Isang gabi habang abala ako sa paghahanap nang mababasang magazine ay dumating si Mister Z. Mukha siyang nagmamadali ay naman sinundan ko siya ng tingin. Papaakyat siya sa second floor kung saan naroon ang lugar ng mga kwarto namin. Nakaramdam ako ng kaba kung kaninong kwarto ang pinasukan niya. Mabilis akong umakyat papuntang second floor. Pinihit ko ang pinto. Napamura na lang ako nang malamang naka-locked ang pinto. Mabuti na lang ay meron akong duplicate key na hiningi ko kay Butler noong isang araw. Pagkabukas ng pinto ay agad akong dumiretso sa tapat ng pinto ni Leon. Pinakinggan ko muna ang nangyayari sa loob. Wala ingay ang maririnig. Nakahinga ako ng maluwag dahil mali ang akala ko. Paalis na sana ako nang makarinig ako ng ingay galing sa loob. Kalabog galing sa kama. Nang tumig