ARABELLA
REST DAY ko today. At kapag ganitong araw, imbes na sa mamasyal sa mga mall katulad ng madalas na ginagawa ng mga kasama ko kapag day off din nila, sa mga resort ako pumupunta para magpalipas ng araw. Katulad ngayon. Nandito ako sa isang maliit na resort sa Pansol. Kaninang umaga pa ako dumating dito pero hindi pa ako lumalabas ng cottage na kinuha ko. Bukod sa tinatamad ako, may personal akong dahilan kung bakit.
Palubog na ang araw nang maisipan ko na lumabas. Mangilan-ngilan na lang ang taong nakikita ko na naliligo sa mga pool at pakalat-kalat sa paligid. Puwede na siguro akong lumabas para bumili ng food.
Pero bago lumabas, nagsuot muna ako ng scarf at sunglasses.
Papasok na ako sa maliit na kainan nang may tumikhim mula sa likuran ko. Akala ko nakaharang ako sa maliit na entrance dahil napatigil ako sandali nang maalala ko na hindi ko pala nadala ang wallet ko. Nakahanda na ang apologetic na expression sa mukha ko nang pumihit ako paharap sa taong tumikhim sa likuran ko. Para lang ma-surprise nang bumungad sa akin ang mukha na ilang araw ko nang iniiwasan. Parang wala sa sarili na tinanggal ko nang dahan-dahan ang salamin na suot ko.
Hanggang ngayon kasi nangangapal pa rin ang mukha ko sa tuwing naaalala ko kung paano ko inamin sa kaniya nang harap-harapan na crush ko siya…
“What? Crush mo ako?” Parang hindi naman nagulat si Gov. Gabriel nang marinig niya ang sinabi ko.
Pero basang-basa ko ang amusement na gumuhit sa mukha niya, rason para mahimasmasan ako sa mga salita na lumabas sa bibig ko. Parang gusto kong magtago sa ilalim ng kama dahil sa pagkapahiya.
Hindi naman mukhang bingi at lalong hindi t*nga ang lalaking kaharap ko para i-deny ko ang mga nasabi ko na. Mas lalo lang akong maging katawa-tawa kong magsisinungaling pa ako sa kaniya.
“H-hindi ko na po uulitin ang sinabi ko. Basta kung ano man po ang narinig n’yo, iyon na ‘yon.” Hindi ko napigilan na tumalikod kay Gov. Gabriel para itago ang pagba-blush ko. Feeling ko talaga, matutunaw ako sa hiya.
Gosh! Bakit naman kasi walang preno ang bibig mo, Arabella?
“Seryoso? Crush mo talaga ako?”
Ganoon na lang ang pag-eratiko ng t***k ng puso ko nang makita ko na tumayo siya at umupo sa tabi ko. Nakaharap siya sa akin kaya hindi ako makaangat ng mukha. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. Gosh! Baka himatayin ako.
“H-hindi ko na nga po uulitin—”
Naputol na lang bigla ang pagsagot ko sa kaniya nang hawakan niya ako sa magkabilang pisngi para iangat ang mukha ko. Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang init ng mga palad niya. Feeling ko, may hindi mabilang na boltahe ang dumaloy mula sa kamay ni Gov. Gabriel na pumasok sa buong katawan ko. Hindi ko maintindihan ang animo’y kiliti na hatid niyon sa kaibuturan ko.
“Wala namang masama sa crush. It’s a normal feeling. May kasabihan nga na alien lang daw ang hindi nagkakaroon ng crush,” mahinahong paliwanag ni Gov. sa akin. I don’t know. Para lang siyang nagpapayo sa nakababatang kapatid niya kaya siguro unti-unting nawala ang hiyang nadarama ko. “But there is also a saying that crush is a strong feeling of romantic love for someone that is not usually expressed.”
Okay na sana ang sinabi niya noong una kung hindi lang niya dinugtungan pa. Lalo tuloy akong namula dahil kuhang-kuha niya ang ibig sabihin ng totoong nararamdaman ko para sa kaniya.
“Y-yes po. But it does not last a long time…” hindi makatingin nang diresto kay Gov. na depensa ko. ‘Buti na lang talaga at familiar din ako sa kasabihan na iyon.
“Kung gano’n, kailan mo pa ako naging crush?” amused na tanong niya sa akin.
Kung puwede ko lang sabihin kay Gov. Gabriel na twelve years old pa lang ako at unang beses ko pa lang siyang napanood sa TV na naglalaro ng basketball ay crush ko na siya. Pero baka matunaw na talaga ako sa hiya kapag nalaman niya na siya ang first ever crush ko at hanggang ngayon ay wala akong ibang hinangaan na lalaki maliban sa kaniya.
Kaya kung totoo man ang sabi ng iba na hindi raw tumatagal ang ‘crush’, baka hindi na lang simpleng paghanga itong nararamdaman ko para sa kaniya.
“L-last year lang po, Gov. Iyong first day ko sa bahay ni Sir Luigi at nakita ko po kayo,” sa halip ay pagsisinungaling ko. Kailangan ko siyang bigyan ng sagot. Malakas ang kutob ko na hindi niya ako tatantanan sa katatanong hangga’t hindi niya nalalaman kung kailan nagsimula ang attraction ko sa kaniya. “Pero don’t worry po kasi patapos na rin itong pagka-crush ko sa inyo. Kasi na-realize ko na masiyado po kayong matanda para sa’kin. You’re thirty tapos twenty lang ako.”
Pumalatak si Gov. Gabriel. Kitang-kita ko na parang hindi niya alam kung ano ang ire-react sa sinabi ko. Bumuka-sara ang bibig niya. “Arabella naman… Kung hindi ka lang talaga cute, magtatampo na ako sa’yo. Ilang beses mo nang ipinamukha sa’kin na matanda na ako. Ten years lang naman ang age gap natin.” Hindi niya napigilan ang mapasimangot. But he’s so handsome pa rin. “And besides, hindi naman masama ang humanga sa mas matanda o mas bata sa’yo. Dahil wala namang age requirement pagdating sa love o kahit sa crush, ‘di ba?”
Napapahiyang nag-iwas uli ako ng tingin. Pero nagawa ko pa rin na tumango para mag-agree sa huling sinabi niya. “I know po. Pero hindi lang naman ‘yon ang rason kung bakit ayaw ko na kayong maging crush. Isa na po do’n ang estado natin sa—”
“Buhay?”
Tumango na lang uli ako dahil sa mabilis na sagot niya. “Hmmm.” Tiningnan ko siya. “Governor at sikat na basketball player po kayo habang simpleng katulong lang ako. Mayaman po kayo at mahirap lang ako…”
“Marangal na trabaho ang pagiging kasambahay kaya hindi mo dapat na nila-‘lang’ lang. At mas lalong walang masama sa pagiging mahirap, lalo na kung alam mo naman sa sarili mo na namumuhay ka nang marangal.” Puno ng kaseryosohan na tinitigan ako ni Gov. Gabriel. “Sinabi ko naman sa’yo noon na lahat ng tao ay pantay-pantay, ‘di ba?” Inabot pa niya ang ulo ko at hinaplos ang buhok ko.
“Hindi ko naman po iyon nakakalimutan.”
“Kung gano’n, hindi mo na tatapusin ang pagka-crush mo sa’kin?” bakas ang pigil na ngiti sa mga labi niya. Siguro natatawa na rin siya sa ganoong linyahan ko na parang pambata lang.
Nagba-blush na napakamot na lang ako sa ulo ko. “Pero hindi po ibig sabihin no’n na puwede n’yo nang gawin ang kahit ano sa’kin dahil lang crush ko kayo.”
“Of course.” Naaaliw na tumango siya. “Bakit mo ba kasi nasabi na may gagawin akong masama sa’yo? Eh, gusto ko lang naman na tulungan ka sa ginagawa mong pagso-sort nitong mga pinaglumang gamit ko kaya pumasok uli tayo rito.”
