Chapter 5: Stare
“When you feel so lost, always remember where you from”
‡ ‡ ‡
Shamira Reign Warl
"Salamat" pagpapasalamat ko sa dalawang inutusan ng headmaster na ihatid ako. Imbes na magsalita ay ngumiti lang sila.
"Nandito na ang ilang gamit mo hija. Kung may mga kailangan ka ay magpunta ka na lang sa opisina ng headmaster, yun rin kasi ang ibinilin niya sa amin" sabi niya at ipinakita pa ang laman ng closet.
Sa loob ay nakita ko ang mga mamahaling na sa tingin ko ay kahit magkanda-kuba-kuba akong magtrabaho ng isang taon ay hindi ko pa rin mabibili.
" Bago ko rin makalimutan hija. Bukas maghanda ka at kinakailangang magpunta lahat ng estudyante sa arena para sa gagawing section checking" pahabol nung isa.
"Sige po. Maraming salamat" at naglakad na papuntang kama tsaka pabagsak na nahiga. Mariing pinikit ko ang mata ko dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ako sa loob ng academy na pinapangarap ni Janella. I can't believe it. How I hope that this is only a dream, please wake me up. But I know that it is not.
Naalala ko pa ang mga ginagawa ko sa bayan kapag ganitong oras na pagabi na. Lalabas ako ng bahay then I'll go to janella's house for a star gazing with her. Until we both fell asleep then darating si Kin, yung gumiho ko, at gigisingin niya kami. Napapatawa na lang kami ni Janella. Sometimes dinidilaan niya pa ako.
Bigla akong napamulat ng maalala ko si Kin. Hindi ko naman talaga guardian si Kin. I just saw him inside the forest when I was nine years old. He has a lot if wound by that time. Imbes na matakot ay nakaramdam ako ng awa ng makita siya. Dali dali akong tumakbo noon sa bahay para lang manguha ng gamit sa kanila ina at ama.
I smiled with that thought. After the day na ginamot ko siya dinadalhan ko na siya palagi ng pagkain. I'm always in the forest. Starting in the morning until night just to make sure he is safe. Sinisigurado ko ring kumakain siya ng tama. Janella don't know about kin too. No one knows except me.
I miss my old life. Kumusta na kaya si Janella? Napabuntong hininga na lang ako at di ko namalayang nakatulog na pala ako.
*******
I woke up at exactly six o'clock in the morning. So unusual of me, mostly kasi around five ako kung bumangon. Naalala kong may event nga pala ngayon at napakamot na lang tuloy ako sa batok ng maalalang hindi ko alam ang pasikot-sikot dito sa akademya.
Naligo ng lang ako matapos ay namili ng damit na nasa closet. According to those two girls yesterday, hindi daw namin kailangang maguniform ngayong araw dahil sa checking daw. Malay ko ba kung ano yun. Tsaka na lang daw kami magsusuot ng uniform bukas dahil schooldays na daw.
Magaganda nga ang mga nasa loob ng closet ang kaso wala akong mapili. Para naman kasing nakulangan sa tela ang mga gamit. I just sighed then choose a taggered jeans and a fitted gray shirt na may nakaprint na 'Shut up!'.
I just find it cool kahit na may tatlong straight line na punit ito sa likod ko. Pero okay lang naman.
I also wore a black highcut pony na may kulay green na lining niya. I look myself infront of the mirror and I can say 'wow'. Feels like this isn't me because of what I am wearing right now. Feeling ko gusto ko ng magpakamatay dahil sobrang namimiss ko na ang buhay ko noon sa bayan.
Mahirap man atleast meron si Janella sa tabi ko noon. Napadako ang tingin ko sa kwintas ko at napangiti. I can get throught it.
Nagumpisa na rin akong naglakad pababa. Nasa may 17th floor ang dorm ko. May ilang mga nakasabay rin ako sa pagsakay ko sa elevator. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila sa akin na parang ininspeksiyon. Tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa.
Nang makarating na kami sa first floor ay nagpahuli talaga akong lumabas sila. Naiilang ako dahil sa mga tingin nila.
"Hello" napatingin ako sa tabi ko na pinagmulan ng boses na nagsalita.
"Hi" alanganing bati ko sa kaniya. Mayroon siyang singkit na mata and rossy cheeks. Hanggang bewang ang buhok niya na naka-braid. Siguro kapag hindi siya nakabraid baka hanggang pwet na ang haba ng buhok niya na kulay brown.
"Uhm, bago ka lang ba? I'm Aimee by the way"
"Yes. Shamira" agad na sagot na sagot ko. "Do you know where the arena is? Hindi ko kasi alam kung nasaan" napakamot na lang ako sa batok ko.
She just smile "Oo, dibale papunta rin naman ako doon. Sabay na lang tayo?" tumango naman ako sa sinabi niya.
"So, tara na"
Naglakad lang kami ng saglit hanggang sa nakarating kami sa arena. Marami ring mga estudyante ang nagsisipasok na sa loob. Mula sa labad ang rinig na rinig mo ang mga malalakas na hiyawan nila na parang may maglalabang mga gladiator.
Umupo kami sa may bandang gitna kung saan kita namin ng maayos ang nangyayari sa ibaba. Pero bago pa ako makarating sa pwesto ko ay may agad ng humila sa akin at niyakap ako ng mahigpit at nagtitili na parang walang bukas.
"Shamira! Atlast, I found you. Kanina pa kaya kita hinahanap nakakaasar si Headmaster Chris! Hindi man lang sinabi sa amin ang dorm mo!" nakangusong sabi ni Rain na pumapadyak padyak pa ng paa. Nakahakot tuloy kami ng mga atensiyon.
"Ano ba Rain! Tumino ka nga pinagtitinginan na tayo" suway anaman agad ni Sean. Napansin kong parang di na mapakali si Aimee. Muntik ko na nga ring nakalimutang kasama ko siya.
"Teka nga pala. Uupo na kami ni Aimee doon" sabi ko sa kanila pero agad namang nagtaas ng kilay si Rain at hinila nanaman ako palapit sa kaniya.
"No! Sa amin ka sasama" sabi niya. "At kung gusto ng kasama mo, sumama na lang din aiya para the more the marrier" hyper nanamang sabi ni Rain.
Napailing na lang si Jiro lalong lalo na si Anya habang napatampal na lang sa noo si Sean. Si zeke? As usual ay tahimik pa rin. Nagtama naman ulit ang paningin namin kaya mabilis akong napaiwas.
"Naku, ayos lang. Dito na lang ako" agad din namang pagangal ni Aimee at mabilis namang umiling-iling si Rain na hindi sang-ayon.
"No, no, no and no. Masakit mareject, you know"
"If I were you miss pumayag ka na lang. Nakakasakit ng ulo ang ugali niya lalong lalo na ang boses niya kaya sumama ka na lang" sabi din naman ni Jiro.
"Yeah, just come with us" mataray na sabi ni Anya at nauna ng naglakad pababa.
Nakangiting hinawakan ko na lang si Aimee sa pulsuhan niya then mouthed 'sorry' at ngumiti na lang din siya pabalik. Sumunod na lang kami sa nangungunang naglalakad pababa na si Anya. Napapatingin rin naman ang ibang mga estudyante sa amin.
"Ano nga ba palang meron?" nagtatakang tanong ko ng makaupo kami sa may harapan. Sa pwesto namin kita na talaga namin ang stage.
"Section checking 'yan. Di bale part three na rin 'tong checking na 'to. Si Zeke na lang ang hindi pa natatapos sa amin dito. Ikaw ba Aimee, tama ba? Tapos ka na diba?" saad naman ni Rain.
"Yep, tama at yes ulit dahil tapos na nga ako. Ang alam ko ay sampung pares na lang ang natitira. Tutal bago ka ay ibig sabihin kasali ka sa sampu, ata?' hindi siguradong sabi ni Aimee kaya nagtatakang nakatingin ako sa kaniya
" Nakalista na rin kasi ang sampung pair na maglalaban-laban kaya hindi namin alam kung paano ka. Isa pa, isang buwan na ring nagumpisa ang klase at marami-rami na rin ang hahabulin mo" sabi ni Sean na katabi si Rain. At doon ko lang nagets, kaya pala.
"Ibig sabihin ba, sa pamimigitan ng paglalaban doon mo malalaman ang section mo?" tanong ko ulit at napatango naman sila.
"Mayroon kasing tatlong class. Ang A,B and C, and Class C is the lowest. Sa magiging laban niyo rin ibabase ang 40 percent ng grades mo" napatango naman ako sa sinabi niya.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng arena dito sa loob. Mukhang pakumpleto na kami dahil wala na atang pumapasok dito sa loob. Sa itaas ay nandoon pala ang mga Hari at Reyna mula sa limang kaharian at halos bumilog ang mata ko ng makita ko ang Reyna ng Fire Castle na nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin ng magtama ang paningin namin kaya ganoon din ang ginawa ko.
Napansin ko rin ang tingin ng hari sa akin mula sa white castle na parang ine-examine ako kaya naman naiilang na talaga ako. Buti na lang at nagsalita na ang announcer para sa checking.
******