CHAPTER VI

2503 Words
ARABELLA “TO be honest, hindi masarap ang food sa kainan na iyon,” paliwanag ni Gov. Gabriel nang makarating kami rito sa cottage niya. Nagulat pa ako dahil hindi ito kalayuan sa cottage na ino-okupa ko. In fact, tanaw na tanaw ko lang iyon mula rito. Pero mas malaki lang ito nang kaunti. Nang buksan niya ang pinto ay agad siyang pumasok sa loob habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot niya na shorts. Nakaramdam ako ng pag-alangan na sumunod sa kaniya. Wala naman siyang nabanggit sa’kin kanina na dito pala niya ako dadalhin. Iniwasan ko nga siya ng ilang araw. Pero heto… mukhang na-corner pa rin niya ako. Napansin yata ni Gov. Gabriel na huminto ako sa pagsunod sa kaniya kaya nilingon niya ako. “What’s wrong? Don’t tell me na takot ka sa’kin?” Nakataas ang dalawang kilay niya at may naglalaro na ngiti sa mga labi niya na animo’y pinipigilan lang. “Bakit naman po ako matatakot sa inyo?” Pilit kong nilabanan ang kaba saa dibdib ko at tahimik na sumunod sa kaniya. Agad akong umupo sa pinakaunang couch na bumungad sa’kin bago pa man niya mahalata ang kaba sa mga tuhod ko. “Good.” Tuluyang gumuhit ang pinipigilang ngiti ni Gov. nang tumingin siya sa akin. “Akala ko kasi natatakot ka sa’kin kaya ilang araw mo na akong hindi pinapansin. Iniisip ko tuloy kung may nagawa ba akong mali noong huli tayong nagkita kaya bigla mo na lang akong iniwasan.” Sandali akong nawalan ng isasagot sa sinabi niyang iyon. Hindi ko kasi akalain na mapapansin din pala niya ang pag-iwas ko sa kaniya. Akala ko kasi balewala lang sa kaniya ang hindi ko pag-imik at pagharap sa kaniya sa tuwing dumadalaw siya sa mansiyon ni Sir Luigi. Pero bakit kung makapagsalita ngayon si Gov, parang sobrang affected siya sa mga ginawa ko? Tama ba ang nakikita ko na lungkot sa kaniyang mga mata? “H-hindi po ‘yon totoo,” sa halip ay paged-deny ko nang mabawi ko ang sariling dila ko. “Nagkataon lang po talaga na marami akong ginagawa kapag nasa mansiyon po kayo, Gov.” “Na kahit ang simpleng pag-hi sa’kin kapag naghe-hello ako ay ‘di mo magawa? O kahit ang pagngiti lang sa’kin kapag nginingitian din kita?” Humaba na naman ang nguso niya. Para siyang bata na nagrereklamo sa nanay. How cute was that? Hays. Pobreng puso ko… lalo yatang na-in love sa taong ito. “Hindi ko naman po kayo narinig at saka hindi ko rin kayo nakita na ngumiti sa’kin.” Yumuko ako nang bahagya at baka mapansin niya na nagsisinungaling lang ako. Hays. Kung alam lang niya kung paano ako natunaw sa simpleng pagbati at pagngiti niyang iyon sa akin noon. Gusto ko nang sabihin kay Gov. na gustong-gusto ko rin siyang batiin at ngitian nang sandaling iyon pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Dahil alam ko sa sarili ko na sa tuwing ginagawa ko iyon ay lalo lang nahuhulog ang puso ko sa kaniya. “S-sorry po.” “It’s okay. Akala ko kasi tuluyan mo nang tinapos ang pagka-crush mo sa’kin kaya iniiwasan mo ako.” Naramdaman ko na parang may pagtutol sa boses ni Gov. sa ideyang iyon kaya napatingin ako sa kaniya. At hayun na naman ang napakaguwapong ngiti na nakahanda sa mga labi niya nang magtama ang paningin naming dalawa. Bakit kung makapagsalita siya, parang ayaw niya talaga na i-uncrush ko siya? “Big deal po ba sa inyo kapag hindi ko na kayo crush, Gov?” puno ng kainosentehan na tanong ko habang nakatingala sa kaniya. “For sure, hindi lang naman po ako ang humahanga sa inyo. Buong Pilipinas po yata ang patay na patay sa isang Gabriel Contreras, hindi lang bilang isang gobernador kundi bilang isang negosyante at magaling na basketball player.” Lumapad ang pagkakangisi ni Gov. Gabriel na hindi ko alam kung bakit. “You know, you’re right. At hindi lang din ikaw ang babaeng nagsabi niyan sa’kin. Pero parang ikaw lang ang pinaniniwalaan ko. And I don’t know why.” “Ha? Bakit naman po?” Sumeryoso ang guwapong mukha niya nang umupo siya sa silya na katapat nitong couch na inuupuan ko. “At sa dami rin ng nagkakagusto sa’kin, sa’yo lang ako natutuwa nang ganito,” sabi niya na bahagya pang ngumiti sa akin. Hindi ko na naman alam kung ano ang isasagot ko. Iba kasi ang dating sa’kin nang pag-aamin niyang iyon. Lalong-lalo na sa puso ko. Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin ko ang matiim na titig sa akin ni Gov. Gabriel. “Siguro po dahil alam n’yo na mas bata ako at hindi ko kayo pipikutin tulad ng ibang babaeng diyan.” Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. But it’s too late para bawiin iyon dahil napatawa ko na siya. “Wala ka nga bang balak na pikutin ako kapag nagkaroon ka ng pagkakataon, Arabella?” naaaliw niyang tanong at alam ko naman may halong biro iyon. Mariiin akong umiling. “Never pong sumagi iyon sa isip ko, Gov. Alam ko kasi na hindi maganda ang consequences niyon. Alam n’yo po ba na pinikot lang ng mama ko ang papa ko noon? Ikakasal na sana sa ibang babae ang father ko. Pero that time, isa sa mga katulong nila ang mother ko. Lihim siyang may gusto sa papa ko kaya pinikot niya. Nagkataon lang po na mababait ang lolo’t lola ko kaya naikasal ang parents ko nang mabuntis si Mama sa Kuya ko. But it doesn’t mean na minahal na siya ni Papa. Medyo naging okay lang sila nang lumabas ako. Pero kahit hindi na nakikipagkita ang father ko sa babaeng tunay niyang mahal, alam naming lahat na iyon pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Mas pinili na lang niya na bigyan kami ng tahimik na buhay dahil mahal niya kaming mga anak niya. Pero ang masakit, kahit sa huling hininga ni mama, alam niya na never niyang naangkin ang puso ni Papa.” Hindi ko alam kung bakit naikuwento ko kay Gov. Gabriel ang malungkot na parteng iyon ng aming pamilya. Iilan lang ang nakakaalam niyon, kahit malalapit kong kaibigan. But I admit na after that, wala akong naramdamang pagsisisi na ipinagkatiwala ko kay Gov. ang sikreto ng magulang ko. “At iyon ang…” Malungkot na tumingin ako sa kaniya. “Ang ayaw kong maranasan. Kaya never ko pong gagawin ang mamikot o ang mamilit ng lalaking hindi naman ako mahal, kahit gaano ko pa siya kagusto.” Sandaling katahimikan ang namayani. Nakatingin lang sa akin si Gov. But I’m sure na may nagbago sa facial expression niya matapos niyang marinig ang kuwento ko. Ramdam ko ang simpatiya niya. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na pagmasdan siya. Napakalapit lang niya sa’kin ngayon. Abot-kamay kung tutuusin. Pero damang-dama ko na katulad ng dinanas ni Mama kay Papa, never din magiging akin si Gov. Gabriel. Sino lang ba ako kumpara sa mga babaeng nakapalibot sa kaniya? Minsan tuloy, naisip ko na parang nagkamali yata ako ng paraan para mapalapit sa kaniya. Parang lalong naging imposible na mapansin niya ang gaya ko. Hindi ko namalayan na napapikit na pala ako at lihim na nag-wish. Na sana… Sana… Kahit hindi man ako mapansin ni Gov. Gabriel, hindi niya ite-take advantage ang nalaman niya na crush ko