Awtomatikong nakagat ko ang aking ibabang labi at saka napatungo. Lalo akong nakaramdam ng hiya dahil sa pagiging green minded ko. Tapos itinulak ko pa siya.
“No worries. Dahil walang ibang makakaalam na crush mo ako. Kahit si Luigi.” Kinindatan ako ni Gov, Gabriel. “Secret lang natin ‘to.”
Nangiti ako kahit medyo nahihiya pa ako sa kaniya. Ang cool niya kasi. Expected ko noon pa man na magagalit o maiilang siya sa’kin kapag nalaman niya na crush ko siya. Siyempre, sino ba namang guwapo, sikat at mayaman na lalaki ang kikiligin sa isang katulong lang, ‘di ba?
Still, nahihiya pa rin talaga ako. Feeling ko, after malaman ni Gov. Gabriel ang feelings ko sa kaniya, hindi ko na siya kayang harapin uli.
“I-itutuloy ko na po ang pagso-sort sa mga gamit n’yo. Baka po kasi dumating na si Sir Luigi at sunduin ako.” Tumayo na ako para makaiwas sa kaniya. Pero mabilis niyang hinuli ang kamay ko.
The feel of his rough and huge hand against mine made my knees weaken. Sinubukan kong pigilan ang pamumula na naman ng buong mukha ko. Ngunit naramdaman ko pa rin ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko nang lingunin ko si Gov. Gabriel at nalaman kong nakatingin na pala siya sa akin.
“Ang sabi ko nga, tutulungan na kita para matapos ka agad.”
Hindi na ako nakatanggi nang hilahin niya ako pabalik sa dating puwesto namin kanina, paharap sa mga box. Bising-bisi na siya sa paghahalungkat ng mga lumang gamit niya. Samantalang ako, busy sa pagsulyap-sulyap sa guwapong mukha niya.
Goodness. Ano kaya ang nasa isip ngayon ni Gov? Ngayong alam na niya ang feelings ko sa kaniya?
“Mapapagod ka kakatayo riyan,” untag niya sa akin. Nang tumingala siya, saka ko lang napagtanto na nakasalampak na pala siya sahig at nagsimula nang mag-sort. “Come here.” Pinagpag pa niya ang espasyo sa tabi niya.
Nahihiya naman ako na tanggihan siya. Baka isipin pa niya na malisyosa ako o kaya ay wala akong balak na tulungan siya sa trabaho na dapat ay para lang sa’kin.
Dahan-dahan na umupo ako sa tabi ni Gov. Gabriel. Pero nagtira ako ng space para hindi kami magdikit na dalawa.
Nilingon niya ako at ngumiti nang bahagya sa akin. “Do you know that you got me curious? Hindi ka mukhang simpleng babae lang. There was something in you that I can’t explain.”
Lihim akong napalunok. “Siguro po dahil nga crush ko kayo,” kunyari ay biro ko na lang.
“I’ll take that for now,” sagot ni Gov. bago niya pinisil ang pisngi ko. “Pero wala nang bawian, ha? Crush mo na ako.”
Nahihirapan na naman akong tumingin sa kaniya pero pinilit ko. “A-at okay lang po ‘yon sa inyo?”
“And why not?” patanong din na sagot niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa talaga niyang ibulong iyon sa tainga ko.
“I mean, hindi po kayo naiilang sa’kin?” tanong ko uli. “Baka po kasi may girlfriend kayo at magalit kapag nalaman na crush ko kayo.”
“Nakapagtatakang hindi mo alam na wala akong girlfriend, baby girl,” sagot nito, sabay tawa. “Soon pa lang…”
Nagtatakang napatingin ako kay Gov. Gabriel. Daig ko pa ang nabingi sa lakas ng t***k ng puso ko dahil sa pagtawag niya sa’kin na ‘baby girl’.
“Arabella… Sabi ko na nga ikaw ‘yong nakita ko kanina na papunta rito, eh.”
Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang boses ni Gov. Gabriel. Saka ko lang naalala na nakatayo pala ngayon sa harapan ko ang lalaking dahilan kung bakit ilang gabi na akong walang maayos na tulog dahil iniisip ko kung para saan ang pagtawag niya sa’kin na ‘baby girl’.
Eh, hindi naman niya ako bunsong kapatid.
“G-Gov, nandito rin po pala kayo,” wika ko at agad din na umiwas ng tingin nang maalala kong alam na pala niya na crush ko siya. “Bakit po kayo nandito?”
“Bakit? Bawal ba ako dito?”
“Hala. Hindi po!” Mabilis akong umiling. Pero hindi ko matanong sa kaniya kung bakit dito sa maliit at mumurahing resort siya napadpad gayong marami namang malalaki at mas mamahaling resort sa Laguna. Alam ko rin na ilan sa mga iyon ay pag-aari niya.
“Joke lang.” Abot-tainga ang ngiti ni Gov. Gabriel nang pisilin niya ang pisngi ko. Napansin ko lately na paborito niya talagang panggigilan ang mukha ko. “Ang totoo niyan, may gusto akong makita. Ilang araw na kasi niya akong iniiwasan, eh.”
Parang binundol bigla ang puso ko dahil sa kaba. Ako ba ang pinaparinggan ni Gov?
“A-at nandito po sa resort na ito ang taong gusto n’yong makita?” patay-malisya na tanong ko.
Pero imbes na sumagot ay mabilis na hinapit niya ako sa baywang nang may dumating na dalawang babae at pumasok sa loob ng kainan. Hindi ko na gaanong nabigyan ng pansin ang pagtili ng dalawang iyon nang makilala nila si Gov. Gabriel.
Naka-focus kasi ang isip ko sa braso niya na nakapulupot sa baywang ko. Nakaharap naman ako sa kaniya. Kinabahan na naman ako nang maramdaman ko ang parang matigas na bagay sa harapan niya na nakadiin sa puson ko.
Ano ‘yon?
“Bakit ka nagba-blush?” amused na tanong niya habang nakatitig pala sa mukha ko.
“H-hindi po. Maghapon lang akong nag-swimming kaya namumula na ang buong mukha ko,” paiwas ng tingin na katuwiran ko pero narinig ko ang mahinang tawa ni Gov.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Hindi naman siya sumagot pero naramdaman ko na mas hinapit pa niya ako palapit sa kaniya kaya lalo akong dumikit sa kung ano mang matigas na bagay sa harapan niya. Hindi ko alam kung ano ang itinatago niya roon at sobrang laki at tigas niyon. Parang baril na nakatutok sa’kin. Pero hindi ako komportable dahil para akong sinisilaban na hindi ko maintindihan.
“E-excuse me po, Gov. May baril po yata sa loob ng bulsa n’yo. Baka pumutok sa’kin ‘yan…” puno ng kainosentehan na wika ko, sabay atras palayo sa kaniya.
Nakita ko sa mukha niya na lalo lang siyang natawa sa sinabi ko. Pinisil niya ang chin ko. “You’re too innocent. But cute,” sagot lang niya.
Pakiramdam ko mas lalo lang akong pinamulahan. Cute pa ba ‘yong natakot ako sa baril na dala-dala niya? Paano kung bigla iyong pumutok at tinamaan ako?
Nahulaan yata ni Gov. ang pinoproblema ko kaya inakbayan niya ako. "Huwag kang mag-alala. Dahil hindi naman basta-basta pumuputok iyang baril ko na sinasabi mo. At kung puputok man 'yan, hindi 'yan nakamamatay. Nakakabaliw lang."
Lalo akong nahiwagaan sa sinabi niya. Pero hindi na ako nakapag-usisa pa dahil iginiya na niya ako palayo sa kainan na sana ay papasukan ko at sa halip ay dinala niya ako sa cottage na ino-okupa niya.