HANZ’s POV Halos ilang minuto na akong nakaupo dito sa waiting bench pero hindi pa rin lumalabas 'yung Doctor sa loob ng ER kaya hindi ko maiwasan na isipin kung malala ba ang nangyari. Wala namang matinong bagay na tumatakbo ngayon sa utak ko dahil pakiramdam ko ay naba-blangko ako. Sunod-sunod lang ang ginagawa kong pag hinga ng malalim. Hindi naman nag tagal ay nakita ko na si Fritz at napansin ko pa ang ginawa niyang pag lingon na para bang may hinahanap siya hanggang sa magtama na nga ang mga paningin namin sa isa’t-isa. Nagmamadali na lumapit siya sa akin. “Anong nangyari?” Agad na tanong niya sa akin nang magkaharap na kami. Nang sasagot pa lang sana ako ay nagsalita na naman siya. “May ginawa ka bang hindi maganda sa kaniya?” Pagdudugsong na tanong pa niya. “H-hindi ko naman s