ARABELLA NAGISING ako na masakit ang halos buong katawan ko. Ngunit sa kabila nito ay hindi ko maitanggi ang ngiti sa aking mga labi. Ang gaan-gaan ng aking pakiramdam at parang nakalutang sa ulap ang aking puso nang himasin ko nang buong pagmamahal ang bahagyang umbok sa aking tiyan. “Kapit ka lang diyan, baby, ha? Kasi patuloy ding maniniwala at kakapit si Mommy para sa’yo.” Lalo akong napangiti. “Hindi natin titigilan si Daddy hanggang sa maalala niya ako at dumating ang araw na puwede na niyang malaman ang tungkol sa’yo. Sorry if for now, hindi ka man lang niya mahaplos. Pero promise ni Mommy sa’yo, hindi tayo babalik ng Laguna na hindi ka niya nahahalikan man lang.” Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata para mas lalo kong maramdaman ang munting anghel sa aking sinapupunan. I