Tumigil ito sa hindi kalayuan sa pwesto nina Leonardo at Clara.
Isang lalaki ang bumaba mula sa passenger seat at pinagbuksan ang pinto sa back seat.
Bumaba sa sasakyang iyon si Ocean Vasquez, ang apo ni Don Ignacio. Hindi man alam ng karamihan na si Ocean ay hindi tunay na apo ng Don, ito ang pinakapaboritong apo ng matanda. Walang dinadala si Ignacio sa islang ito kundi ang apo’ng ito.
Nakasuot ng kulay baby blue satin dress ang dalaga na lagpas sa tuhod. Naka-suot din ito ng sumbrero kaya hindi masyadong naaaninagan ang mukha nito. Maputi ang balat at kaakit-akit si Ocean kaya napapatingin sa kanya ang mga naroon.
"Iyan na ata ang apo ni Don Ignacio. Grabe! Likod pa lang ang ganda na," namamanghang puri ni Clara. Kumpara sa balat niya, medyo maputi din siya pero hindi kasing kinis nito. Hindi niya maiwasang mainggit sa dalagang iyon. Maganda na, maganda pa ang buhay. Napakaswerte.
Leonardo's eyes are still staring at the woman that came down from that car. Hindi niya maiwasang hindi ma-curious sa babaeng apo ni Don Ignacio. 'Turn around,' he said on the back of his mind. Ito ang makakatulong sa kanya para makatawag at makauwi sa kampo.
Lumakad si Ocean sa mga nagtitinda roon. Kalmado lamang ito at mahinhin kung kumilos. She was exuding an aloof aura.
"Magkano ho ito?" tanong niya sa malamyos na boses sa tindera. Nakanganga lamang ang tindera mula nang makita nito ang dalaga. Siniko siya ng kasama dahil tulala pa ito.
"Ah… eh, tatlumpu't limang piso ang isang kilo," sagot ng tindera sa saging na itinuro ng dalaga. Napakagandang bata! Ito ang apo ni Don Ignacio? Tanda niya na may batang palaging sinasama ang Don noon dito. Ang babaeng ito kaya iyon?
"Sige, dalawang kilo po," ani ni Oceane at kumuha ng seventy pesos. Agad namang kumilos ang tindera at ibinigay ang supot ng saging.
Hindi pa rin umaalis sina Clara at Leonardo sa kinatatayuan nila. Tinitingnan nila ang bawat kilos ng dalaga. Tutal nandito na rin lang sila ay susulitin na nila ang pagkakataon na makita ito lalo na't sabi nila na bihira lang ito lumabas ng bahay. Hanggang sa umikot ito at nasilayan nila ang mukha ng dalaga. Napasinghap si Clara habang kalmado lamang si Leonardo.
Ocean has a soft features. Blue eyes with long eyelashes. A narrow nose and a bow like lips. Manipis iyon at pink ang kulay. Kita din ang pamumula ng pisngi nito dahil siguro sa init. Sa unang tingin ay nakakamangha ang itsura nito ngunit mukha itong mahinhin, aloof at tahimik.
Hindi maalis ni Clara ang mata kay Ocean. Napakaganda talaga! Hindi siya nagkamali. Na-conscious tuloy siya sa sarili. Tumingin siya sa kanyang katawan at tumingin kay Leonardo na walang ekspresyon na nakatingin kay Ocean. Napabuntong-hininga na lamang siya.
Naghanap pa si Ocean ng paborito niyang prutas, ang mangga. Bihira lamang siyang lumabas kaya bumibili na siya ng marami. Hindi siya social butterfly at mas gusto niya ang tahimik na paligid.
Binayaran ni Ocean ang tindera at lumakad pa sa ibang stall. Sa likod niya naman ay ang isang bodyguard na bitbit ang binili niyang prutas. Papunta ito sa pwesto nina Leonardo at Clara.
Hindi makakilos si Clara dahil papalapit sa kanya ang dalaga. Hindi niya sinasadyang mapahawak sa laylayan ng damit ni Leonardo. Wala namang pake si Leonardo at casual lamang nakatayo. Paano niya kaya makakausap ito para tulungan siya?
