Inihanda ko ang mga gamit ko. Inilagay ko na sa isang bag ang mga damit, shorts, pantalon at pares ng sapatos. Hindi ko alam ang sasabihn sa sandaling makita ko ang pamilya ko. Hindi ko rin alam kung anong magiging reaskyon nila. Umaasa ako na sana ayos lang ang lahat. Tinupad ni Mister Z ang pangako niya. Nang sumunod na araw ay pinayagan niya akong makalabas ng mansyon kasama ang mga bodyguards niya. May duda siya na baka daw kasi takasan ko ulit siya. Bago umalis, ay muli niyang kinuha ang phone ko at ibinigay sa tauhan niya. Naghintay ako ng ilang minuto at saka niya muling ibinalik sa akin. Nang makasakay ako sa sasakyan ay saglit akong nilagyan ng piring sa mata. Hindi na ako umalma pa. Una kong pinuntahan ang pamilya ko. Huminto ang sinasakyan kong limousine at saka tinanggal ang