Naputol ang tulog ko dahil sa ingay galing sa labas. Bumubuhos ang napakalakas na ulan. Napatingin ako sa bintana, madilim pa rin. Babangon na sana ako ng may maaninag akong tao na nakatayo sa bandang pinto. "Good morning, sweetie." He turned the lights on. Unti-unting sinakop ng liwanag ang kabuuan ng kwarto ko. Dahan-dahan kong kinusot ang mga mata ko. Nasisilaw ako, pakiramdam ko mabubulag ako dahil sa tindi ng liwanag. Naka-long sleeves ito at boxer shorts na stripes ang pang-ibaba. Lumapit siya sa akin at saka umupo sa bandang paanan ko. May dala itong bag pack na kulay itim. Bigla akong napaisip kung para saan ang back pack. Hindi na lang ako nagpahalata. "Anong ginagawa mo dito?" bungad kong tanong. Agad akong nag-panic dahil alam ko kung saan na naman ito papunta. Umatras ako