When Ocean walked past him, amoy na amoy ni Leonardo ang mahalimuyak nitong bango.
"Grabe! Hindi ko aakalain na makikita ko siya ng malapitan. Ang ganda niya ‘di ba, Leonardo?" tanong ni Clara nang makalagpas si Ocean sa kanila. Pinakawalan niya nag hininga na kanina niya pinigilan habang papalapit sa kanila si Ocean.
"Maganda." Isang salita lamang ang naisagot nito kay Clara. Pilit na ngumiti si Clara dito at tiningnan ulit si Ocean. 'Kung ganito din sana siya.'
Kung malaman siguro ni Ocean ang iniisip ni Clara ay mapapailing siya at ngingiti ng mapait. Akala ata nito masaya ang mamuhay ng marangya. Aanhin niya ang ganda? She had no family, she was all alone.
"Halika na?" yaya ni Clara sa binata. Baka kasi hanapin na sila ng inay at itay niya.
Tumango lamang si Leonardo ngunit bago siya tumalikod sinulyapan niyang muli si Ocean na hindi sinasadyang pinasadahan siya ng tingin.
-----
Malalim na ang gabi ngunit gising pa din si Leonardo. Nakabihis ito ng itim na t-shirt at pants na kupas na maong. Kinuha niya ang isang itim na cap na nakasabit sa salamin at tiningnan ang itsura.
Ngayon siya pupunta sa mansion ng nasabing dalaga. Hindi niya alam kung makakapasok siya pero malaki ang porsyento na malalampasan niya ang bantay doon. Nalaman niya din na may surveillance camera ang bahay ngunit madali lamang niya iyong malulusutan.
Paglabas niya ng bahay ay kita niya na mayroong street light ang bayan. Isa din siguro ito sa mga pinagawa ni Don Ignacio. Mabilis ang bawat lakad niya at walang ingay. Natatanaw niya na ang mansion pati ang dalawang bantay sa gate. Napatingin siya sa mataas na gusali at sinukat kung gaano ito kataas.
Inayos niya ang cap at nagtago sa dilim. Mabuti at may puno doon at dun siya aakyat para makatawid sa mataas na gusaling. Dahan dahan siyang pumanhik. Mula sa taas kitang-kita ang magandang mansion. Tatlong palapag ito at may tila isang traditional mansion ang style. Tiningnan niya ang mga bantay at nakitang hindi ito nakatunog sa kilos niya.
Bumaba siya at yumuko. Mabilis siyang lumusot, nagtago at tumakbo. Marami pa ang nagpapatrol dito, bakit napakarami naman yata?
Nakita niya ang isang tao na lumabas sa isang pinto. Ayos, hinintay niya na makaalis ito bago siya pumasok.
He closes the door and his eyes roamed the inside of the house. Mukhang tulog na ang mga kasambahay pati na ata ang dalagang nakita niya kanina.
Agad siyang naghanap ng telepono nang mapatigil siya dahil sa litrato. Litrato ng isang matanda at bata. Malaki iyon at nakasabit sa dingding.
'Ito siguro si Don Ignacio?' Hindi lumalabas ang larawan nito sa media kaya hindi niya ito masyadong kilala maliban sa ilang pamilya nito. Pero natatandaan niyang sinambit ang pangalan nito sa military camp. Matagal-tagal na din.
Ang batang babae naman ay ang dalaga kanina. Mata pa lang ay talagang parehas na. Napadako naman ang paningin niya sa isa pang litrato. Laman din nito ang babae kanina sa bayan. Sa litrato ay dalaga na ito, ang mga mata nito'y mistulang tutusok sa iyo dahil sa kaseryosohan. She was wearing a spaghetti black dress at straight na straight ang buhok. Kitang-kita ang porselanang kutis nito.
He realized na masyado na siyang nakatitig sa litrato. Kailangan niyang makahanap ng telepono!
He was about to walk when he heard a chilling voice.
"Ano’ng pakay mo?"