SHY's POV NAGISING ako dahil sa tapang ng amoy ng alcohol na pumasok sa ilong ko. Dahan-dahan ko pang iminulat ang mga mata ko dahil medyo nasilaw ako sa ilaw hanggang sa makita ko na ang isang babae at dalawang nurse sa may harapan ko. "Hello. Buti naman at gising ka na." Nakangiting wika niya sa akin. Pinilit ko na makaupo dito sa kama na pinaghihigaan ko kaya naman mabilis na lumapit sa akin 'yung dalawang nurse at saka agad na inalalayan ako hanggang sa makaupo na nga ako. Hays. Alam ko na kung nasaan ako. Itong lugar na ito ang pinaka huling lugar na maiisipan kung puntahan kung sakali. Ayoko sa ospital! Ayoko nang nao-ospital! "I am Dr. Pivi Montecarlos. I am an all around Doctor here at St. Helleis Hospital." Pakilala niya sa sarili niya. "Gusto ko lang malaman kung anong