Kabanata 2

1183 Words
Huni ng mga ibon ang nagpagising kay Leonardo. Mariin niyang ipinikit ang mga mata dahil sa silaw ng liwanag. Para siyang nasa isang kubo dahil ang bubong ay gawa sa anahaw at ang bahay ay gawa sa kahoy. Umupo siya at naramdaman ang sakit ng balikat at likod niya. He hissed. Inilibot niya ang mata sa labas ng bintana. Puro halaman ang naroroon at kita ang mga naglalakihang bundok. 'Where is this place?' "Gising ka na pala." Isang babae ang nakita niyang papunta sa kinalalagyan niya. May dala itong isang baso ng tubig. "Heto, inumin mo. Natagpuan kita sa dalampasigan, duguan at walang malay," pagpapaliwanag ni Clara, ang dalagang nakakita kay Leonardo.   Ngayon lang siya nakakita ng ganitong kakisig at kagwapong lalaki. Bente-tres na si Clara, maganda at mabait. Sa katunayan kilala siya sa isla ng Vienna at maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya ngunit hindi niya iyon mga tipo. "Nasaan ako?" tanong ni Leonardo. Nakaalis ba ng ligtas ang team niya? Napansin niya din na wala ang mga gamit niya, siguro'y inanod na ng dagat. "Nasa Isla Vienna ka, sa bayan namin," sagot ni Clara.  ‘Isla Vienna?’ Ngayon lang narinig ni Leonardo ang pangalan na iyon? Is it possible na may isla pa sa gitna ng napakalayong lupa ng Pilipinas? "Magpahinga ka na muna at maya maya'y ihahanda kita ng pagkain. Malapit na din kasing magtanghalian," nakangiting aniya ni Clara at lumabas na ng kwarto. Leonardo pinches his brows. Damn it! Siguradong nagpapadala ng search rescue ang organisasyon Ang malas. Wala man lang siyang nadala na gamit na pwedeng i-contact doon. Masakit pa ang balikat na tinamaan ng bala pati na ang likod niya kaya tama lang na magpahinga na muna siya. Saka niya na lang iyon iisipin ‘pag maayos na siya. Ipinikit niya ang mata saka umidlip. ----- "Taga saan ka nga pala, hijo?" Nasa hapag kainan siya ngayon kasama ang pamilya ni Clara. Pansin ni Leonardo na radyo lamang ang naririto at mukhang mahina pa ang signal na nasasagap.  He wonders why is this place like this? Ni walang t.v o cellphone. He thinks na nasa malayong lugar talaga siya. "Hindi ko po maalala," sagot ni Leonardo sa tatay ni Clara na si Mang Ed. Ang asawa naman nito ay nagngangalang Carmen. "Kawawa ka naman pala. Dumito ka muna habang wala ka pang natatandaan. Base sa itsura mo para kang nanggaling sa marangyang pamilya," suhestiyon at komento ni Aling Carmen habang inihahanda ang pagkain sa mesa. Leonardo decided not to tell them the truth, dahil hindi niya pa ito kilala at wala siyang alam sa lugar na ito. Hindi na lang umimik si Leonardo at nagsimula na kumain. “Sa linggo pala ay pumunta ka sa sentro, Clara. Mamili ka ng gulay at bigas dahil kulang na sa ’tin iyon," utos ni Mang Ed sa anak.  "Pasensya na kung nakadagdag pa ho ako sa inyo," paumanhin ni Leonardo. Dapat ay makaalis na siya dito sa madaling panahon.  "Nako! Ano ka ba? Nagpapabili ang asawa ko dahil konti na lang ang bigas namin ‘tsaka masaya kaming makatulong sayo," wika ni Aling Carmen. Alam niya ring medyo walang tiwala ang asawang si Ed sa lalaking ‘to dahil sa itsura at katauhan na bigla na lang napadpad sa lugar nila. "Mabuti na dito ka muna tumuloy sa amin. Sa linggo isasama kita mamalengke," nakangiting sambit ni Clara. Sa tingin niya naman ay maayos na ang binata sa mga oras na ‘yon kaya isasama niya ito sa labas para maging pamilyar sa lugar. Hindi naman maliit ang isla. Sa katunayan, ang islang kinatitirahan nila ay pagmamay-ari ng pamilyang Vasquez. Isang mayamang negosyante na galing sa Maynila. Ang alam ni Clara ay may isang miyembro ng pamilya ang nakatira dito sa isla. "Inay, nakita niyo po ba kung sino ang nakatira doon sa malaking bahay?" tanong ni Clara sa ina. Nagtitinda kasi si Aling Carmen ng kakanin sa bayan kaya siguro may alam ito. "Hindi pa. Bihira lang iyon lumabas. Ang alam ko ang apong dalagita ni Don Ignacio ang nakatira doon," sagot ng nanay nito habang nagliligpit ng hapagkainan. “Basta ang alam ko ay Vasquez ang apelyido nito.” Leonardo listened to them in silence. Vasquez? Why does this name sound familiar? Hindi kaya ito ang Vasquez na kilala ang pamilya sa militar? Kung gano’n siguradong meron itong telepono. Kailangan niyang makapunta sa bahay na ‘yon. "Saan ba ang bahay ng Vasquez?" tanong niya na ikinatingin ng tatlo. Why? "Sa dulo ng daan. Hindi naman kalayuan dahil mga ilang minuto lang ay matatagpuan na ito. Bakit mo natanong? Kilala mo ba ang nakatira doon? Nako! Mahigpit ang nagbabantay sa bahay na ‘yon. Baka hindi ka papasukin," lintana ni Aling Carmen. Noong isang beses kasi na nalaman niyang may Vasquez na nakatira doon ay pumunta siya agad para masilayan kung sino ito. Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya ito nakita at may bantay ang gate ng bahay. "Natanong lang ho," sagot ni Leonardo at umiwas ng tingin. He was sure na makakapasok siya doon. -----  Linggo. Nasa labas na sina Leonardo at Clara para mamimili ng pagkain. Marami rin ang napapatingin sa kanila dahil sa bagong lalaki na ngayon lang nila nakita. Maraming tao ang naroon at batang naglalaro. Leonardo didn't expect na maraming tao pala ang nakatira dito.  "Ayon! Natatanaw mo ba ang malaking bahay na iyon? ‘Yan ang bahay ng Vasquez. Ang ganda, gusto ko ding makapasok d’yan. Siguro ang ganda ng buhay ng apo ni Don Ignacio?" Napabuntong hininga si Clara sa sinabi. Pangarap niyang makalabas dito at makapunta din sa Maynila para makahanap ng trabaho at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Katulad ng bahay ng Vasquez. Kaya nagsisikap talaga siyang kumayod at mag-ipon para makaluwas ng isla. May elementarya at high school naman ang isla dahil pinalagyan ito ni Don Ignacio para makapag-aral ang kabataan, kaya malaki ang pasasalamat ng mamamayan doon sa matandang iyon. Leonardo stares at the house— no, mansion is the perfect description to that. Malaki ito katulad ng mga mansion na nasa Maynila. Puti at krema ang kulay nito at malaki ang gate sa harap. Ngunit bakit tila walang kabuhay-buhay ang bahay na ‘to?  Iniiwas niya ang mata nang may mapansin siya. His eyes narrowed to a particular man. Bakit may dala itong baril? "Ano’ng tinitingnan mo? Ah, hindi ko alam kung sino sila basta napapansin namin na pumupunta sila dito at may dalang armas. Nakakatakot nga, eh," sambit ni Clara nang makita kung sino ang tinitingnan ni Leonardo. Nakakaramdam siya ng takot kapag nakikita niya ito. Tumitindig ang balahibo niya sa katotohanang may mga armas ito. "H-hindi ito ang k-kuta nila...”  Leonardo remembered Major Hernandez said. Sa lugar na ito kaya ang kuta ng mga iyon? Mukhang kailangan niyang kumilos at kumpirmahin ang hinala. Nabalot ng katahimikan ang tao na ikinataka niya. Tumingin siya sa mga ito at nakitang nakatuon ang mga mata nito kung saan naroroon ang malaking mansyon ng Vasquez kaya napatingin din siya. Isang itim na sasakyan ang papalapit sa kanila.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD