PROLOGUE

1113 Words
ARABELLA ILANG minuto na lang at sasapit na ang alas onse ng gabi. Pilit kong itinatago ang pagkainip sa aking mukha habang hinihintay ang pagdating ng aking asawa na si Gov. Gabriel Contreras. Ilang oras na rin akong nandito sa loob ng isang mamahaling restaurant na ipina-reserve niya para i-celebrate ang aming first wedding anniversary. Dapat susunduin niya ako sa bahay pagkagaling niya sa kapitolyo. Pero sinabi ko na magpapahatid na lang ako sa driver dahil may dadaanan pa ako. Dahil hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang tungkol doon kaya inilihim ko muna sa kaniya. Seven PM pa lang kanina nang tumawag sa akin si Gabriel. Sinabi niyang on the way na raw siya. So, dapat nandito na siya ngayon. Pero maliban sa mga waiter ay wala akong ibang naabutan nang dumating ako rito. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero hindi naman sumasagot. Baka napagod sa dami ng trabaho niya sa kapitolyo kaya dumiretso na sa bahay at nakatulog na. Nang dahil sa ideyang iyon na sumagi sa isip ko kaya tumayo na ako at humingi ng paumanhin sa mga waiter na naghihintay din. Although, bayad naman na ni Gabriel ang serbisyo nila. Wala akong maramdaman na pagkainis kung totoo man ang naisip kong dahilan kung bakit hindi ako sinipot ng asawa ko. Ngayon lang naman nangyari ito. Sa loob ng isang taon ng aming pagsasama, si Gabriel ang palaging nag-e-effort sa bawat espesyal na okasyon sa buhay namin. Walang araw na hindi niya ipinaramdam sa akin ang pagmamahal niya. Kaya nga kahit marami ang nagsasabi na ubod ng babaero daw siya ay pinakasalan ko pa rin siya. Umasa pa rin ako na magbabago siya kapag naging mag-asawa na kami. At hindi naman niya ako binigo. Dahil sa buong taon ng aming pagsasama ay never kong naramdaman na may ibang babae siya maliban sa’kin. Kahit ang magselos ako ay iniiwasan niyang mangyari. Never niyang ipinaramdam sa akin na may dapat akong ika-insecure sa kabila ng pagkakaiba namin ng estado sa buhay. ARABELLA BAGO pa makarating sa bahay ay sinubukan kong tawagan uli ang aking asawa para alamin kung naroon nga ba siya. Baka kasi magkasalisihan kami. Pero hindi ko pa rin siya makontak. Tumawag na lang ako sa landline. At ayon sa mayordoma, hanggang ngayon daw ay hindi pa umuuwi ang asawa ko. Kinabahan na ako. Nag-alala na ako na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Sinubukan kong puntahan ang lahat ng bahay na pag-aari din niya pero wala sa mga iyon si Gabriel. Kahit sa penthouse niya ay wala rin ang asawa ko. Hanggang sa maalala ko na paborito pala niyang tambayan ang kaniyang condo kapag stress at pagod siya sa kapitolyo. Halos madaling araw na nang makapasok ako sa condo niya. Agad na pinuntahan ko ang silid na inookupa rin naming mag-asawa kapag dinadala niya ako rito. Pero wala roon si Gabriel. Kahit sa loob ng banyo ay wala rin siya. Wala rin akong nakitang bakas na pumunta siya rito. Lalabas na sana ako para subukan na hanapin uli ang asawa ko nang mapansin ko ang ilang piraso ng papel na nakapatong sa center table. Nagtataka na binuklat ko ang mga ito. Nanlamig ang buong katawan ko nang mapagtantong annulment papers ito at nakasulat ang pangalan naming mag-asawa. Hinihiwalayan ako ni Gabriel? Pero bakit? Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko pa rin siya makontak. Halos panghinaan na ako ng mga tuhod at parang gusto nang sumabog ng mga luha ko dahil sa nabasa ko pero pinigilan ko. Hindi ko kayang maniwala hangga’t hindi ko nakukumpirma sa asawa ko. Ipinagpatuloy ko pa rin ang paghahanap sa kaniya hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa opisina ng isang kumpanyang pag-aari niya. Ang kaibigan niya ang CEO at nagpapatakbo sa negosyo niyang ito pero madalas pa ring dumadalaw dito si Gabriel. At tama nga ang kutob ko. Dahil ayon sa guwardiya na naka-duty ay nasa opisina nga raw nito ang asawa ko. Sa condo niya iniwan ang annulment papers tapos dito siya nagmumukmok? Ano ba ang problema niya? Dahil kahit anong isipin ko ay wala akong maisip na dahilan kung bakit bigla-bigla na lang niya akong hiniwalayan. Ang saya-saya pa namin kaninang umaga bago siya umalis at pumasok sa kapitolyo. Ilang beses pa ngang may nangyari sa amin nang sabay kaming maligo. Hindi kaya na-realize na ni Gabriel na hindi ako ang babaeng dapat na pinakasalan niya dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nabibigyan ng anak? Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha nang mapailing ako. Kahit ang bagay na iyon ay never ipinamukha sa akin ng asawa ko. Tanggap niya ang kapansanan kong iyon. Sa kabila ng paninikip ng aking dibdib ay sinikap ko pa rin na maging kalmado nang makarating ako sa tapat ng opisina niya. Ayokong awayin siya hangga’t hindi ko pa nalalaman ang buong katotohanan. Kahit ang totoo ay kumakabog na nang husto ang dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Palibhasa sanay na akong maglabas-masok sa opisinang ito ni Gabriel kaya hindi na ako nag-abalang kumatok pa at basta na lang pumasok, para lang mapako sa aking kinatatayuan nang maabutan ko ang aking asawa na nakaupo sa kaniyang swivel chair at may kandong na babae. At ang babaeng iyon ay walang iba kundi ang kinakapatid niya at isang balik-bayan. Si Phoebe. May dalawang buwan na rin siyang nakatira sa bahay ng lolo ni Gabriel kung saan din kami pansamantalang nakatira dahil ayaw ng asawa ko na iwanang mag-isa ang abuelo niya. And for two months na nakasama namin siya, wala naman akong maipintas sa kaniya dahil mabait naman at maayos ang pakikisama niya sa’kin. Iyon nga lang, napansin ko ang kakaibang closeness nila ng asawa ko. Pero naiintindihan ko naman iyon dahil magkababata sila at parang magkapatid na kung magturingan. Bukod doon, mas bata siya sa amin. She’s just nineteen-year-old. Ngunit sa nasaksihan ko ngayon, may magkapatid ba na kulang na lang ay maghalikan? Humigpit ang pagkakahawak ko sa annulment papers na hanggang ngayon ay dala ko pa rin. Na para bang dito na lang ako kumukuha ng lakas dahil feeling ko, ano mang oras ay matutumba ako habang pinapanood ko si Phoebe na nakakunyapit sa batok ng asawa ko. “Masaya ako na sa wakas, nahimasmasan ka na rin, Kuya Gabriel. Ako ang babaeng nararapat para sa’yo dahil kaya kitang bigyan ng anak. Hindi tulad ng asawa mo na baog.” Mas lalong nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko na sinabi ni Phoebe. Hindi ko namalayan na kusa na palang nahulog sa sahig ang mga papel na hawak ko dahil tuluyan nang nawalan ng lakas ang mga kamay ko, dahilan para mapalingon sila sa’kin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD