Chapter 4

1437 Words
Chapter 4: Inside the academy Trust is like a glass that once it is broken, it will never be back ‡‡‡ Shamira Reign Warl Habang naglalakad papasok ay hindi ko maiwasang humanga sa mga structure nito. Isang napakalaking pintuan ang nadaanan namin. Makikita mo ang upuan dito na pinagsamang gawa sa kahoy at fiber glass. Weird combination pero ang gandang tignan. May dalawang hagdan na parehong may red carpet at sa pagitan ng dalawang hagdan ay mayroong chandelier. Napakaswerte ng buhay nila. Napakaginhawa ng buhay nilang mga maharlika, ang poproblemahin na lang nila ay kung paano mas palalaguin ang mga ari-arian o ang mga pera nila habang kaming mga taga bayan ay kumakayod araw-araw para lang makakain. Pahirapan rin sa pagtatrabaho para lang mayroong gastusin sa bayan. Kung sabagay hindi naman kasi kami nasa ilalim ng pamumuno ng kahit ni isa sa mga kastilyo in short ay independent ang mga taong nasa bayan. "Nakarating na pala kayo" napatingin kami sa babaeng nakasuot ng kulay red na gown na halong kaunting gold. Nahiya naman ako sa suot ko ngayon dahil nakasuot lang ako ng jeans at isang black na v-neck at sapatos. Sila Rain rin naman ay nakasuot ng pantalon ang kaso ay makikita mong prinsesa pa rin sila at makikita mo ring mamahalin ang mga suot nila. "May bago pala kayong kaibigan. Magpakilala ka hija" nakangiting sabi niya at ngumiti naman ako pabalik bago nagpakilala. "I'm Shamira, Shamira Warl" nakangiting sabi ko. Napakunot saglit ang reyna at lumapit sa akin tsaka hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nagtatakang nakatingin ako sa kaniya lalo na ng haplusin niya ang pisngi ko. "Saan ka nagmula?" mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. "Isa akong taga bayan" simpleng sabi ko sa kaniya at hindi nakaligtas sa akin ang panlaki ng dalaeang mata niya siguro ay hindi inaasahang galing akong bayan. Napatigil rin siya sa paghaplos ng pisngi ko. "Mom, is there something wrong?" tanong ni Zeke na nagratakang nakatingin na rin sa amin ngayon. Umiling lang naman siya bago limingon kay Zeke at ngumiti. Binalik niya ang tingin niya sa akin at nakita kong naging kulay pula ang mata niya kaya napaatras ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa inaakto niya ngayon. Maya maya ay bumalik na sa dati ang kulay ng mga mata niya at makikita mo ang panlalaki ng mata niya. Tinignan ko sila para humingi ng tulong pero mukhang hindi nila nagets. Tinignan ko si Zeke at tinignan ng may nakikiusap na tingin na tulungan ako. Mukhang nakuha naman niya kaya lumapit na siya sa ina niya. "Mom, what are you doing? Don't scare her" sabi ni Zeke pagkalapit na pagkalapit niya sa ina niya. Umiling lang siya at hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa akin. "Anong ganap dito?" isang baritoning boses mula sa isang lalaking kadarating. Para siyang old version ni Zeke at doon ko lang napagtanto na siya nga ang ama ni Zeke. Lumapit naman siya sa reyna na ngayon ay inaalalayan ni Zeke habang si Rain ay lumapit sa akin at hinawakan ako sa isang braso. "Ayos ka lang ba?" nagtatakang tanong niya. Tumango lang ako dahil maski ako ay naguguluhan sa inakto ng reyna. "May problema po ba?" hindi ko maiwasang magtanong dahil sa napakaweird na action niya. What's with her? Umiling lang siya bilang sagot. May binigay lang ang ama ni Zeke sa kaniya na hindi ko alam dahil napapalibutan ito ng tela. Pabilog ang shape niya but I really wonder what's that thing. But that's not my bussiness anyway. "Una na po kami" sabi ni Rain ganoon rin ang iba sa amin. "Sige, magingat kayo" nakangiting sabi niya. Nailang naman ako ng tinignan niya ako lalo na ng lumapit siya sa akin. "Take care hija" nakangiting sabi niya sa akin. "I will" maikling sabi ko but in a nice way. **** "Welcome to the Royal Academy" sabay na sabi ni Sean at Rain pagka-apak na pagka-apak namin dito sa academy nila. Inilibot ko naman ang paningin ko. I'm speechless. It's so beautiful especially those colorful flowers. Napapalibutan ng mga lanterns ang bawat puno. Iba't ibang uri rin ng mga bulaklak ang nandito na pinag-sama sama. Seems like I'm in the paradise. Sumunod naman ako sa kanila ng nagumpisa na silang maglakad. "Saan ba pala tayo pupunta?" curious na tanong ko kay Rain dahil siya ang katabi ko. "To the Headmaster's office. We'll just inform him that we already arrived" napatango na lang ako sa sinabi niya. Patuloy lang kami sa paglalakad at patagal ng patagal ay mas dumarami na rin ang mga estudyanteng nakikita ko. Kapag napapadaan kami sa kanila ay nagtatakang napapatingin sila sa amin. Hindi rin nakaligtas ang nga tingin nila sa akin na parang sinusuri nila ako. Titignan nila ako mula ulo hanggang baba. As if they were saying that I am not belong here. And I also want to say 'Duh! It's not my fault if I am here'. I just shook my head with that thought. Napatigil naman sila Zeke sa paglalakad at ganoon rin kami dahil nga nauuna siya katabi si Jiro. "Uhm, prince Zeke" humarang bigla ang isang babae at nahihiyang may iniabot na regalo sa kaniya. Nanginginig na rin siya siya at parang balewala lang ito kay zeke. "Masanay kana" natatawang sabi ni Sean ng lingunin niya ako. Nakita siguro niya ang pagtataka ko. Parang ewan lang si Zeke na malamig na nakatingin aa regalong iniaanot ng babae. "And what would I do with that trash?" walang emosyong sabi niya. I almost rolled my eyes because of the attitude he have. Don't he appreciate her gift? I am sure na nageffort ng todo yung babae para lang sa regalong yan. "This is a uhm. . . cake, you can eat it with your friends" she shyly said then look at us behind him then look down. "I don't care. Move, you're blocking our way" he hissed. Tumabi lang naman ang babae na halata ang pagkadismaya at lungkot sa mga mata niya. She seems put a lot of effort in making that cake but he just disregarded it like a trash. Tumigil naman si Sean ng tumapat siya sa babae at kinuha yung cake. "Sorry sa attitude niya but anyway thank you especially for your effort" I can see the sincerety of his eyes. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa niya at ng tignan ko si Rain ay ganun rin siya. Naglakad lang kami ng mga dalawang minuto hanggang sa marating namin ang dapat naming puntahan. "Headmaster's office" I silently read ng nakita ko ang sign sa itaas. Sumunod ulit ako sa kanila papasok sa loob. "Oh? Andito na pala siya" nakangiting sabi niya kaya naman ngumiti rin ako. "What's your name beautiful lady?" "I'm Shamira" "Nice to meet you and welcome to the Royal academy. By the way I am Headmaster Chris" naggesture siya na umupo sa isang upuan na nasa harapan ng table niya at sinunod ko naman siya. Tumingin naman siya sa kanila Zeke na nakatayo pa rin. "You can go now, thank you rin sa pagsundo sa kaniya" "No problem headmaster" magalang na sabi naman ni Jiro. Matapos ay nagpaalam na rin sila. Isang ngiti naman ang ibinigay sa akin ni Rain bago siya lumabas kaya ngumiti na lang din ako pabalik sa kaniya. Napatingin ako sa headmaster ng tumikhim siya. "Okay hija. May I ask first if what's your power?" sabi niya at may kinuhang papel mula sa isang gilid na kung saan may tumpok ng mga libro. "I am a nullifier" alanganing sabi ko at nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin. "Wow! A nullifier!" hindi makapaniwalang sabi niya. Nagtatakang nakatingin ako sa kaniya. Ano naman kayang meron dun? Napakauseless nga ng kapangyarihang meron ako mas gusto ko pa kapag yung lumalaki ang muscle ko para makapagbuhat ako ng walang kahirap-hirap. "What's your guardian?" paguusisa niya sa akin. "I don't have one" simpleng sabi ko na ikinalaki nanaman ng mata niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "Bakit po?" tanong ko sa kaniya at bahagya naman siyang umiling at alanganin ring ngumiti "Here's your dormitory key at ang I.D mo" ambilis naman atang nagkaI.D ako. Well, there's no impossible in magic. Pumalakpak siya ng ilang beses at dumating ang dalawang babae na nakasuot ng maid's attire. "Sila na ang bahala sayo hija, magingat ka. Sundan mo na lang sila para malaman mo kung saan ang dorm mo" sabi niya. "Thank you po" nakangiting sabi ko at sumunod na ulit sa dalawang babae. "Impossible" yan ang narinig kong bulong niya bago ako lumabas sa office niya pero ipinag-kibit balikat ko na lang. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD