SHY's POV Wala nang nagsalita sa pagitan naming dalawa ni Hanz dito sa loob ng TAXI. Tahimik lang ako na nakatanaw dito sa labas ng sasakyan. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Babalik na ulit ako sa bahay niya... hindi ko nga alam kung dapat bang makahinga ako ng maluwag dahil doon, lalo na at hindi ko kailangang bumalik sa mga kaibigan ko at problemahin nila ako. Hays. Pero sa ngayon, kung ano na lang muna ang available na option, 'yun na lang ang gagawin ko. Lunes na rin naman bukas at siguradong hindi magtatagpo ang mga landas namin kasi may pasok ako sa Delight Shop habang siya naman ay nasa trabaho niya. Tama! 'Yun na lang ang maganda kong gawin para hindi na rin ako ma-stress. Pinaliwanag na kasi sa akin ni Doktora Pivi Montercarlo