HANZ’s POV Ang arte-arte naman ng babaeng 'to. Sino bang empleyado ang ayaw ng malaking sweldo? Limang libo na nga sa isang linggo ang sweldo niya tapos umaarte pa siya. Ang O.A niya! Paano pa kaya 'yung sinabi ko kay Eros kagabi na gawin niyang sampung libo ang sweldo ni Shy. Baka mas umangal pa pala siya kung nagkataon na ipinagpalitan ko 'yon. FLASHBACK Nang makauwi na ako sa bahay ng gabing 'yun kung saan ay wala na akong naabutan pang tao na gising, dumiretso ako agad sa kwarto ko at mabilis na tinawagan si Eros. Katulad kasi nang sinabi ko sa kaniya ay tatawagan ko siya ulit. Ilang beses lang 'yun na nag-ring hanggang sa sagutin niya na 'yon. “Hello?” Pa-unang wika ko. [Oh? Ano pa pala 'yung sasabihin mo sa akin?] tanong niya agad sa kabilang linya. Ni-loudspeaker ko muna '