When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
ARABELLA “AKALA mo siguro hindi ko napapansin na panay ang landi mo na naman kay Kuya Gab, ha?” Napahinto ako mula sa paghuhugas ng pinggan dahil sa galit na boses ni Phoebe na sumulupot sa aking likuran. Kami lang ang naiwan dito sa kubo dahil naglakad-lakad sa dalampasigan sina Gabriel at Sir Luigi para mag-abang ng mangingisda at bumili ng pang-ulam namin mamayang tanghali. Akala ko mamaya pa ang gising ng bruhang ito kaya pumayag ako na maiwan. Nagpunas ako ng kamay habang nagtitimpi at saka kalmadong humarap kay Phoebe. Ayokong sirain ang magandang umaga ko dahil sa pag-aalburuto na naman niya. “Ano naman ngayon kung nilalandi ko si Gabriel? Nakalimutan mo na ba na mag-asawa kami?” Lalo lang nanlisik ang mga mata ni Phoebe sa mga sinabi ko. “Ilusyunada! Nakalimutan mo na rin ba na