siya. Dahil baka hindi ko siya matanggihan at matulad ang kapalaran ko sa sinapit ni Mama. For now, kuntento na ako na nakakalapit pa rin ako sa kaniya nang ganito. Na hindi niya ako iniiwasan kahit alam na niya ang feelings ko. Gusto mo pero ikaw naman itong pilit na lumalayo sa kaniya? sita naman agad sa’kin ng isip ko. “Are you still there?” pabiro na untag sa akin ni Gov. Gabriel at nang magmulat ako ay huling-huli ko ang ngiti at amusement na nakapaskil sa mukha niya habang nakatunghay sa akin. “Kasi kanina pa ako salita nang salita pero hindi ka naman sumasagot.” “P-po?” Napapahiyang nakagat ko ang aking labi, sabay kamot sa chin ko. “Sorry po, Gov. May iniisip lang ako. Ano nga po uli ang sinabi n’yo?” “Wala. Ang sabi ko, hindi mo naman kailangang mamilit ng lalaking magmamahal sa’yo. Kasi sa ganda at bait mong niyan, imposibleng walang magkakagusto sa’yo. Lalo at bata ka pa. Baka nga marami na diyan ang nakatingin sa’yo at naghihintay lang ng right timing para magpapansin sa’yo,” mahabang pahayag ni Gov. Gabriel habang mataman na pinagmamasdan ang mukha ko. Nailang na naman tuloy ako bigla. “Hindi ko naman po kailangan ng maraming lalaking magkagusto sa’kin.” Dahil ikaw lang ay sapat na, Gov. But how I wish na isa ka sa mga lalaking sinasabi mo. Ngumiti lang siya sa akin. “Nagka-boyfriend ka na ba?” Lalo akong na-speechless sa ngiti niyang iyon. Paano ko ba ipagpapatuloy ang pag-iwas sa kaniya kung ngiti pa lang niya ay lalo lang akong nafa-fall sa kaniya? Seryoso ang mukha na umiling ako. “Never pa po akong nagka-boyfriend since birth. Strict kasi ang papa at kuya ko kaya iilan lang ang naglakas ng loob na ligawan ako noon.” Nagtaka ako nang kumunot ang noo ni Gov. Gabriel. “Pero akala ko, lolo at lola mo na lang ang kasama mo sa buhay? Iyon kasi ang nabanggit sa’kin ni Luigi.” “H-ha? Ah, eh…” Napakagat-labi ako. “Hindi ko na po kasi kinaya ang pagiging strikto nilang dalawa kaya nagpaampon na lang po ako sa lolo at lola ko. At saka isa pa, palagi naman pong busy ang dalawang iyon kaya wala na silang oras sa’kin. Okay nga lang po sa kanila na umalis ako sa poder nila. Mas masaya pa sila na wala ako. Especially si Papa na kasama na niya ngayon ang tunay niyang mahal.” Sandaling tinitigan lang ako ni Gov. Gabriel bago sumilay ang mapait na ngiti sa kaniyang mga labi. “Same pala tayo. Hiwalay na rin ako sa Dad ko simula nang mamatay si Mommy. Kaya si Lolo na ang kasa-kasama ko sa buhay since I was young. May bagong family na rin kasi ang father ko at mas happy naman siya do’n kahit wala na ako. But that’s okay.” Nagkibit siya ng balikat. “Kasi mas masaya naman ako na si Lolo ang kasama ko. Mahal na mahal ako no’n. Wala yata akong hiniling o ginusto na hindi niya ibinigay. Kaya gano’n din ako sa kaniya. Handa akong ibigay ang lahat ng makakapagpapasaya sa kaniya kahit mahirap sa’kin. Kasi mahal na mahal ko rin siya.” Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakikinig sa kuwento ni Gov. Gabriel. Ramdam ko ang totoong pagmamahal niya sa lolo niya. Iyon ang nasisilip ko sa mga mata niya na nangingsilap. “Napakasuwerte naman po ng lolo n’yo, Gov. Kung gaano rin ho kayo kasuwerte sa kaniya.” “Mas masuwerte ako sa kaniya. If it weren’t because of him, hindi ko matutuklasan sa sarili ko na kaya ko palang gawin ang isang bagay na akala ko noon ay imposible.” Puno ng kuryosidad na tumingin ako sa kaniya. “At ano naman po ‘yon?” “Gusto mo talagang malaman?” Nakangiti