Chapter 11

2047 Words

Maayos na maayos na ang pakiramdam ko. Hindi na ako nakararamdam ng hilo at pananakit ng katawan. Hindi ko malilimutan ang larawang nakita ko sa library kahapon. Maaaring family picture iyon ni Mister Z. Ang ipinagtataka ko ay kung nasaan ang pamilya niya. At kung bakit hindi niya kasama ang mga ito. Wala ni isang mukha ang nasa larawan ang makikita ngayon sa loob ng mansyon. Naabutan kong kumakain si Leon at Kuya Cyrus sa dining area kaya nakisalo na 'ko sa kanila. "Nasaan si Bultler?" Hindi ko kasi ito nakita. Madalas ko kasi siyang makita lalo na t'wing umaga habang tumutulong sa paghahanda. Kung minsan ay siya pa rin ang kumakatok sa mga pintuan namin para manggising. "Pinatawag ni Mister Z sa opisina," sagot ni Kuya Cyrus. Tumango na lang ako. "Kamusta ka na, Leon. Okay ka na?" N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD