CHAPTER 5- BOOK 2

2045 Words

ARABELLA HINDI ko namalayan na malapit na palang matapos ang birthday party ni Tita Ylona. Hindi ko akalain na makakatagal ako sa ganitong okasyon nang hindi man lang nainip o kaya ay nagtago sa isang sulok para mangarap na naman ng gising. At alam ko na dahil iyon kay Gabriel. Dahil nandito siya at nakikita ko lang. Kahit ang sakit at ang hirap na makita siya sa piling ng iba ay patuloy pa rin ako sa tahimik na pagmamasid sa kaniya. Hindi naman ako umaasa na mapansin niya uli ako dahil sobrang abala silang dalawa ni Tita Ylona. Halos lahat yata ng mga nandito sa party ay ipinakilala na ng tiyahin ko kay Gabriel, maliban sa akin. Hindi ko alam kung nakalimutan lang niya o sadyang hindi lang niya ako makita dahil sinasadya ko na magtaho sa madilim na parte nitong bakuran para malaya kon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD