ARABELLA “GABRIEL…” Kung hindi ko pa kinuha ang atensiyon ng aking asawa at ng babaeng kausap niya, hindi nila mararamdaman ang presensiya ko. At hindi ko na naman maiwasan na makaramdam ng selos. Parang ang saya-saya kasi nilang nag-uusap. “Babe!” Lalong umaliwalas ang mukha ni Gabriel nang makita niya ako. Agad naman niyang iniwanan ang babaeng kasama niya para salubungin ako. “Nandiyan ka na pala. Bakit hindi mo sinabi sa’kin kanina na aalis ka pala? Para nasamahan sana kita.” Dumalaw kasi siya sa kapitolyo kanina para bisitahin ang vice-governor niya. Iyon ang uma-acting na governor habang hindi pa siya gumagaling. Iang buwan na rin kasi ang mag-e-election na. Actually, dapat tapos na iyon. Na-postpone lang dahil sa pandemia na ilang buwan ding nanalasa sa buong bansa. Sinabi na