pa rin si Gov. Gabriel habang titig na titig sa akin. Bumilis na naman tuloy ang t***k ng puso ko. “Siyempre naman po. Gusto kong malaman kung ano ang hindi kayang gawin ng isang Gabriel Contreras.” “I guess for now…” Napapitlag ako nang bigla na lang niyang inabot at pinisil ang pisngi ko. “Mas okay kung hindi mo muna malalaman. For sure na bibigyan mo lang iyon ng ibang meaning. Or worst, baka pag-isipan mo pa ako nang masama. Pero soon… promise, malalaman mo rin.” Hindi ko maiwasan na mapasimangot. “Ang daya n’yo po, Gov!” parang bata na bulalas ko. He just laughed softly. “Hindi ka rin naman kasi maniniwala kapag sinabi ko, eh.” Tinaasan ko siya ng kilay. “At paano naman po kayo nakakasiguro?” “One hundred percent sure. At huwag ka nang makipagpustahan sa’kin dahil matatalo ka lang. At kapag nangyari ‘yon, magkakaroon ka ng utang sa’kin.” “Utang? Ako po, magkakautang sa inyo?” Pinandilatan ko siya ng mga mata. I didn’t notice na unti-unti na palang napapalagay ang loob ko sa kaniya. Hindi ko na maramdaman ang pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa. Saglit kong nakalimutan na isang sikat na basketball player, bilyonaryo at gobernador ng aming lalawigan ang kaharap at kabiruan ko ngayon. “Hindi naman ako nakikipagpustahan, eh. Nagtatanong lang,” sabi ko pa sa tonong nagrereklamo. “Kaya nga huwag mo nang alamin muna. Masiyado pang maaga para malaman mo.” Kinindatan niya ako, sabay tayo. “At saka isa pa, gutom na ako. Naririnig ko na ang pagkulo ng tiyan ko.” Hinimas pa niya ang tiyan sa mismong harapan ko na para bang isa lang siyang ordinaryong tao at magkapantay lang kaming dalawa. Pero imposible yata iyon. Kung sa pagtayo ko pa nga lang ay halos hindi na umabot sa baba niya ang ulo ko. Eh, kung sa height pa nga lang ay cannot be na kaming dalawa. Sa pag-ibig pa kaya? “Gutom na po pala kayo. Bakit umalis pa tayo sa kainan na ‘yon?” Ngumiti lang uli siya sa’kin. “Sinabi ko naman sa’yo na hindi masarap ang pagkain do’n. Natikman ko na kaninang umaga. Hindi naman sa pagmamayabang pero mas masarap pa ang luto ko sa pagkain na sini-serve nila roon.” “Marunong po kayong magluto?” Hindi ko na naman napigilan na magulat sa nalaman. Na-curious na naman ako sa kaniya. Kanina lang nalaman ko na mapagmahal pala talaga siyang apo sa lolo niya. Ibig sabihin, may kakayahan din siya na magmahal ng isang babae. Na imposible ang sinasabi ng lahat na laro lang para sa kaniya ang pag-ibig. “Ano naman ang nakakagulat doon?” Todo ang ngiti na nagbaba ng mukha si Gov. Gabriel para tunghayan ang gulat na reaksiyon ko. “Tao rin naman ako na may mga kamay, may pang-amoy, may panlasa. Na magagamit ko sa pagluluto.” “Gov. naman, eh. Ang pilosopo n’yo po.” Kunwari nainis ako sa pagiging pilosopo niya. “I mean po, bilyonaryo kayo. For sure na marami kayong katulong sa bahay. Baka nga may sariling chef pa kayo na nagluluto ng mga paboritong pagkain n'yo. At saka... hindi po bagay sa inyo ang humawak ng sandok." Lumawak ang ngiting nakarehistro sa mukha niya. “You know what…” Napapitlag ako nang bigla na lang niyang abutin ang kamay ko. “Tikman mo na lang ang mga niluto ko at saka mo ako i-judge.” Hindi pa man ako nakakabawi sa walang pasabi na paghawak niya sa kamay ko, kumislot na naman ang puso ko nang pagsalikupin niya ang aming mga daliri habang hila-hila niya ako papunta sa maliit na kusina nitong cottage niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD