‘Baby Kian’, na buhay pa sina Lolo Magno at Lola Iska. The