ARABELLA DUMATING ang hapon at uwian na namin. Expected ko nang lalapitan ako ni Ruru kasi hindi na kami nakapag-usap kanina bago ako pumasok sa klase. Saktong-sakto lang kasi ang pagdating ko at dumating na rin ang professor namin. “Sabay na tayong lumabas, Bella,” nakangiti na wika niya sa akin nang makalabas kami ng classroom. Wala naman sana akong nakikitang problema kung magsabay man kami. After he saved me earlier, hindi na niya deserve ang sungitan at iwasan ko. Willing na rin sana akong makipagkaibigan sa kaniya. Iyon nga lang, anak pala siya ng police general at kalaban ng pamilya namin. We can’t be friends. And besides, umaasa pa rin ako na tinotoo nga ni Gabriel ang sinabi niya kanina na hihintayin daw ako. I don’t know. Pero parang hindi ko kaya na makita ako ni Gabriel