Totoo nga ang sabi nila na nasa huli ang pagsisisi. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pumayag ako sa gusto ni Mister Z. Hindi ko alam kung bakit 'ko nagawa ang ganoong bagay. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag at bakit ako pumayag. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader dahil sa pagkadismaya. Kahit hindi ako babae na nadungisan, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Kanina pa nanghahapdi ang balat ko dahil sa kakakuskos ng sabon. Hindi ko na mamalayan na nasusugatan na iyon dahil sa sobrang pagkakamot ko. Sana sa pamamagitan ng sabon, matanggal ang kumapit na laway ni Mister Z sa buong katawan ko. Nilakasan ko ang buhos ng tubig galing sa shower. Nilinis kong mabuti ang sarili hanggang sa mawala ang kababuyang ginawa niya. Hindi ko magawang i-enjoy ang inihanda ni Manang