Chapter 3

2335 Words
Chapter 3: Fire kingdom Mostly, the very first reason why people fell inlove with someone is because of their physical appearance ‡‡‡ Shamira Reign Warl Kasalukuyan kaming nagkaklase ng biglang may katok kaming narinig mula sa pintuan na nakakuha ng atensiyon naming lahat. The door automatically opened, though I cannot see who is it for the visitor remain outside. "Shamira Warl" rinig kong sabi mula sa labas kaya naman tumayo ako at nagpakita. Tinanong ko siya kung anong kailangan niya sa akin at sinabi niyang sumunod na lang daw ako. Sumunod lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa office of the principal. Kahit na nagtataka ay pumasok na lang ako sa loob. My jaw dropped when I saw them. Halos gusto kong sampalin ng maraming beses ang magkabilang pisngi ko ng makita kung sino ang mga nasa harapan ko. "Pinapatawag niyo po daw ako" pilit kong pinapakalma ang sarili ko at pinipigilang mautal. Naiilang ako sa mga tingin nila lalo na yung lalaking may dark red na mata. Nagtama ang paningin namin at ako ang unang umiwas. Rinig ko ang principal at may binigay na isang sobra sa akin kaya kinuha ko at inumpisahang basahin. "Teka, anong ibig sabihin nito?" "Nabasa mo naman diba?" seryosong sabi sa akin ng isang lalaki kaya di ko maiwasang mapalunok. No, it can't be! Mabilis akong napailing dahil sa nabasa ko. "Hindi ko to matatanggap" sabi ko habang umiiling iling pa. Nakita ko ang pagkagulat na rumehistro sa mukha ng principal namin dahil sa pagtanggi ko. Malamang ikaw ba naman ay kuning scholar para mag-aral sa Royal Academy at heto ako ay tumatanggi sa alok nila. "Alam mo ba kung gaano kalaki ang sinasayang mo hija?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Umiling lang ako bilang sagot. "No" napatingin ako sa lalaking nagsalita na walang iba kundi ang lalaking may dark red eyes. Seryoso ang mukha niya at parang nagpanic nanaman ang buong sistema ng katawan ko. "Hindi mo pwedeng tanggihan yan. You cannot reject that one as like that especially that offer is from Queen Emerald" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Is he serious? Galing talaga yan sa reyna ng white castle? I can't believe it. Pero di ko maiwasang hindi magtaka, bakit sa dinami dami ng maaring gawing scholar sa Royal Academy ay ako pa. Bigla kong naisip si Janella, kapag siya sana ang inalukan paniguradong sayang-saya siya ng sobra. "Please Ms. Warl, pumayag ka na lang. Kami ang mapapagalitan ng reyna, ang sabi niya kahit anong mangyari daw ay pilitin ka namin" nagmamakaawang sabi sa akin ng isang babaeng kasama nila. Dibale lima silang lahat na nandito. Dalawang babae at tatlong lalaki. "Kung kami ang masusunod ay labag rin naman sa loob namin na pakiusapan ka. tsk! But that's from the queen" taas kilay na sabi ng isang babae at agad naman siyang sinuway ng kasama niyang babae na nakiusap sa akin. Sa huli ay napapayag rin lamang nila ako. Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng mga gustong makapag-aral doon ay ako pa na walang pakialam sa ekwelahang yun ang pinili nila. Iniisip ko si Janella hindi pa naman ako nakapagpaalam sa kaniya. Lalong lalo na sa mga magulang niya. Sila na ang tumulong sa akin simula ng nawala ang mga magulang ko. Naglakad lang kami hanggang sa nakarating kami sa loob ng bahay ko. "Kukunin ko na lang ang ilang gamit ko, saglit lang ako" sabi ko sakanila habang inililibot nila ang buong paningin nila sa buong kabahayan. Dali dali akong nagtungo sa loob ng kwarto at kinuha ang isang backpack. Unti lang naman ang gamit ko, hindi rin naman ako palaging bumibili ng mga gamit dahil unang una ay hindi ako mayaman at talagang wala akong pera pambili ng mga luho. Napatingin ako sa isang box na nasa isang gilid at napabuntong hininga. Kinuha ko yun at binuksan. Isang napakagandang kwintas. Iyan ang kwintas ko mula pa noong bata ako at inalis ko lang ito noong namatay ang mga magulang ko. Mapait akong napangiti. "Alam ko pong binabantayan niyo ako" tumayo na ako at inayos ko na ang mga gamit ko pero bago yun ay isinuot ko ang kwintas ko. May pendant ito na pakpak na kulay itim at puti. Masasabi mong parang simple lang ito pero mapapamangha ka kung gaano kaganda ang mga detalye at paraan ng pagkakagawa dito. "Tapos ka na?" tanong naman ng isang lalaki kaya naman tumango ako. Nakita kong hindi nila tinitignan talaga nila bawat parte ng bahay ko. Para silang naignorante at parang ngayon lamang nakakita ng ganitong uri ng bahay. kunsabagay, siguro ay nasanay sila sa mga nagtataasang mga bahay na mala kastilyo o baka nga ay sa mga mismong kastilyo pa sila nakatira. "Asan ang mga magulang mo?" tanong nung babae kaya umiling lang ako. "They're gone" simpleng sabi ko at nakita kong napaiwas siya ng tingin. Nabaling rin sa akin ang atensiyon nila dahil sa sinabi ko. "Sorry, I'm Rain by the way" nakangiting sabi niya. Alanganing ngumiti na lang ako pabalik. Mayroon siyang maikling buhok na kulay yellow na bumagay naman sa kaniya. Napakakinis rin ng balat niya. Mayroon siyang kulay brown na mata. Bigla kong naalala ang second name ko dahil sa pangalan niya. "I'm Shamira" tipid na sabi ko at nakita ko ang pagamuse sa mukha niya ng sinabi ko ang pangalan ko kaya di ko maiwasang magtaka. Napakunot ang noo ko dahil sa naging reaksiyon niya. Kung sabagay kakaiba nga naman ang pangalan ko dahil may ibig sabihin daw ito sabi ng mga magulang ko. Hindi ko nga lang alam kung ano. "How rude na hindi pa pala kami nakakapagpakilala sayo kanina buti na lang at naisipang magpakilala ni Rain. I'm Jiro by the way" sabi niya at inilahad ang kamay niya. Kahit naga-alangan ay tinaggap ko pa rin ito. Mayroong siyang kulay abo na buhok and deep black eyes. Nagpakilala rin ang isa pang lalakig kasama nila bilang si Sean. Siya ang pinakakaiba sa kanilang tatlong lalaki dahil mayroon siyang kulay itim na buhok na may pagkabrown at mayroong halong kulay green at gold. Pero bagay na bagay sa kaniya. Tumitingkad ang kagwapuhan niya. Ipinakilala naman ni Rain si Anya, yung babaeng nagsungit sa akin kanina. Makikita mong parang lagi siyang may problema sa mundo. Parang kahit may kaunti ka lang na sasabihin ay susungitan kana niya. Nalaman ko na rin ang pangalan ng lalaking may dark red na mata. Sean said his name is 'Zeke'. Halos sumabog na ako dahil sa sobrang kaba ng tignan niya ako kaya mabilis akong napaiwas ng tingin noong oras na yun. Mayroon siyang dark red rin na buhok gaya ng mga mata niya. Doon ko lang naalala na sila yung dumating noon nung isang araw na nilait ng mga kagaya nilang mga taga Royal Academy ang babaeng lumpo. Well, except Anya. Hindi ko siya nakita noon. Wala rin silang ginawa noon para pigilan man lang ang mga ka-schoolmates nila. "Let's go" sabi ni Zeke at nauna ng lumabas kasunod si Anya. Nakasunod lang ako sa kanilang lima, tanging si Sean at Reign lang ang nag-iingay. At sa bawat pagiingay nila ay lagi silang sinisita ni Anya pero parang wala lang silang naririnig at patuloy pa rin sa pagdada. "Will the three of you just shut up!" zeke hissed and with that para silang maamong tupa na natahimik. Zeke have this bossy aura surrounding his body. Pati tuloy si Anya ay nasama sa nasigawan ni Zeke. Umirap lang siya kay Zeke habang si Sean ay parang wala lang na sumigaw si Zeke at si Rain naman napanguso na lang. "A gryffin?" hindi makapaniwalang saad ko. Napa-uhuh lang naman si Sean at inalakayan akong sumakay kasunod na inalalayan niya ay si Rain. Dibale tatlong ang gryffin na nandito at tutal anim naman kami ay tig-dadalawa na kami ng gryffin na sinakyan. Mga sampung minuto rin siguro ang naging biyahe namin gamit ang mga gryffin. Mula sa itaas ay nakikita ko ng maliwanag ang nga nangyayari sa nasa ibaba. Nakikita ko rin ang ibang nga palayan at iba pa. Pati rin ang ilang mga falls. Wow. Taga bayan man kami ay mayroon pa rin kaming maipagmamalaki. "Bababa muna tayo saglit sa fire kingdom. Isa pa alam naman na ng headmaster na dadaan tayo dito" tumango naman ako sa sinabi ni Rain. Nadaanan namin ang isang napakalaking gate at sa likod ng napakalaking gate ay ang napakalaking kastilyo. Ang fire kingdom. Tumalon na lang ako pababa at inalalayan ko si Rain dahil mukhang nahihirapan siya. Ako kasi ay sanay na sa mga matataas na lugaw kaya madali na lang sa akin ang tumalon talon gaano man kataas isali mo pa na nadalas kami ni Janella sa gubat para magpahangin. Si Janella. Bigla ko tuloy siyang naalala, kumusta na kaya siya? Sana ay ayos lang siya, hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya ng maayos. Isang malalim na hininga ang inilabas ko dahil sa mga naalala ko. "Hey" rain snapped. Kaya napa-ha ako. I am sure that I looked so stupid right now. "Tulala ka, tara na" doon ko lang napansin na ako na lang pala ang hindi pa gumagalaw sa pwesto namin kaya nasa akin ang atensiyon nila. Mabilis naman akong naglakad hanggang sa makalapit ako sa kanila at mabilis ring napaiwas ng tingin ng biglang magtama ang mata namin ni Zeke. "Let's go" ****** Chapter 4: Inside the academy ‡‡‡ Shamira Reign Warl Habang naglalakad papasok sa loob ng akademya ay hindi ko maiwasang humanga sa mga structure nito. Isang napakalaking pintuan ang nadaanan namin at ang tunog ng pagbukas nito ay nakapagpatayo ng aking mga balahibo. Makikita mo ang upuan dito na pinagsamang gawa sa kahoy at fiber glass. Weird combination pero ang gandang tignan. May dalawang hagdan na parehong may red carpet at sa pagitan ng dalawang hagdan ay mayroong chandelier. Napakaswerte ng buhay nila. Napakaginhawa ng buhay nilang mga maharlika, ang poproblemahin na lang nila ay kung paano mas palalaguin ang mga ari-arian o ang mga pera nila habang kaming mga taga bayan ay kumakayod araw-araw para lang makakain. Hindi ko maiwasang mainggit dito at minsan dahil dito, hindi ko rin maiwang hindi maalala ang mga panahon na kung saan ipinagdadasal ko na kung pantay pantay na lamang sana ang estado sa buhay ng tao. But that is not always the case, I remember Janella said that don't wish for equality but for contentment because that is what all of us need in this world. Mahirap ang buhay lalo na sa bayan, pahirapan rin sa pagtatrabaho para lang mayroong gastusin sa pang araw-araw na buhay. Kung sabagay hindi naman kasi kami nasa ilalim ng pamumuno ng kahit ni isa sa mga kastilyo in short ay independent ang mga taong nasa bayan kaya ang resulta ay kami ay napapabayaan. "Nakarating na pala kayo" napatingin kami sa babaeng nakasuot ng kulay red na gown na halong kaunting gold. Nahiya naman ako sa suot ko ngayon dahil nakasuot lang ako ng jeans at isang black na v-neck at sapatos. Sila Rain rin naman ay nakasuot ng pantalon ang kaso ay makikita mong prinsesa pa rin sila at makikita mo ring mamahalin ang mga suot nila. "May bago pala kayong kaibigan. Magpakilala ka hija" nakangiting sabi niya at ngumiti naman ako pabalik bago nagpakilala. "I'm Shamira, Shamira Warl" nakangiting sabi ko. Napakunot saglit ang reyna at lumapit sa akin tsaka hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nagtatakang nakatingin ako sa kaniya lalo na ng haplusin niya ang pisngi ko. "Saan ka nagmula?" mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. "Isa akong taga bayan" simpleng sabi ko sa kaniya at hindi nakaligtas sa akin ang panlalaki ng dalawang mata niya na siguro ay hindi inaasahang galing ako sa bayan. Napatigil rin siya sa paghaplos ng pisngi ko. So this is her mother at tuluyan na akong napayuko at nakaramdam ng hiya sa hindi malamang dahilan. She's so very beautiful and instead of feeling the intimidation, I feel a soft and warmth aura surrounding her. "Mom, is there something wrong?" tanong ni Zeke na nagratakang nakatingin na rin sa amin ngayon. Umiling lang naman siya bago limingon kay Zeke at ngumiti. Binalik niya ang tingin niya sa akin at nakita kong naging kulay pula ang mata niya kaya napaatras ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa inaakto niya ngayon. Maya maya ay bumalik na sa dati ang kulay ng mga mata niya at makikita mo ang panlalaki ng mata niya. Tinignan ko sila para humingi ng tulong pero mukhang hindi nila nakuha ang bagay na gusto kong iparating. Tinignan ko si Zeke at tinignan ng may nakikiusap na tingin na tulungan ako at sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag ng mukhang nakuha naman niya ang nais ko kaya lumapit na siya sa ina niya. "Mom, what are you doing? Don't scare her" sabi ni Zeke pagkalapit na pagkalapit niya sa ina niya. Umiling lang siya at hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa akin. "Anong ganap dito?" isang baritoning boses mula sa isang lalaking kadarating. Para siyang old version ni Zeke at doon ko lang napagtanto na siya nga ang ama ni Zeke. Lumapit naman siya sa reyna na ngayon ay inaalalayan ni Zeke habang si Rain ay lumapit sa akin at hinawakan ako sa isang braso. "Ayos ka lang ba?" nagtatakang tanong niya. Tumango lang ako dahil maski ako ay naguguluhan sa inakto ng reyna. "May problema po ba?" hindi ko maiwasang magtanong dahil sa napakaweird na action niya. What's with her? Umiling lang siya bilang sagot. May binigay lang ang ama ni Zeke sa kaniya na hindi ko alam dahil napapalibutan ito ng tela. Pabilog ang shape niya but I really wonder what's that thing. But that's not my bussiness anyway. "Una na po kami" sabi ni Rain ganoon rin ang iba sa amin. "Sige, magingat kayo" nakangiting sabi niya. Nailang naman ako ng tinignan niya ako lalo na ng lumapit siya sa akin. "Take care hija" nakangiting sabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD